Chapter 23: Going Back?
•Ash's POV•
Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa isang daanan na pinapangunahan ni Mike. Sumusunod lang kami sa kaniya dahil ang request ni Claire ang sinunod namin.
Pero ako na ang nagpadulo at sa tingin ko, medyo malayo na ang distansiya ko sa kanila.
Sa paglalakad namin ay napunta kami sa isang highway. Pero, pamilyar ito sa akin. Parang nakakapagtaka na parang nakita ko na ito dati. Napuntahan, actually.
"Ah, anong daanan ito, Mike?" Tinanong ko siya dahil talagang pamilyar sa akin.
"Ah, ito? Dito kasi galing si Mr. Vega noong dinala kayong anim sa Kumpaniya. Gamit ang sasakyan niya." Habang naka-turo kay Yuri. Teka, paano niya nalaman?
"Paano mo nalaman yun?" Inosenteng tanong ni Yuri sa kaniya na ikinatango namin.
"Saka na kapag nasa Bungalow na tayo ng lolo at lola ni Claire. Doon niyo malalaman. LAHAT" sabi niya at saka tumigil kami dito at parang naghihintay ng kung ano.
"Ano ba ang hinihintay natin?" Tanong ko sa kaniya.
"Sasakyan. Kailangan natin ng masasakyan para makapunta tayo sa Bungalow ng Lolo at Lola ni Claire."
"So, dito tayo maghihintay. Paano ang pamasahe?" Si Kia.
"Alam ko naman na wala kayong pera ngayon ay ako na ang magbabayad." Mabait pala ito.
May dumating naman na isang Taxi. Sasakay na sana ako pero tinignan ko muna sila kung ok lang na sa sasakyan na ito sasakyan ko.
Tinignan din nila ako at parang iba ang tingin sa akin ni Mike. Parang may pinapahiwatig siya na isang bagay.
"Sasakay ba kayo?"
"Ashley, sa tingin ko sa iba na la—"
"Huli ka?!" Bigla akong nakaramdam na may humila sa akin. Naramdaman ko na may humawak sa kabilang kamay ko at parang pinag-aagawan ako.
"Manong, paandarin mo na?!" Sigaw ng pamilyar na boses na talagang sa boses niya ay naririndi ako.
"Ma'am, nasasaktan po siya." Sagot ng Driver sa kaniya.
"Ano ba, Willes. Paandarin mo na sabi?!" Pero, hindi talaga gumalawa ang sasakyan.
Naramdaman ko ang malakas na pwersa na humihila sa akin palabas sa sasakyan na dapat ako ay huhulihin ata.
Pero, medyo malakas ang sa ale. Kaya, nahihirapan din sila. 'Di rin nag-tagal ay biglang lumapit si Mike na may baril na hawak at tinutukan niya ang may hawak sa akin.
"Bitawan mo siya, Aliah!" Sumigaw siya at parang nagulat ako at ganun din yung nanghablot sa kamay ko.
"Bibitawan mo ba siya o sasabog iyang utak mo?" Mahinahon na siya ngayon pero nakatutok pa rin ang baril sa kaniya.
Pero, unti-unti kong nararamdaman na lalo niya akong hinigpitan ng hawak. Sino ba itong taong 'to?
"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Hindi na ako nakapag-pigil ay sinipa ko na siya at narinig ko ang hiyaw niya. Buong pwersa ko 'yun kaya siguro napa-hiyaw siya.
Pero, parang babae na talaga ang boses niya. Teka, tinawag siya ni Mike ng Aliah.
"Oh, Aliah? Is that you?" Tinadyakan ko ulit siya ng mas malakas pa kaysa kanina. Take note, that na humiyaw siya pero parang impit.
"Ayaw mo ko bitawan ah..." Dali kong binawi ang paa ko at sinipa siya sa uluhan niya. Doon nawalan ng lakas ang kapit sa mga braso ko.
Naalis ko din ka-agad ang kamay ko at lumingon na ako sa driver ng taxi at sinabing paandarin na niya. Tinanguan niya ako at pina-andar ang makina at lumingon ako pabalik sa biglang tulog na Aliah.
BINABASA MO ANG
The Man Behind My Nightmares
HorrorMag-ingat sa mga napapanaginipan dahil maaaring ang tao sa likod ng iyong mga panaginip ang magdala sa iyo sa isang buhay na BANGUNGOT.