Chapter 16

9 1 0
                                    

Chapter 16: Diary of Whom?

•3rd Person's POV•

"Why can't you love me back?" Sigaw ni Issa kay Carlo na ikinanginig niya dahil sa maaaring mangyari sa kanilang tatlo.

"Tama na, Krissa. Hindi kita mahal sinabi ko na sa iyon yan. At this is just an arranged marriage." Sigaw ni Carlo pabalik kay Issa na nakatutok ang bala sa kaniya.

"Bakit? Porket nagka-anak ka kay Hannah? Hindi totoong pagmamahal iyan. Awa lang iyan!" Sumigaw siya na halos mapiyok na dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"Oo, nagka-anak agad kami ni Hannah. Dahil bunga ito ng aming pagmamahalan. Mahal ko si Hannah, simula pa lang."

"Hindi totoo iyan. Please, Carlo. Tell me that you love me." Nakatutok pa din ang baril sa kanilang dalawa.

"I don't want to lie to you, Krissa. I do NOT love you. I never did." Habang naglalakad siya palapit kay Krissa habang si Hannah ay nasa likod lang ni Carlo.

"Just bring down the Gun and calm down." Nakalapit na si Carlo sa kaniya at si Issa naman ay binaba na ang baril.

Kinuha ito ni Carlo sa mismong kamay ni Issa at tinapon iyon sa tabi. Niyakap niya si Issa at pinapakalma pa. Si Hannah naman ay lumapit din para yumakap.

"Sorry, Krissa. But we love each other. After the marriage, we need to divorce." Bulong ni Carlo sa kaniya kaya kumalas si Issa.


But on the other side, si Ashley na nasa tabi lang at nanonood lang dahil wala pa siyang alam.

Nakatayo siya malapit kung saan ang baril nakapwesto dahil sa pagkatapon. Napansin niya iyon at kinuha. Medyo nahirapan pa siya dahil sa mabigat ito.

Ngunit nabuhat niya rin at nakatapat ito kay Carlo.

"Daddy!" Sigaw ni Ashley sa tatay niya.

Nakatutok na ito at pwede ng pumutok sa isang pitik lang. At ang kanyang tatay ang mapuputukan. Pero biglang natawa si Ashley at parang nais niyang pindutin ito.

"No, Ashley. Don't click that gun. Bring it down." Pagsenyas pa ni Carlo sa anak niya pero tumatawa lang si Ashley sa kaniya.

Pero biglang pumwesto na ang mga daliri ni Ashley na isang usog na lang at puputok na ito. Pero dahil malikot si Ashley ay unti-unti itong nagbibigay ng pwersa para mapindot.


"No!~" humakbang si Krissa at humarang sa pwesto ni Carlo nang  biglang tumunog ang baril.

Naging mabagal ang lahat at ang bala ay dumadaloy na sa hangin habang si Ashley ay napatumba sa pwersa ng pagputok ng baril.

Tumama ang bala sa puso ni Krissa na ikinagulat ng dalawang nasa likod niya. Bumagsak si Krissa kay Carlo na parang nakangiti pa.

Si Carlo at Hannah ay hindi alam ang gagawin kaya medyo nataranta silang dalawa. Lumapit si Ashley sa magulang niya at tumabi sa katawan ni Krissa na unti-unting nawawalan ng buhay.


"Daddy, anong nangyari kay Tita Kris? Bakit siya nagdudugo?" Inosenteng tanong ni Ashley sa tatay niya na pilit inaayos ang pagkakahiga ni Krissa para madali niyang buhatin.


"No, Krissa. Please, gumising ka." Sigaw ni Carlo habang buhat buhat niya si Krissa. Nakasunod lang si Hannah habang buhat buhat si Ashley. Isinugod nila si Krissa sa hospital gamit ang sasakyan nila.

"Doc, do everything to save that lady." Sigaw ni Hannah na pumiyok na sa sobrang takot. Inilagay na si Krissa sa Hospital bed at dinala Emergency Room.


The Man Behind My NightmaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon