CHAPTER THREE

20.7K 406 23
                                    






"Ma'am, can you teach me how to read this. Hindi ko po mabasa yung ibang letters eh?" A cute little guy ask in front of me.

"Sure, Khyre." sagot ko saka ngumiti dahil sa batang nasa harapan ko habang hawak hawak nito ang isang libro.

How I'm fond with the kids? Ngumiti ako sa kanya at tinulungan sa gagawin niya. I'm a kindergarten teacher now. At masaya ako dahil dun. Five years had passed, nagbago buhay ko.

Flashback

Nagising ako isang araw na parang nasusuka ako. Agad agad akong tumakbo papuntang banyo para sana ilabas ang gustong lumabas pero ang nagtaka ako, ng walang lumalabas na suka ko kundi puro tubig lang. Dala lang siguro ng pagod at stress sa pagtatrabaho.

Two months na rin kasi akong nagtatrabaho sa isang private school bilang pre-school teacher. Kinaumagahan kasi nung dumating ako sa bahay namin, nag-apply na agad ako sa mga elementary schools sa bayan namin. Mapa-private o public man. And to my surprise, After ng ilang days ay pinag-report na ako ng principal sa isang private school bilang permanent teacher na. Hindi ko alam kung swerte lang ba talaga ako o naka chamba lang noon.

"Buntis ka ba, anak?" Agad akong napalingon sa sinabi ni nanay na nanlalaki ng mata.

"Hindi, Ma. Stress lang siguro to." Sagot kong umiiling sa kanya.

"Hindi ganyan ang mga taong stress, nak. Ilang linggo ka na bang ganyan? Palagi kang umuuwi ng maaga dahil palagi kang nahihilo at nagigising ng umaga na sumusuka. Isa lang ang ibig sabihin niyan ay nagdadalang tao ka." Saad naman nitong parang siguradong sigurado sa mga salitang binibigkas niya.

"Nay naman, Hindi ako buntis, pagod lang talaga ako." pinakalma ko ang kaloob looban ko para hindi nito mahalata ang kaba ko. Pilit kong hindi pinapahalata sa nanay dahil hindi naman totoo kahit na nakaramdam din ako ng nerbiyos at takot.

"Hindi ako kumbinsido" saad nitong hindi talaga naniniwala sa sinabi ko. Hindi ako naniniwalang buntis ako. Isang gabi lang yun. Walang mabubuo. Nanatili akong tahimik dahil nararamdaman ko na naman na nahihilo ako.

"Kailangan makasigurado anak. O siya humiga ka muna Jan" humiga agad ako at ipinikit ang mga mata. Mabuti na lang at sabado ngayong araw kaya walang pasok. Makakapagpahinga ako ng matagal at walang stress na manggugulo sa katawan at pag-iisip ko.

A Night with a Stranger (Night Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon