It's been a month since the triplets are born. I was so much happy when I see them nang magmulat ako ng mga mata kinabukasan. Agad ko silang nasilayan ng makita ko ang kanya kanya nilang malambot at maliliit higaan sa tabi ng kama ko. Mahimbing namang natutulog ang asawa ko sa gilid ko habang hawak nito ang isang kamay ko. Nagalit lang talaga ako nang malaman ko na may pangalan na ang mga bata na hindi man lang ako tinatanong o kinokonsulta kung gusto ko ba ang mga pangalan nila. But when Xavier says their name to me. My face soften and mesmerized. Bagay na bagay sa kanila ang mga pangalan nila. I love their names kasi iyon mismo ang gusto kong ipangalan sa mga magiging anak ko.
Midnight, Dawn and Sunshine is my favorite. napangiti na lang ako sa naisip ko.
Bumaba ako ng hagdan nang nasigurado kong tulog na tulog na ang mga bata para kumuha ng tubig sa kusina. Nauhaw ako sa dahil sa pag-aalaga sa mga bata. Mabuti na lang at mabait ang dalawang bata maliban sa panganay na si Midnight na palaging gustong magpakarga bukod sa akin at sa ama niya. 'Napaka-clingy na bata daig pa ang ama.'
Nadatnan ko si Manang Lydia na naglilinis ng sala at inaayos na nito ang sofa sa dati itong ayos.
Manang tawag ko sa kanya at agad naman siyang lumingon sa gawi ko.
"Ahh, ikaw pala iyan. Maam Antonnette. Ano hong ipag-uutos niyo?"
"Asan po sina Carla at Zenny." banggit ko sa dalawang katulong ko sa pag-aalaga sa triplets slash kasambahay na rin.
"Pinag day-off kami ni Sir Axelle kanina Ma'am Antonnette. Wala naman akong magawa kaya naglinis na lang ako kahit day-off ko." sagot niya habang tuloy pa rin sa ginagawa niya.
"Manang, masyado naman kayong pormal sa pagtawag sa akin ng Maam. Pwede po bang Antonnette na lang iatawag niyo sa akin. Naiilang kasi ako kapag tinatawag akong Maam dito sa bahay. Buti sana kung guro pa ako o kaya nasa school ako. Pwede po ba, Manang?"
"Pero kasi ma-----"
"Sige na please, Manang. Magtatampo talaga ako sayo kapag." inunahan ko na siya sa sasabihin pa sana niya.
"Susubukan ko, Ma----este Antonnette." saad niyang nagpangiti sa akin.
"Thank you, Manang."
"Walang anuman. Oh siya Antonnette. Mauuna na ako at mamamalengke pa mamaya." saad niyang inaayos na mga gamit sa panlinis.
"Yung mga bata, alagaan mong mabuti. Wala pa man din dito ang asawa mo at sina carla at zenny para tulungan ka sa pag-aalaga." paalala ni Manang Lydia kaya tumango ako saka siya umalis para ilagay ang mga gamit panlinis sa bodega ng bahay. Dumiretso naman ako sa kusina para kumuha ng tubig. Nakalimutan ko tuloy na kukuha pala ako ng tubig kanina dahil nauhaw ako.
Bumalik ako kaagad sa kwarto ng triplets at nadatnan ko silang tulog na tulog pa din maliban sa panganay na si Midnight. Naramdaman niya ata akong pumasok dahil bigla din siyang nagmulat ng sulyapan ko sila pero hind naman siya umiyak o ano basta nagmulat lang siya. Kumawag kawag agad siya ng lapitan ko siya. Gusto na namang magpabuhat ng batang to. Tssk Napaka clingy talaga.
Binuhat ko naman siya kaagad at hinele siya para makatulog ulit pero umabot muna ako ng ilang oras bago siya ulit makatulog, sinundan pa ng dalawa pang kapatid niya na kinailangan ko pang palitan ng diaper dahil puno na. What would I expect? Kung nahirapan ako sa kambal noon, paniguradong mas mahihirapan ako ngayon dahil tatlo na silang aalagaan ko.
Xaviers POV
"Napakatagal mo namang dumating dito, Rivera. Kung alam ko lang na ganito ka kabagal, hindi na sana ikaw ang tinawagan ko." naiinis na saad ko kay Ace sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
A Night with a Stranger (Night Series #1) COMPLETED
RomanceI wake up one morning with a man in front of me naked. Then I realized I gave myself to a stranger. Date started: January 2019 Date ended: October 2019