A/N: Dedicated to evhonie
And also please read her stories, if you want a Mafia genre. Wag kayo ng mag-alala worth it ang mga story niya kapag nabasa niyo na.Akala ko hanggang doon lang ang gagawin niya pero mali ako. Mas lalong madami siyang ginawa na para suyuin ako and yes, legal na siyang nanliligaw sa akin at hindi na yung palagay lagay ng tsokolate at bulaklak sa desk ko. Nang gabing inaya niya aking magdate ay sinabi na niya sa akin na siya ang palaging naglalagay ng bulaklak at tsokolate sa desk ko. Natawa ako sa kinwento niya sa akin noon na iyon ang unang beses siyang pormal na manligaw sa isang babae. Kaya swerte daw ako and I was like 'is this true".
It's been months, pero hangang ngayon hindi ko pa siya sinasagot dahil hangang ngayon naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko. Para akong tao na nasa bingit na ng kamatayan. I love him but my mind says the opposite. Ang daming 'what if' sa isip ko pero sinasabi ng puso ko na tanggapin ko na siya.
"Mama okay ka lang po ba?" napabaling ako sa anak ko na bakas sa itsura nito ang pag-aalala.
"I'm okay nak. It's already late, kailangan niyo ng matulog" hinalikan ko sila sa noo at yumakap ng mahigpit sa akin bago sila pumikit. Ilang minuto lang ay mahimbing na silang natutulog habang nakayakap sa akin.
The next day ay maaga akong nagising para ako naman ang maghanda ng breakfast ng kambal. Nagulat pa si Mina na nauna akong nagising kaysa sa kanya kaya nginitian ko na lang siya at nagpatulong ako sa pagluluto.
Eksaktong alas singko y medya ay ginising na ni Mina ang kambal at pinagbihis para makababa na at makakain. Ako naman ay nagtungo na ng silid para magbihis narin.
Palabas na ako ng makita ko din silang palabas na rin ng silid nila.
"Good morning, Mama" sabay nilang saad.
"Good Morning also babies. How's your sleep?" Magkasunod ko silang hinalikan sa pisngi nila.
"Okay lang po" sagot nila kaya tumango na lang ako at bumaba na kami papuntang kusina.
Nagpalaam na ako at nauna na akong umalis ng bahay. I reached the office exactly 7:30am in the morning at diretso lang ako sa desk ko. I was busy encoding some of the papers works when someone knock the door three times. Napakunot ang noo ko ng bumukas ang pinto at hindi si Xavier ang pumasok kundi ibang lalaki.
I admit, gwapo siya pero mas gwapo at may dating ang boss ko kumpara sa kanya. He's wearing his formal attire and I think mas matangkad lang ng kaunti ang boss ko sa kanya.
"Excuse me Sir. Are you looking for Mr. Ferrer." saad ko kaya lumingon siya sa gawi ko. Nasa gilid kasi ang desk ko.
"Oh!" mukhang nagulat siya sa pagsalita at presensiya ko. "Yes, I'm looking for him" dagdag niya ng mahimasmasan siya sa pagkagulat.
"Where is he?" tanong niyang lumalakad na papuntang sofa malapit sa desk ko.
"He's not arriving yet, Sir. Ahm--would you like some coffee, Sir?" Pag-aalok ko sa bagong dating na lalaki na kanina pa pala nakatitig sa akin. He smiled at me.
"Nah, it's okay. I'm going to wait for him until he arrive. Just sit Miss baka magkamilagro at tumangkad ka pa." Pagbibiro niya pero hindi ako natawa at kumunot lang ang noo ko. Sinasabi niya bang maliit ako.
"What's your name, Miss?" tanong niya sa akin.
"Ahm-- I'm Antonnette Ayla Cortez, Secretary of Mr. Xavier Ferrer." sagot ko. Pero pagtingin ko sa itsura niya para siyang gulat na gulat.
"Your what?" medyo pasigaw niyang tanong ulit.
"I'm Antonnette Ayla Cortez, Sir." Sagot ko ulit. Gwapo sana nito pero bingi lang.
BINABASA MO ANG
A Night with a Stranger (Night Series #1) COMPLETED
RomanceI wake up one morning with a man in front of me naked. Then I realized I gave myself to a stranger. Date started: January 2019 Date ended: October 2019