One week had passed pero hanggang ngayon nasa isip ko pa rin siya. Alam kong kahit noong nawala ang anak ko sobra na ang takot ko. I know I became selfish dahil kahit nagkita na kami noon ay hanggang ngayon iniiwasan ko pa rin siya.
Bumuntong hininga ako, alam kong malalagpasan ko to. Magpapangap akong hindi ko siya kilala at kilala ko lang siya bilang may-ari ng paaralan na kung san ako nagtatrabaho. Selfish na kung selfish, ayoko lang magkaroon ng kaugnayan sa kanya bukod sa mga anak ko. Once is enough and twice is too much.
Naglakad na ako papuntang principal's office para sabihing magre-resume na ako sa trabaho. Inihatid ko muna ang kambal bago ako dumiretso sa principal's office. Madali lang akong nakarating sa labas ng office dahil sa Elementary Department lang naman. This school has three departments, Elementary, High School and College.
Akma ko na sanang bubuksan ang pinto ng mapatigil ako dahil sa nagsalita sa likod ko.
"At last you're here Ms. Cortez." saad ng baritonong boses. Bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ko at kinabahan.
Why am I feeling this way? Para akong nahuli sa akto sa kung anuman ang ginagawa ko. Nilingon ko siya at napaawang ang bibig ko sa nakita ko. Ba't ang gwapo niya? Erase erase. Hindi ko dapat hinahangan ang taong to sa kabila ng nangyari sa amin 'noon'.
"Are you going to see Mrs. Guzman." tanong niya sa akin na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Napansin ko pa ang saglit na pagngisi niya sa akin. Although I found it hot and sexy hinding-hindi ko dapat pagtuunang pansin itong nararamdaman ko. Dapat itatak ko sa isip ko na boss lang kita, wala nang lalagpas pa dun.
"Ah Yes Sir." sagot ko saka yumuko at binuksan ang pinto.
"Good morning ma'am" sambit ko agad pagkabukas ng pinto. Agad naman siyang nag-angat ng tingin saka ngumiti.
"Oh! Ms. Cortez. What can I do fo---" napatigil siya sa pagsasalita ng makita niya kung sino ang nasa likod ko.
"Good morning sir" bati nito sa taong nasa likod ko. Napansin ko lang sa peripheral vision ko na tumango siya. Nasa gilid ko na kasi siya.
"I just came here to ask for Ms. Cortez but since she's here now. I badly need to talk something important to her." sinulyapan niya ako.
"Come to my office exactly ten am in the morning. I hate being late, do you understand Ms. Cortez." Halata sa boses nito ang pagiging bossy. Bakit feeling ko isa akong teenager na pinapatawag sa guidance office? Ibang-iba na siya sa taong nagkompronta sa akin isang linggong nakalipas tungkol sa nangyari sa amin five years ago. Baka naman magkaiba lang ang perception niya sa trabaho at personal na buhay. Siguro nga tama ang hinala ko. At sana tama na lang lahat then wala na akong problema sa kung paano ko siya pakikitinguhan sa trabaho.
"I understand, sir." tumango siya bago humakbang na palabas ng opisina. Napabuntong hininga ako. Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko pagkalabas niya.
"Are you okay Ms. Cortez" tanong naman agad niya.
"I'm okay ma'am. Sasabihin ko lang po sana na magre-resume na ako sa trabaho." saad ko.
"Mas mabuti sigurong wag ka muna ngayong magsimulang magklase sa mga bata although andiyan naman substitute mo para turuan ang mga bata. Kailangan mong paghandaan ang pag-usapan niyo sa mamaya. Sa isang linggo niya kasi bilang may-ari ng paaralan eh napaka-estrikto niya sa lahat. Palagi din siyang parang galit pero hindi naman sa puntong sobra na kung magalit. At ang pinakamalala ay palagi ka niyang hinahanap o tinatawag kahit na sinabi na naming on-leave ka sa trabaho." napatango tango na lang ako sinabi ni Mrs. Guzman. Tama rin pala ang unang impresyon ko sa kanya nun.
BINABASA MO ANG
A Night with a Stranger (Night Series #1) COMPLETED
RomanceI wake up one morning with a man in front of me naked. Then I realized I gave myself to a stranger. Date started: January 2019 Date ended: October 2019