CHAPTER FOUR

20.2K 361 14
                                    








"Mama, look there's blood and it hurts" umiiyak na saad ng isang kambal pagdating ko kaya't napatakbo akong sumalubong sa kanya. At alalang tinignan ang sugat na tinutukoy niyo. Nakita ko ang maliit na sugat at gasgas niya sa tuhod. Kinuha ko ang first aid kit sa kusina para gamutin ang sugat niya.

"Anong nangyari dito, nak?" nag-aalalang tanong ko habang ginagamot ang sugat niya.

"Nadapa po ako doon." Sagot nito saka tinuro kung saan banda. "Naghahabulan po kasi kami ni Ayella kanina tapos nawiwiwi ako kaya pumunta sa banyo. Pabalik na sana ako ng madapa ako tapos tapos may sugat na ako. Sorry, mama. Hindi ko naman sinadya magkasugat eh." Paliwanag niya. Doon ko naalala na pinagsabihan ko pala silang bawal silang masugatan o magasgasan dahil sa kakulitan nila kundi gagawan ko sila ng punishment nila. Nginitian ko na lang siya saka binuhat at pinaupo agad sa sofa. Nakabukod na kasi ako sa bahay nina nanay at tatay sa probinsiya dahil na rin sa dito na ako ulit sa siyudad nagtatrabaho. Although kahit maliit lang tong bahay kasya naman kaming mag-iina dito. Isang maliit na two storey. Ang unang palapag ay ang sala at kusina, meron ding isang kwarto at banyo. Sa taas ay dalawang kwarto na may tig-isang banyo. Sa left side ang kwarto ko at sa right side ang kwarto ng kambal ko. Kahit naman four years old pa lang sila, hindi naman sila masyadong demanding at mapaghanap pagdating sa akin. They act like a ten years old kid. Hindi din naman ako masyadong na-i-stress dahil andiyan naman si Mina para alagaan ang kambal ko kapag wala ako ng hapon.

Half-day lang ang klase ng kindergarten pero kailangan kong magtagal sa school ng eight hours. Madami ding ginagawa katulad ng paper works, kung hindi naman ay maghapong nakaharap sa computer o laptop. Kasama ko si Mina, pero hindi katulong ang turing ko sa kanya, more on nakababatang kapatid. Malayong kamag-anak ko rin kasi siya.

Simula nung pinanganak ko ang kambal at dito na nagtrabaho ay siya na ang kasa-kasama ko sa pag-aalaga ng kambal ko. Mapagkakamalan pa nga kaming magkapatid dahil sa closeness namin. Actually pinag-aaral ko siya and she's in third year college. Buti at half-day din ang klase niya kaya nasusundo pa niya ang kambal after ng klase niya, sobrang aga nga lang ng schedule Niya. 6:30am ang Simula ng klase niya sa umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Nasa Manila na ulit ako dahil dito ako nadestino ng pagtuturo. Isang private school na naman. Nagkita na din kami ng bakla kong kaibigan na si Roby last year dahil last year lang din ako napunta dito. Grabeng hotseat ang natanggap ko sa kanya dahil sa pagkamadaldal niya. Lalong lalo na kung nakita niya ang mga kambal ko. Hindi ko na din kasi siya nadadalaw nung nagbuntis ako lalo na kung nanganak na ako dahil pinagtuunan ko na sila ng oras at sa pagtatrabaho ko although natatawagan ko siya pero hanggang dun lang yun. Hindi ko nasabi na may anak na ako.

"Nasaan si Ayla?" tanong ko habang nililinisan ko ang sugat niya. Tumigil na din sya sa pag-iyak, sumisinghot singhot nga lang.

"Nasa likod po, tinutulungan na po ata si ate Mina" natapos ko na ring gamutin ang sugat.

"Sa susunod, mag-iingat ka ha" malumanay kong sabi na kinatango-tango niya. Ginulo ko naman agad ang buhok niya saka binuhat papuntang likod ng bahay. Nadatnan kong naglalaba si Mina habang si Ayla ay panggulo sa ginagawa niya.

"Ayla, doon ka na lang sa loob. Mababasa ka pa dito" nakita ko pang nasasayang na ang tubig at nahuhulog na yung nga bula ng nilalabhan niya dahil sa pagkuskos nito.

"Isa pa Ayla ha. Isusumbong na kita kay Ate Antonnette" pero walang narinig ang bata dahil patuloy lang ito sa pagkuskos.
Napahagikgik naman itong batang buhat buhat ko na kung saan doon na napalingon si Mina. Ngumiti naman agad ako para sabihing okay lang.

"Ate, tignan mo si Ayla oh. Ang kulit ayaw paawat" sumbong agad niya. Napatawa naman ako saka binaba si Alleya na agad namang naki-gulo din sa paglalaba.

"Hayyysss... Ang kukulit" reklamo ng katabi ko.

"Hayaan mo na muna, Mina. Pagbigyan mo na haha"

"Doblehin ko na lang mamaya ate yung nilalabhan nila"

"Bakit ka pala naglalaba?"

"Nakakabored Ate. Kailangan ko ng exercise hahaha."

"Ayyssus! Wala ka bang school matters jan na kung makaboring ka naman. Akala mo hindi nagra-rush kapag pasahan na"

"Ate naman, minsan lang yun eh. Saka hindi ko na nagawa dahil sa daming activities nun" may isang beses kasi na nahuli kong nagra-rush ng ilang projects niya to the point na kinaumagahan ang deadline nito. Pero imbes na pagsabihan, tinulungan ko na lang dahil baka mas lalong tumagal ang paggawa niya. Buti na lang at Education din ang kurso niya kaya natutulungan ko.

"Oh siya, sige na nga. Para nagbibiro lang eh. Bahala ka na sa kambal ah. Magluluto lang ako at saka paliguan mo na sila pagkatapos nila maglaro jan"

"Aye aye Madam" napatawa na lang ako sa tinuran ng dalagang to. Twenty eight years of existence, ganitong mga moments ang masarap balik-balikan sa tanang buhay ko. No more heartaches puro happiness lang. Blessings na rin siguro ang pagdating ng kambal ko. Such a lucky charm having these twins of mine. Pero hindi pa din naiaalis sa isip ko ang ama ng mga anak ko. Buti at hanggang ngayon hindi pa din sila naghahanap ng matatawag nilang tatay nila. Iiling iling akong tumungo sa kwarto ko para magbihis ng pambahay at para makapagluto na ng hapunan.

*******************

"WHAT!!!!" inis kong sagot sa tumawag.

"S-sir, we found her" at last after five years.

"Where is she?" agad kong tanong sa private investigator na kinuha ko. Naka-ilang beses na rin akong papalit palit para mahanap siya. Ang I think they are the tenth hired Private investigators na kinuha ko.

"Nasa isang fast-food restaurant po siya. May kasamang lalaki at mga bata" I clenched my fist sa sinabi niya.

"Okay. Continue to investigate her. And find where she live with that asshole."

"Yes Si-------" pinatay ko na agad ang tawag hindi pa natatapos ang sasabihin ng nasa kabilang linya.

Padabog kong binitawan ang cellphone saka hinawakan ang sumasakit kong ulo.

No! She can't do that because she's mine. Nobody owns her but me. Aagawin kita sa kahit anong paraan. By hook or by crook.

*****************

"baks! Andaming mamahaling restaurants jan bakit sa jollibee pa tayo kumain" reklamo ng baklita kong kaibigan. Sunday kasi ngayon kaya family day kaso itong baklang to nagpimilit na sumama.
Magba-bonding daw kami dahil ang tagal na daw kung huling bonding moment namin. Kaya ang ending nagmukhang siya ang tatay ng mga anak ko. Pero joke lang.

"Grabe ka baks. Pagbigyan mo na tong mga bata. Eh sa dito nila gustong kumain eh. May magagwa ba ako. Saka dito lang nababagay ang budget ko." Umingos pa tong baklang to.

"Sige na nga. Pagbigyan para sa mga inaanak ko" pinanggigilan pa niya ang pisngi ni Ayla dahil ito ang katabi niya.

"Ouuuch tita. Masakit na yung pisngi ko" reklamo naman ng kambal habang nagpa-pout. Ang cute talaga ng babies ko. Narinig ko rin na humahagikgik tong katabi ko. Kaya pinanggigilan ko din. Parehas na silang nagmumukhang makopa dahil sa sobrang pula ng pisgni nila pareho. Tawa naman kami ng tawa habang yung magkambal todo busangot.

"Wag na kayong bumusangot jan. Pupunta tayong mall mamaya. Treat ni Tita, diba baks" sabay ngiti ng pagkalaki sa kanya. Napangiwi naman siya saka pasimpleng kinamot ang likod ng ulo nito. Mapapasubo na naman kasi siya.

"Really Tita"

"Talaga Tita"

Parehas pang nagliwanag ang itsura ng kambal. Kaya no choice ang bakla, napa-oo ng wala sa oras.

_____________________________

@El-mademoiselle

A Night with a Stranger (Night Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon