CHAPTER TWENTY TWO

13.7K 272 7
                                    

"Naayyy." bungad ko ng makita ko ang nakalakihan kong pamilya dito sa probinsiya at agad kong niyakap ng mahigpit ang nanay ko. Nagmano lang ako kay tatay na tahimik na nakatayo sa pintuan ng lumapit ako sa kanya pagkatapos kong mayakap si nanay. Sumunod naman ang kambal na yumakap sa kanila.

"Ang laki niyo ng kambal. Kailan lang nung maliit pa kayo. Ilang taon na lang, siguro magkakaroong na ako ng apo sa tuhod." Saad ni nanay na nagpabusangot sa mukha ko. Sinabayan pa niya ng halakhak.

"Nay naman. Wala pa silang alam sa ganyan. Ang advance mo masiyado mag-isip eh." sabad ko na nakabusangot pa rin ang itsura.

"Aba! Malay ko ba kung maaga sila mag-asawa. Alam mo naman na ang mga kabataan ngayon, masyadong mapupusok."

"Depende na sa tao yan, Nay. Tay oh! Si Nanay kung anu-ano iniisip." Baling ko kay tatay na buhat-buhat na si Ayella na inaantok na dahil nakahilig na siyang sa balikat ni tatay.

"Hayaan mo na lang siya, nak. Ganyan na talaga nanay mo. Ang sabi mo nga 'advance siya mag-isip diba'." Sagot niya habang pinapatulog na si Ayella.

"Namiss kita, mother dear. Kamusta?" Nagsasalita pa sana ako ng sumabat si Roby na nahuling pumasok sa amin dahil dinouble check pa niya ang kotse niya bago sumunod sa amin.

"Okay lang naman, anak" sagot niya.

"Eh ikaw, kamusta ka na. Sa tawag lang kita nakakausap eh" balik tanong niya.

"Okay na okay, Nay saka madami akong chika sa'yo tungkol sa anak mong malihim" bulong niya kay nanay pero narinig ko naman.

"Narinig ko yun" sagot ko.

"Wala akong sinasabi, baks. Baka namamalik-rinig ka lang." Sagot niya saka nakipag-apir pa kay nanay. Akala naman niya teenager pa si nanay. May pa-apir apir pa siyang nalalaman. Napabaling naman ang atensiyon ni Nanay sa likod namin kaya napalingon din kami.

"Ikaw na ba yan, Mina" tanong niya kay Mina na hawak ang gamit ng kambal at gamit niya.

"Ah he he. Opo nay." Nahihiya pa niyang sagot at saka nagmano kay nanay sunod kay tatay.

"Kamusta ka?" Tanong niya.

"Okay lang naman po ako." Sagot niya.

"May nobyo ka na ba?"

"Po!" gulat na tanong niya.

"Ahh! Wala po. Aral muna ako Nay."  Sagot niya ng maintindihan niya ang tanong ni Nanay saka tumawa pa ng peke. Nginisihan namin siya pareho ni Roby dahil alam kong nagsisinungaling siya na aral muna daw 'kuno'.

"Oh siya! Halina nga kayo sa loob at makapagpahinga na kayo. Alam kong pagod na kayo dahil sa pitong oras na biyahe mula Maynila pauwi dito" nauna na siyang pumasok habang buhat si Ayla habang si Ayella naman ay buhat buhat ni Tatay. Si Roby at Mina naman ay sumunod na lang din habang buhat buhat din ang kanya kanyang gamit.

"Nay, kayo muna mag-alaga sa kambal. Matutulog na ako ha. Inaantok na kasi ako saka sina Mina at Roby pakihatid sa magiging kwarto  nila. Alam kong pagod na din sila." sambit ko kay Nanay habang paakyat na ako ng silid ko. One of my achievement na natapos ko na ay itong bahay. Ang bahay na two-storey, may anim na kwarto at dalawang guest room na may sari-sariling banyo. Mayroon ding sala at kusina na sakto sa pangmalakihang pamilya. Bukod sa magulang namin, nakatira din dito ang dalawa pa naming kapatid na kapwa nag-aaral pa at ang kuya ko naman ay may sarili ng pamilya na pero namamasyal sila dito kapag bakasyon na ng mga anak niya.

"Okay Nak. Kami ng bahala ng tatay mo." Ngumiti na lang ako at tumango bago maglakad launtang silid ko. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay agad na akong dumapa na lang sa kama. Ilang minuto na akong nakadapa at hanggang sa dalawin ako ng antok dahil doon ko lang naramdaman ang pagod ko physically ang emotionally.

A Night with a Stranger (Night Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon