"So, anong pag-uusapan natin, Antonette?" Jake said and stare at me with longing. Tinitigan ko siya at pasimpleng pinakiramdaman ang puso ko kung tumitibok pa ba sa kanya. But my heart beat calmly and I must say that my heart belongs to only one. Hindi na ako magdududa sa nararamdaman ko sa kanya.
"I will go direct to the point, Jake. Gusto kong marinig ang paliwanag mo and I want closure." I coldly said. It took me months to think. Noong alam kong masaya na ang pamilya ko ay napagdesisyonan ko ng gawin ang matagal ko ng binabalak. Nang umuwi ako ng probinsiya ay napag-isipan ko na ang gagawin ko.
I want to settle things on my own kaya tinawagan ko si Jake at mag-uusap kami. I want to hear his side. Pero kahit na malaman ko ang paliwanag niya. Hindng hindi na ako babalik sa kanya kahit sabihin niyang mahal pa niya ako. I just came to see him to clarify things. Closure lang kailangan ko para mapanatag na ang loob ko.
Nagpaalam ako kay Xavier na pupuntahan ko si Laurayzia. Hindi ko sinabi na si Jake ang kakausapin ko para hindi siya mag-alala sa kalagayan ko.
"Okay." saad niya at tumingin sa tiyan kong limang buwang na.
"I am here to hear your explanation kung bakit mo nagawa sa akin yun pero hindi ibig sabihin nun na babalikan pa kita. Now start talking and explain your side." I said directly to him. Nagulat siya sa sinabi ko, I can see disappointment in his eyes pero unti-unti ring nawala saka siya ngumiti at nagsimulang magsalita.
"It started one afternoon when I went to mall to buy gift for our anniversary and I bumped into a woman. Kakilala ko siya kaya nagkakayayaan kaming kumain sa isang fast food para magkamustahan. Schoolmate ko siya dati sa noong high school bago ako nag-aral sa probinsiya niyo."
"Pasado alas sais na noong namalayan ko na ang oras kaya nagpaalam na ako sa kanya. Pero makulit siya at inaya niya ako sa isang bar. Since 8:00pm ang sinabi mong time na usapan natin pumayag ako."
"Nakilala ko mga kaibigan niya at nagkayayaang uminom. But time passed by nagiging blurry na ang nakikita ko. I felt my body hot that time na parang wala ako sa wisyo. Nagawa ko lahat ng ayaw kong gawin."
"Nahimasmasan lang ako ng madatnan mo kami sa ganoong sitwasyon. Antonette, hindi ko noon alam ang ginagawa ko. Someone put some drug in the drinks. Hindi ko alam kung paano kami nakapunta sa condo ko noon and shit happened."
"When you left. I regretted everything. Hinanap kita pero nung pumunta ako sa bahay niyo sa probinsiya. Hindi ako pinayagan ng kuya mong makita ka. Pinagsabihan ako ng kuya mo ng kung anu-ano at pinagbantaan niya ako ma kapag lumapit pa ako sa iyo ay papatayin niya ako. He punch me many times for breaking you at lahat yun tinanggap ko kasi kasalanan ko naman lahat."
"I'm sorry for everything, Antonette. I will make it up to you. I'm sorry.... I'm Sorr----"
"That's enough, Jake. Tama na yung narinig ko." pinutol ko na ang sasabihin niya.
"I know hindi mo gusto yung ginawa mo noon but it doesn't change everything now. We part ways and I'm thanking to that because I learned my lesson."
"Minahal kita noon, Jake pero ngayon. Wala na kahit na katiting na pagmamahal na natira sa puso ko para sa iyo. I forgive you, Jake. Pinapatawad na kita sa ginawa mo noon kasi may pinagsamahan din naman tayo. Thanks for the memories we shared at hanggang alaala na lang yun." I said to him. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba ang pagkuyom ng kamao niya o hindi. Pinagsawalang bahala ko na lang iyon.
"All I can offer is friendship. So friends?" saad ko at tinaas ang kamay ko.
Ngumiti siya pero alam kong peke iyon bago tinanggap iyong kamay ko.
"Yeah Friends." aniya.
"So, order na tayo. Alam kong gutom ka na. Kawawa naman baby mo---I mean babies mo kung gugutumin kita ngayon dito. Baka hindi sila maging healthy e." napangiti ako sa tinuran niya. Concern pa din pala siya sa kalagayan ko.
BINABASA MO ANG
A Night with a Stranger (Night Series #1) COMPLETED
RomansI wake up one morning with a man in front of me naked. Then I realized I gave myself to a stranger. Date started: January 2019 Date ended: October 2019