Naalimpungatan ako sa tunog ng papalapit na yabag ng isang tao sa gawi ko at agad na sumigid ang sakit ng maramdaman ko na parang nabibiyak sa dalawa ang ulo ko. Heto siguro ang epekto ng gamot na ipinaamoy nila sa akin. Pagmulat ng mga mata ko ay puro dilim ang nakikita ko. Nagkaroon lang ng munting sinag ng buwan sa maliit na siwang sa taas ng pader.
Napapikit ako ng biglang lumiwanag ang paligid at nakatayo na ngayon sa isang pintuan ang taong may kagagawan ng lahat ng ito sa akin. Napapalibutan ng alikabok at puno ang loob ng silid ng mga nagkalat na basyo ng bote at mga upos ng sigarilyo na itinapon kung saan saan. Ang pader ay puno ng sulat at vandalism na puro ng sexual na mababasa at mga drawings. Nagmistulang Torture room ang silid ng dahil sa mga napakaraming natuyong dugo na nagmistulang painting sa pader ng silid na ito.
I want to puke but I couldnt open my mouth. Nilagyan nila ng packing tape ang bibig ko para hindi ako makasigaw o makapagsalita man lang. Ang mga paa at kamay ko naman ay parehas na may tali habang ako ay nakaupo sa isang upuan na puno rin ng sulat.
"Rise and shine, You ugly Bitch." napapitlag ako ng mabilis na lumapit sa akin si Samantha saka hinablot ang buhok. Napapikit ako sa sakit ng maramdaman ko ang pagkahila ng madiin ang anit ko. At lumuha na lang na sana may maililigtas sa akin.
"Thats for stealing Axelle and this." tumigil siya saka ako sinampal sa magkabilang pisngi ko. Masakit pero ininda ko iyon at hindi nagsasalita sa mga salitang sinasabi niya sa akin. Gusto kong sigawan siya at sabihing lahat ng pinaparatang niya sa akin ay hindi totoo. Natumba ang upuan kaya napahiga ako sa sahig at naramdaman ko ang alikabok na nanggaling sa sahig ng silid.
"Thats for everything that ruined the two of us. Dahil sayo kaya lumayo siya sa akin. Sa totoo lang, gustong gusto na kitang patayin ngayon pero wala ng thrill kapag ginawa ko yun." lumapit siya sa akin at pinaharap ako sa kanya saka hinawakan ang baba ko ng mahigpit. Tiningnan ko siya sa mata ng walang emosyon pero nakita ko naman ang galit at paghihiganti sa mga mata niya.
"Ngayon magdusa ka." sigaw niya saka niya hinilang muli ang buhok ko at piangsasampal ang pisngi ko ng paulit-ulit. Ako naman ay tahimik na lumuluha.
"You have a boyfriend back then but Axelle still fall for you. I just want to bring back what I feel when he ignored me. Gusto kong maramdaman mo yung sakit." pagkukuwento niya.
"I have a secret to tell you, bitch."
"I planned on meeting your EX-boyfriend that night and things happen according to my plan." Napasinghap at nalingon sa kanya ng marinig ko ang sinabi niya.
"Malandi ka!!!!." sigaw ko at akmang tatayo na sana ako ng may pumigil sa akin kaya napalingon ako. Ganoon na lang ang gulat ko ng makilala ko ang taong humawak sa akin.
"Jake!" huling saad ko ng maramdaman ko na naman na tinakpan ng panyo ang bibig ko.
Xavier POV
Handa na ang lahat at si Antonnette na lang ang kulang and of course the triplets also dahil kasama silang naiwan sa mansion. Inutusan ko kasi si manang Lydia na magpaiwan at magpapaalam na pupuntang palengke pero ang totoo ay pupunta siya ng terminal galing probinsiya kasama si Lino ang family driver para sunduin ang pamilya niya. Naiwan sa mansiyon ang dalawang katulong na kasa-kasama niya sa pag-aalaga sa triplets para may kasama at maghahatid sa kanya dito.
I arrive at the place and it is all prepared as I've been thinking of. Nasa ayos ang lahat, from place to its motif. Nandoon lahat ng taong importante sa kanya maliban kay Mina at kasama na rin ang pamilya ko. Ang alam niya ay busy ako sa trabaho at male-late ako sa pag-uwi para maihanda ko ang espesyal na raw na ito sa akin. Gusto kong maging masaya siya at masurperesa sa gagawin ko.
Abala ako sa pagtingin sa paligid ng may tumapik sa balikat ko. Tinignan ang taong iyon at si Ken pala iyon.
"Nervous, Ferrer??" I glared at him.
"Relax, bro. Mapapasagot mo siya ng yes. Just be positive." napangiti ako sa tinuran niya. Kahit kailan talaga napa-korny ng mokong na ito.
"Just please, tell me where Mina is." napawi ang ngiti ko ng banggitin niya kung nasaan si Mina. Bakas sa mga mata niya ang lungkot at pangungulila. At last the Playboy found his match.
"Once mine is settled. Sasabihin ko kung nasaan siya. Sa ngayon Caste...." I paused.
"Magdusa ka!!" saad ko saka naglakad palapit sa pamilya niya para batiin. Narinig ko pa ang ilang pagmura niya bago ako makalayo sa kanya.
Sana ay magustuhan niya ang inihihanda ko sa kanya. Dahil ngayon ko na siya aayahing magpakasal muli. Hindi na lang sa pagpirma habang lasing siya kundi gusto kong maranasan niya na maglakad sa altar habang suot nito ang pinakamagandang trahe de boda. Pagkatapos ng pag-uusap namin ng pamilya niya ay narinig ko ang paghagikgik ng dalawang bata sa likod ko kaya humarap ako sa kanila at lumapit. My Life has change because of their mother at mas lalong naging makabuluhan ang buhay ko ng makilala ko silang dalawa. Namuhay ako noon na puro trabaho at babae ang inaatupag ko. Siguro kung hindi mo siya nakilala noon hanggang ngayon siguro hindi pa rin ako naniniwala sa pag-ibig na yan. Korny mang pakinggan pero na-love at first sight ako sa kanya at siya na pala ang mamahalin ko higit pa sa buhay ko. I dont want the thing that we end up losing each other. Na dadating yung araw na mawawala siya sa buhay ko.
"Kuya Axelle" sigaw ng isang boses kaya napalingon kaming lahat sa malaking pintuan at nakita namin sina Carla at Zenny kasama ng isa pang katulong na patakbong palapit dito sa gawi ko habang karga karga ang triplets. Agad namang kinuha nina Arizza, Zia at Nanay Teresa ang triplets.
Bakas sa itsura nila ang takot at pagkabalisa kaya doon ko naramdaman ang matinding kaba sa dibdib ko.
"What happened? Where's my wife?" I asked to them.
"Kuya Axelle, sorry. Si ate Antonnette kasi.." para na siyang maiiyak sa itsura niya.
"Bigla na lang siyang nawala at naiwan na niya ito sa gate ng mansiyon." sabay bigay sa akin ng kulay asul na panyo.
"No! It can't be." Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko. Nakatitig lang ako sa panyo ng tuluyang lumandas ang mga luha sa mata ko.
"Damn, this is not happening again." Nawawala na naman siya.
And this time, may kumuha na sa kanya.
________________________
A/N: Short update for today. Keep reading and enjoy.
PS: Sorry for the typos. Unedited pa lang po ito. Haha
El-mademoiselle
BINABASA MO ANG
A Night with a Stranger (Night Series #1) COMPLETED
RomanceI wake up one morning with a man in front of me naked. Then I realized I gave myself to a stranger. Date started: January 2019 Date ended: October 2019