Naalimpungatan ako dahil sa maraming boses na nagsasalita. Hinayaan ko lang sila at hindi ako nagmulat ng mata kahit na naiingayan ako sa kanila.
"Comatose na ata siya, Rivera. Tignan mo ilang oras ng tulog yung gago."
"Nahimatay lang ang tao. Comatose na agad. Baliw ka rin eh no. Isang oras pa lang yang tulog."
Narinig ko lang na tumawa ang boses ni Ken. "Chill, masyado kang high blood diyan eh. Kasalanan naman ng asawa mo."
"Anong kasalanan ang pinagsasabi mo diyan, Caste? Doktor ang asawa ko malamang sa malamang na sasabihin niya iyon. Saka Malay ba ng asawa ko na mahihimatay yang mokong na iyan sa sinabi ng asawa kong triplets ang anak niya."
"Tahimik!!!" sabat ng boses ni Ace. "Napakasungit mo talaga kahit kailan Mendoza. Minsan ka na nga lang manlibre, yung afford na afford pa ng pulubi."
"Anong connect, Rivera? Ipa-salvage kaya kita sa mga fans mong nagkakandarapa sa iyo or pwede din sa mga tambay na bakla sa Gyros Bar." pagbabanta naman ni Ashter kaya hindi maipinta ang nasa itsura niya sa sinabi nito sa kanya. Ang Gyros Bar na tinutukoy nito ay ang Bar na palaging pinupuntahan namin noong mga college students pa lang kami. Our college life was a bit adventurous and unforgettable experience slash moments in our life. Kasali na doon ang buhay noon ni Ashter na pinaka playboy sa aming lahat. Kahit na playboy siya noon, hindi pa rin talaga mawawala ang pagiging kuripot niya sa lahat ng bagay na pwedeng mabili o magastos niyang pera.
"Yuckkksss!! Baka ikaw gusto mo yun. Remember your past Mendoza. Huwag mong baliktarin ang pangyayari noon. In our college days, ikaw ang palaging hinahabol ng mga bakla sa bar na yun and that's ewww to remember. " Halata sa boses nito ang disgusto sa sinabi niya at mukhang nandidiri.
"Damn you!!! River-----"
"Stop that you assholes. Para kayong mag-asawang nagbabangayan diyan. And for your fucking information, parehas lang kayong habulin ng mga bakla." pagsigaw ni Trojan na halata na ang iritasyon sa boses nito.
"At ikaw Mendoza. Bakit bumalik ka dito e diba pinauwi ka na ng asawa mo."
"Gusto ko lang makita yang si Sleeping beauty."
At dahil na rin naiingayan na ako sa kanila ay nagmulat ako ng mata. Nakita ko ang puting kisame na nagsasabing nasa hospital pa rin ako.
"Gising na si sleeping beauty." sigaw ni Ken pagkakita sa akin. I glared a him and he just smirked like a lunatic.
"Sleeping beauty your ass!" Pagkasabi ko nun ay tumayo na ako at agad ba humakbang palabas ng kwarto para magtanong sa information desk ng hospital kung saan ngayon ang kwarto ng asawa ko. I wonder where are my babies. Malulusog kaya sila kahit premature dahil kulang sila ng buwan. Hindi ko akalain na tatlo sila. I was shocked! Well, halata naman dahil nawalan ako ng malay.
"Axelle wait for us. Your such a dimwit, Ferrer pagkatapos naming bantayan ka ng mahigit isang oras doon nung nawalan ka ng malay tapos ano!!! heto igaganti mo, ni hindi ka man lang mag-thank you sa amin kahit na sabihin mong labag iyon sa kalooban mo. Iiwanan mo na lang kami basta-basta." patakbong sigaw sa akin ni Ace habang ang tatlo naman ay tahimik lang na sumunod.
"Huwag kang emosyonal diyan, Rivera. Pupuntahan ko lang ang asawa ko." pabalik kong sigaw sa kanya na hindi lumilingon sa likod ko at patuloy lang akong naglakad.
Tumigil lang ako ng nasa harapan na ako information desk na kung saan may isang unipormadong nurse na busy sa kung anuman ang ginagawa niya. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
BINABASA MO ANG
A Night with a Stranger (Night Series #1) COMPLETED
Lãng mạnI wake up one morning with a man in front of me naked. Then I realized I gave myself to a stranger. Date started: January 2019 Date ended: October 2019