CHAPTER TWENTY SEVEN

11.3K 230 11
                                    

"Xavier, gising." tinapik tapik ko siya pero umungol lang siya at tumalikod sa akin.

Aba't. Kanina ko pa siya ginigising pero tulog mantika lang siya. Kung pwede lang kanina ko pa siya binuhusan ng malamig na tubig kaso mahal ko eh kaya huwag na lang. Isang linggo na siyang ganito. Palaging tulog mantika at ang aga pa kung umuwi galing trabaho at ang palaging excuse ay nahihilo daw siya.

Maaga din siyang natutulog pero late naman siyang gumigising.

Anong problema nito?

Iniisip ko na nga kung buntis siya e kaso lalaki po siya at walang matres ang mga lalaki kaya impossible yun.

"Axelle Xavier Ferrer!! Late ka na sa trabaho. Gumisingggg ka naaaa!!!!" sigaw ko na sa kanya na parang may megaphone akong dala. Napabalikwas naman agad siya at pinigilan ko ang tumawa dahil nahulog siya sa kama at sapo sapo nito ang ulo niya.

"Aaarrrrgghhhh shit." ani niya.

"Anoooo??? Diyan ka na lang maghapon. Tanghali na. May trabaho ka pa." litanya ko sa harap niya at nakapamaywang na. Bumalik lang siya sa pagkakahiga at ngayon nakadapa na siya. Napataas ako ng kilay.

Aba't hindi ako pinansin ng mokong na ito.

"Hindi ka talaga babangon."

"Love please. Wag ngayon. Masakit ang ulo ko." ani niya na nanatiling nakadapa.

"Ano bang nagyayari sa iyo? Isang linggo ka nang ganyan. Kung hindi ka nahihilo, parati ka namang tulog. Tulog mantika pa nga." saad ko. Para akong nanenermon sa aking anak. Napansin ko din these past few weeks ay parati akong naiinis at naging short tempered na rin.

"I don't know, love." mahinang sagot niya.

"Kung hindi ka lang lalaki. Iisipin kong buntis ka at naglilihi ngayon." saad ko at agad agad siyang napabangon sa kama saka ako nito tiningnan ng mariin.

"Baka ikaw ang buntis." saad niyang nakatingin pa rin sa akin.

"Ako!" sabay turo sa sarili ko. "Hindi no. E di sana ako ang naglilihi ngayon at hindi ikaw." medyo pasigaw ko ng sabi. Sabihin ba namang buntis ako.

"Bakit mo ba ako sinisigawan ha? Hindi mo na ako mahal no. Paano ang kambal? Paano naman ako? Iiwan mo na lang ako ng ganun ganun lang." Sabi niya na akala mo pinapagalitan ng nanay niya. Nakita ko ang mga mata niyang malapit ng tumulo ang mga luha niya.

"Hindi kita sinisigawan. Pwede ba, Xavier. Stop being childish. Naiirita na ako sa pinaggagawa mo." Sabi ko.

"Hindi mo na ako mahal. Ayaw mo na sa akin, love. Pangit na ba ako sa paningin mo ha. Kapalit palit na ba ako. Ano??? Sabihin mo." emosyonal niyang sambit. Napahawak ako sa sentido ko. Hindi ko kaya itong ganitong ugali niya. Myghad!!! Mag-iinit ulo ko nito. Stress ang beautiful bangs ko nito.

"No, love. Mahal kita at palagi ko yang sinasabi sa iyo at saka masyado kang gwapo para ipagpalit ko sa kahit na anong lalaki diyan." kalmado kong sabi saka lumapit sa kanya at hinalikan siya sa labi niya.

Napaatras siya. "Love." tawag niya sa akin kaya ngumiti ako.

"Bakit ang baho mo?" I frowned. Inamoy amoy ko ang sarili ko pero hindi naman ako mabaho katulad ng sinabi niya.

"Hindi naman ah." sagot ko pagkatapos kong amoyin ang sarili ko kaya lumapit siya ulit sa akin. Agad umasim ang mukha niya at lumayo.

"Ang baho mo talaga, love. Maligo ka na at saka palitan mo yung pabango mo. Ang lansa ng Amoy."

A Night with a Stranger (Night Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon