Habang may buhay, may pag-asa at habang ang tao ay patuloy sa buhay na maraming pagsubok ang dumadating. Patuloy kang pinapatatag ng mga ito. No matter what life what you choose, dapat hindi mo iyon pagsisisihan sa huli. Because every action is a choice not a chance.
Maalinsangan ang simoy ng hangin sa probinsiya. Hindi kagaya sa siyudad na puro usok ang nalalanghap. Kung may choice lang sana ako, gusto kong dito tumira.
Fresh and refreshing
Inayos ko ang mga baunan sa basket para sa tanghalian ni tatay at ng asawa ko. Dadalhan ko sila ng pagkain. After kasi ng isang linggong honeymoon sa Paris ay umuwi naman kami sa probinsiya para makasama naman ang pamilya ko.
"Ayos na ba iyan, Antonnette anak." Lumingon ako kay nanay na may hawak na lagayan ng tubig habang linalagyan ng yelo sa loob.
"Ayos na, Nay. Ipupunta ko na doon sa kanila." Sagot ko.
"Oh siya. Mag-iingat ka at ako na muna magbabantay sa mga bata habang wala ka. Mabuti na lang talaga at mahaba ang tulog ng mga batang iyon."
"Kaya nga po eh. Ibang iba sa kambal noon na ilang minuto lang ang tulog." Pagkukwento ko.
"Naalala ko nga. Mabuti at katulong natin noon si Mina para alagaan sila." Lumungkot ang itsura niya.
"Nag-aalala na ako sa batang iyon hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpaparamdam sa ating lahat." Alalang sambit niya.
"Alam kong ayos lang siya kung nasaan man siya ngayon. Tiwala lang, Nay. She's safe and I know that."
"Oh siya. Huwag na muna siyang isipin. Isipin mo muna yang pananghalian ng mag-biyenan at baka gutom na sila." Paalala nito kaya binuhat ko na ang basket. Aalis na sana ako ng maalala ko ang kambal.
"Nasaan ang kambal, nay." Tanong ko.
"Nasa kila Marites. Alam mo naman na kalaro nila yung apo niyang sina Becca at Leah." Sina Becca ay anak ni Rosanna na kaklase ko ng high school saka kaibigan na rin at si Leah naman na anak ni Leobert na dating manliligaw nung high school but we're friends now. Actually they are siblings. Kung baga ang nangyari noon ay ugaling high school student na naghahanap ng puppy love.
Ngumiti ako at tumango kay nanay.
"Sige nay. Ikaw na bahala dito." saad ko bago lumabas ng bahay para pumuntang bukid at dalhan ng tanghalian sina tatay at Xavier.
Mabuti na lang makulimlim ang paligid kaya hindi gaanong mainit sa balat ang sinag ng araw. Suot ko lang ay karaniwang sinusuot ng mga taong pumupunta ng bukid at nakasuot rin ng sumbrerong gawa sa anahaw habang naka-tsinelas bilang sapin sa paa ko. Typical probinsiyana girl ika nga nila.
Habang naglalakad ay madami akong nadadaanang kakilala kaya nginingitian at kinakawayan ko sila. Ngayon pa lang gusto ko ng matawa sa madadatnan ko doon sa bukid ni tatay. Mabuti na lang at tahimik lang ang barangay namin sa isyu. Who would imagine that a billionaire businessman ay nag-aararo sa bukid. Malakihang isyu to kapag nalaman ng media. Pagkadating ko sa maliit na kubong ginawa ni tatay ay nilapag ko kaagad ang basket saka inayos na ang maliit na mesang ginawa bilang kainan kapag andito sa bukid.
Lumabas na ako sa bandang likod ng kubo at doon ko naabutan ang topless na Xavier habang nasa likod nito ang tatay na naka-alalay sa kanyang nagpipigil ng tawa. Halata naman sa mukha ni Xavier na nahihirapan siya.
"Taaay!" sigaw ko para marinig nila ang pagtawag ko. Sabay naman silang lumingon sa akin pero tumawa ako kasi nahila ng kalabaw si Xavier kaya muntikan na siyang mapahiga sa putik. Mabuti na lang at nahawakan siya ni tatay kaya yung isang braso lang nito ang naputikan. Tawang tawa naman ako sa kanila bago sabihin na kakain na sila. Inalalayan siya ni tatay na tumayo ng maayos bago naglakad patungo sa kubo kung saan ang pagkain nila habang naiwan saglit si tatay para itali sa puno ang kalabaw para makapagpahinga rin kagaya nila.
BINABASA MO ANG
A Night with a Stranger (Night Series #1) COMPLETED
RomanceI wake up one morning with a man in front of me naked. Then I realized I gave myself to a stranger. Date started: January 2019 Date ended: October 2019