CHAPTER 6 "MY BESTFRIEND REMEMBER ME!"

54 7 0
                                    

>>KERUBINA POV

    NAgsusulat ako ng diary ngayon, Hay! salamat tapos na. Tinago ko na yung diary ko, Tas pinagmasdan ko yung purselas na suot ko.

Ito ang nagsisilbing orasan ko sa loob ng 31 days, isa itong purselas na napaka simple may mga palawit itong numero hanggang, bilang isa hanggang tatlongpu't-isa.

Pero dahil naka 5 days na ako para sa misyon ko nabawasan na rin ang mga palawit na numero, kaya hanggang 26 na lang ang bilang ng palawit sa aking purselas.

Ibig sabihin 26 days na lang ang natitira kong araw para sa aking misyon, kasabay ng pagkawala ng mga palawit ang pagkawala ko sa mundong ito.

Nalulungkot ako 26 days ko na lang makakasama ang mahal kong kaibigan, Teka bakit kaya wala pa siya.

Inaantay ko siya sa labas ng bahay, ilang saglit lang natatanaw ko na siya. Nakangiti ako habang papalapit siya sa akin, teka bakit siya umiiyak.

Paglapit niya sakin agad niya ako niyakap at lumakas ang pag iyak niya, may sinasabi siya habang umiiyak.

    

    (I know you, I remember you. You are not Kerubina, you are my bestfriend, you are Angelica.)

Nakita ko kung gaano siya kaseryoso sa sinabi niya. Nag nod ako, na lalo niyang ikina-iyak.

    (Im Really happy now, Naguguluhan ako pero sobrang hindi ako makapaniwala. Nasa harap ko ngayon ang bff ko, Buhay siya, kasama ko siya. Bigla na lang nga nag flashback sakin kanina lahat pati yung itsura ng bestfriend ko. Kaya pala ang gaan ng loob ko sayo, kaya pala may similarities kayo kasi iisa lang pala kayo. Pero pano nangyari yun diba iniwan mo na ako, saka bakit parang nawala sa ala-ala ko ang itsura mo. Naguguluhan ako, Di ko maintindihan ang nangyayari. Panaginip lang ba ito.)

Halata sa kaniya na naguguluhan talaga siya, niyaya ko siya sa loob para doon ko na lang ipaliwanag sa kaniya ang mga katanungan niya. Sa kwarto niya kami nag diretso at saka ko na sinimulan ang pagsagot sa mga katanungan niya.

"Hindi pangmatagalan ang buhay ko, binigyan lang ako ng konting pagkakataon mabuhay para sa isang misyon na itinalaga sa akin. Pati na rin konting pagkakataon para makasama ka, Sadyang binura sayo ang ala-ala ng itsura ko. Pero dahil isa kang tunay sa akin kusang babalik ang ala-ala mo na binura sayo, ikaw yung taong tanging makakakilala at makakaalala sa akin. Ngayon sana naintindihan mo na hindi ka nananaginip totoo lahat ng ito, isipin mong isang magandang pagkakataon ito para sa atin. i miss you bestfriend ko."

    (I miss you too, OO naiintindihan ko na ang lahat. Akala ko sa mga movie lang nangyayari ang mga ganito, Pwede rin palang true to life. Sa ngayon masasabi ko na lang na isa kang anghel na may misyon.)

"Ikaw bahala, Basta ang mahalaga magkasama na tayo at naalala mo na ako."

Nagkwentuhan muna kami dahil parehas kaming hindi pa inaantok.

>>JELO POV

    Lakas rin ng sayad nitong si carl, kung di ko lang toh kaibigan nalumpo na toh sakin tsk... agang-aga nandito ako sa unit ni carl, nababadtrip ako sa bahay.

Mainit pa naman ulo ko gantong wala akong tulog kaya sasamain sakin ang mambwiset !

    (Dude sa tingin ko nagsasabi ng totoo yung babaeng mukhang anghel na yun, malay mo isa pala siyang anghel na may misyon kaya siya naparito. at saka tignan mo mala anghel talaga siya, sa mga movie may ganyan ang sitwasyon may isang anghel ang itinalaga para sa misyon. Diba sabi mo sinabi niya na may misyon siya sayo tas sabi mo rin na 31 days ang hinihingi niya sayo, pag katapos ng 31 days mawawala na siya sa buhay mo. Dude pagbigyan mo na siya wala naman mawawala sayo pag pumayag ka sa gusto niya. Saka sa tingin ko ang misyon niya patinuin ang baliw kong kaibigan, lakas na kaya ng sira mu dude... alam mo ba yun !!)

Sira ulo toh ! nahawa na siya sa kabaliwan ng bulag na yun...

"Hoy lol umayos ka nga baka di kita matantsa, baka ikaw ang ipaayos ko ang sira sa ulo."

    (Kalma lang dude H.B ka naman masiyado, hindi naman kasi imposible yun e. Wala naman masama kung maniniwala sa kaniya, pero ikaw bahala sarili mo yan e.)

Bakit ba kasi naikwento ko pa sa kumag na toh yung mga pinagsasabi nung bulag na yun tss...

"Hoy ! wala ka ba balak alokin ako ng pagkain, nagugutom na ako.

Bisita ako di man lang mag kusa tsk!

    (Easy lang dude, nagpapadeliver na ako, antay-antay lang.)

She Changed My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon