CHAPTER 9 " MISSION START !"

44 7 0
                                    

>>JELO POV

    Di ko alam kung ba't ako sumabay mag breakfast sa pamilya ko, dinala na lang ako basta ng sarili ko dito.

Umupo ako sa tabi ni Jewel.

    (Good morning kuya Jelo, buti naman sasabay ka samin mag breakfast.)

Di naman talaga ako sasabay kusa lang ako dinala rito ng sarili ko, tahimik kaming kumakain.

Katapat ko ng pwesto ang kuya kong magaling, lagi ako naaasar pag nakikita ko siya. Kaya di ako sumasabay kumain sa kanila nasisira lang ang araw ko.

Ngayon na lang ulit ako sumabay sa kanila, wala naman akong ibang kasundo dito sa bahay na toh si Jewel lang.

Galit ako sa daddy ko nung nalaman kong anak niya ako sa ibang babae, nagalit din ako kay mama nung nalaman kong di siya ang tunay kong ina kaya pala mas proud siya kay kuya jake. Ang dahilan naman ng pagkagalit ko sa kuya ko ay ang babaeng minahal ko ng sobra siya naman ang gusto, at ang masaaklap hanggang ngayon sila pa rin at lagi nila pinapamukha sakin na masaya sila at nag mamahalan... 

Simula ng malaman ko ang mga yan, sinimulan ko na magrebelde, nawalan ako ng pag-galang sa kanila. Di ko sila pinapakinggan, ginagawa ko ang gusto ko.

Habang kumakain inaasikaso ako ni mama, nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko, hinahayaan ko na lang.

After ko kumain bumalik ako sa kwarto ko, nakahiga ako at nakatingin sa kisame.

Napabangon ako dahil feeling ko may mga words na nakasulat sa kisame, yung mga salita na sinasabi sakin nung babaeng bulag.

("Misyon ko baguhin ang buhay mo." , "Paniwalaan mo ako at tulungan mo ako sa misyon ko." , "misyon ko baguhin ang buhay mo.")

Shit naman sino ba talaga yung babae na yun ba't lagi niya ginugulo ang isip ko.

[knock...knock]

"Pasok" sigaw ko.

    (sir Jelo may naghahanap po sa inyo Kerubina daw po ang pangalan niya.)

nakaramdam ako ng inis ng marinig ang pangalan ng babaeng bulag na yun !

Nag isip ako bago bumaba, pagdating ko sa labas. Nakangiti na naman sakin ang babae na toh...

"Bakit ka nandito, diba sabi ko wag kana pupunta dito."

    (Misyon kita diba, konting panahon na lang ang natitira sakin. maaari ba na gampanan mo ang bagay na dapat mo gawin.)

Di na ba talaga ako matatahimik, ang kulit talaga nito... Grrrrr !!!

"Bahala ka na nga ang kulit mo, sinasabi ko sayo wala ka mapapala sakin."

    (Mission start ! maaari ka ba gumawa ng magandang bagay ngayong araw, tulad ng pagtulong sa kapwa.)

"Ewan ko sayo, sabi ko wala ka mapapala sakin. Sinasayang ko lang oras ko sa isang tulad mo argh!"

Tumalikod na ako at nagsimula lumakad.

    (Subukan mo tumulong sa iba, masarap sa pakiramdam ang makatulong.)

Ang kulit talaga niya panira ng araw, tsk...

Naglalaro ako sa tablet, pero di ako makapag concintrate. Haiisst !! nabato ko tuloy yung tablet sa sobrang yamot.

Paulit-ulit na lang kasi sa tenga ko yung mga pinagsasabi nung loka-lokang bulag na yun, kelan ba ko matatahimik.

Humiga ako at pinipilit irefresh ang utak ko, Argh ! Pun**ta naman eh....

Tumayo ako at kinuha yung kahon sa gilid ng pinto ng kwarto ko, ito yung mga gamit ko na di ko na ginagamit.

Nagpunta ako ng park, may nakita akong tatlong bata na gusgusin at dun ko ibinigay yung kahon na dala ko.

Tumayo ako sa isang gilid at pinanuod ang tatlong bata na masayang masaya, di ko alam kung ba't ako ngumingite siguro natutuwa lang ako sa tatlong bata.

Naglakad-lakad ako at may nadaanan akong matandang lalaki na hirap na hirap sa bitbit niya, nilapitan ko yung matandang lalaki.

"Lolo tulungan ko na kayo."

Hinatid ko yung matanda sa sakayan ng bus, inantay ko rin siya makasakay.

    (Hijo maraming salamat sa iyo.)

Ang sarap pala marinig ang salitang salamat...

>>KERUBINA POv

    Hindi napapansin ni Jelo na sinusundan ko siya, Buti naman at nakunbinse ko siya gumawa ng kabutihan ngayong araw.

Naniniwala ako na magagampanan ko ang misyon ko sa kaniya, masasabi ko na My mission is now start !

She Changed My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon