CHAPTER 7 "THE GIRL WHO HURT ME MUCH"

51 7 0
                                    

>>JELO POV

    Naiinip na ako baka pinagtritripan na naman ako nitong si carl.

"HOy carl umayos ka, niloloko mo ba ako. Alam mo bang gutom na ako makakatikim ka sakin, tingnan mo lang!"

    (Kalma lang sabi dude, inipin mo naman masiyado [dingdong] o baka yun na yung delivery.)

Aba kanina pa sa labas yun si carl di na nakabalik, nababadtrip na ko sa kaniya tatamaan na sakin yung gago na yon !

Naiinis na ako kaya sinundan ko na siya sa labas, naabutan ko siyang nakikipaglandian pa dun sa delivery girl loko inuna pa yun sarap banatan, naiinip na ako kaya nilapitan ko na.

"Hoy gutom na bisita mo, inuna mo pa makipag flirt diyan."

    (Jelo ikaw ba yan?)

Napatingin ako dun sa nagsalita, agad na nag init ang dugo ko ng makita ang bulag na toh sa harapan ko. kelan ba ako nito lalayuan, nakakasura na.

    (wow! kilala mo boses ng dude ko.) Carl said.

    (oo alam ko ang boses niya dahil misyon ko siya.)

Tan**na !    "Hoy bulag tumigil kana nakakapikon kana talaga, Bwiset!!" Bulyaw ko.

    (Jelo 31 days lang pakiusap, hayaan mo ko gawin ang misyon ko. Pangako lulubayan kita pagkatapos ng misyon ko sayo.)

"T**gina ! ang kulit mo, bingi kaba hah! AYOKO tigilan mo ko sa kahibangan mong baliw ka."

Badtrip lagi na lang Fuck shit!!!

>>KERUBINA POV

    Pinatuloy ako nung kaibigan ni Jelo sa bahay niya, Ang bait niya tas madaldal sa tingin ko siya lang ang kasundo ni Jelo. Nagtanung ako sa kaniya tungkol kay Jelo at sinagot naman niya ang mga katanungan ko, siguro nagtataka kayo kung paano ako nakapunta dito.

Nagprisinta kasi ako na ako na lang yung magdedeliver nung order ni carl, basta sabi ko naman may misyon ako kaya ganto ako kakulit.

Nagpaalam na ako kay carl na aalis na ako, kailangan ko na hanapin si Jelo. 

Ngayon makakatulong na sa akin ang inpormasyon na nakuha ko. Thanks God ! ^_^

>>JELO POV

    Ilang araw na ako badtrip, kailangan ko magrelax. Di ko alam kung saan ako pupunta, dinala na lang ako ng motor ko sa isang lugar na special sa akin.

2 years din ako hindi nakapunta dito, ngayon na lang ulit. Wala pa rin pagbabago ang lugar na toh, tahimik at maaliwalas pa rin. 

Dito ako madalas nagpupunta pag gusto ko makalimot sa mga problema, pag andito ako ang sarap ng pakiramdam ko natatanggal ang pagod at stress ko.

Narerelax at narerefresh ang sarili ko, hindi ko alam ang tawag sa lugar na ito kaya binigyan ko ng pangalan. Refresh farm ang tinawag ko rito.

Naglakad-lakad ako pupuntahan ko yung tambayan ko dito pag napagod akong mamasyal dun ako nagpapahinga at natutulog. Kung minsan kinakausap ko ang puno na iyon tinuring ko ng kaibigan ang puno na pinagtatambayan ko dito, pinangalanan ko rin siya Treelax ang ibinigay kong paangalan niya. 

Sa wakas natatanaw ko na siya, wala pa rin pagbabago si Treelax nananatili pa rin na magandang puno at malago, Nag iisa lang siyang puno sa farm na ito at tago lang siya kaya walang ibang nakakapunta rito kay Treelax.

Nung malapit na ako kay Treelax, May isang babaeng nakaupo at nakatalikod na tila busy sa pagsusulat akong naabutan. May iba ng nagpupunta dito?

"Hoy sino ka?"

Tumigil sa pagsusulat yung babae tumayo at humarap siya sakin. 0__0 laking gulat ko ng makita siya.

    (Jelo Long time no see !)

"Anong ginagawa mo rito, sinong may sabi na may karapatan ka pa pumunta dito." galit na sabi ko.

    (Until now you mad at me pa rin, Jelo its 2 years ago just enough. i want to back friendship between me and you, please enough.)

Lalo ako nakaramdam ng galit ng marinig ang sinabi niya, ganun na lang kadali sa kaniya ang lahat.

"Hanggang ngayon gusto mo pa rin ako gawing tanga, robot na dinidiktahan mo sa bagay na gustuhin mo. Tumigil kana hindi ka pa ba kontento, hindi ka pa ba masaya. Tama na tigilan mo na ko, wag ka na magpapakita sakin at wala kana karapatan sa lugar ko. Isipin mo na hindi tayo magkakilala angela, alis na ayoko makasama ang gaya mo."

    (Naiintindihan ko ang galit mo, pero sana naman matanggap mo na ang lahat. Hayaan mo na ako sa gusto ko, mag mahal ka na lang ng iba.)

"SABI KO UMALIS KANA?" Sigaw ko rito.

Sinundan siya ng paningin ko hanggang sa mawala na siya sa paningin ko, umupo at sumandal ako kay Treelax.

Bakit ganun treelax ano ba ang nagawa ko bakit masiyado ba ako naging corny, nagkulang ba ako, hindi ba ako deserving.

Sinaktan niya ako sobra, inakala ko na pag nagkita ulit kami marerealize niya na mahal niya ako, akala ko makikipagbalikan siya sakin. Pero hindi, malabo na mangyari...

Ang sakit pinamumukha niya sakin na masaya na siya sa piling ng kuya ko, ginawa ko naman ang lahat pero wala akong napala.

Naging malupit sakin ang tadhana, naging madamot ang kapalaran.

Kaya ganto ako ngayon ako si Jelo Dizon na wala ng pakealam sa kahit sino, isang barumbado at manhid sa lahat ng bagay.

Because the girl who hurt me much...

She Changed My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon