CHAPTER 8 "INFLUENCE"

37 7 0
                                    

>>KERUBINA POV

    Dinala ako ng mga paa ko sa lugar kung nasaan ang misyon ko, natanaw ko ang isang puno na nag iisa at may isang lalaki ang nakaupo at nakasandal sa puno na iyon. Si Jelo tila may malalim na iniisip, agad ko siya pinuntahan, pinagmasdan ko siya may tumutulo na mga luha mula sa mga mata niya umiiyak siya.

Umupo ako malapit sa tabi niya.

"Isang tao na nagpapanggap na walang nararamdaman, Pero ang totoo sobra silang naaapektuhan. Alam mo ba na lahat ng may buhay sa mundong ito ay may pakiramdam."

Naaninag ko na minulat niya ang mga mata niyang nakapikit at tiningnan niya ako.

    (Sino ka ba ba't ba ang kulit mo, Ba't lagi mo ko nasusundan.)

"Ako si Kerubina, misyon kita kaya kahit saan ka pa pumunta mahahanap pa rin kita."

    (Leche naman pwede ba umayos ka, di ako nakikipaglokohan. ubos na ubos na talaga pasensiya ko sayo, gusto mo ba talaga masaktan.)

"Hindi naman ako nakikipaglokohan, alam ko na mahirap paniwalaan mga sinasabi ko, kaya naiintindihan ko. Sa tingin mo bakit ako magpapakahirap at magpapakapagod sayo kung isang kabaliwan lang ito, isipin mo kung ano gusto mo isipin tungkol sakin. Pero maniwala ka totoo ang mga sinasabi ko, ang isang ordinaryong tao alam kong mahirap mapaniwala. naniniwala ka ba sa anghel kasi kung naniniwala ka maaari mong isipin na isa akong anghel na may misyon sa iyong buhay."

>>JELO POV

    Naririndi na talaga ako sa mga sinasabi ng babae na toh, ang lakas ng sumpong nito. Grabe kakaiba siya sa lahat ng naencounter ko na may sumpong siya ata ang pinaka malala, kahit ipagtabuyan ko ng paulit-ulit di natitinag. Nakakapagod lang di na siya naawa sa sarili niya haiisst !

Teka nga bulag ba ito, kasi kung bulag siya hindi niya ako dapat natutunton. Baka kaya nag papanggap lang siya na bulag, pumunta ako sa harapan niya at tinitigan maigi ang babaeng bulag. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin o kung saan, sinubukan ko pagalawin ang kamay ko malapit sa mga mata niya.

Pero teka di man lang siya nakurap o natitinag, ibig sabihin bulag nga siya.

Bumalik ako sa pwesto ko at nag buntong hininga na lang...

    

    (Hindi ka ba napapagod mag panggap bilang ibang tao na alam mo na hindi naman talaga ikaw ganun klaseng tao.)

Napatingin na lang ako sa kaniya ba't ba ang kulit niya, saka ba't parang may mga bagay siya na alam tungkol sakin hindi kaya.

"Hoy sabihin mo nga stalker ba kita hah..."

    (Ayaw mo naman kasi maniwala sakin, isa nga akong tao na may misyon sayo. Naniniwala ka ba sa taong namatay na pero muling nabuhay?)

Aba loko toh, tinatakot ba ako nito. Ayaw ko ng mga ganung biro.

"Woy tumigil ka na."

    (Dati akong ordinaryong tao na nabubuhay gaya mo, ngunit dahil sa nakatadhana sakin. Dumating yung araw na binawian na ako ng buhay sa madaling salita namatay ako.)

Fuckshit!! kinikilabutan ako ah, 

"woy tama na di na ko natutuwa, galit na ako."

    (Pero ngayon muli akong binigyan ng pagkakataon mabuhay kahit sa konting panahon lang, diba sinabi ko sayo na may misyon ako sayo. Kaya eto ako ngayon kahit na pinagtatabuyan mo nananatili pa rin, dahil nga may misyon ako sayo. Naalala mo yung 31 days na hinihingi ko sayo para pumasok sa buhay mo, 31 days lang ang ibinigay sakin na panahon para gawin ang misyon at para mabuhay.)

Aisst!!! ang kulit talaga, konti na lang madadala na ko sa mga sinasabi nito.

"Kung totoo nga ang sinasabi mo, anong klaseng misyon ang gagawin mo hah..."

    (Misyon ko baguhin ang buhay mo.)

Grabe di ko napigilan tumawa, maniniwala na sana ako sa mga pinagsasabi niya. Pero nung sinabi niya na misyon niya baguhin ang buhay ko, hanep bigla talaga ako natawa.

"Woy alam mo ang galing mo pala magpatawa... hahaha ! "

    (Hindi ka talaga naniniwala, nakikita mo ba ang suot kong purselas.)

Tiningnan ko naman, yung suot niya na purselas.

"O ano naman ?"

    (Ito ang nagsisilbing orasan ko sa buhay mo, Yung mga palawit na numero sa purselas ang bilang na natitira para sa misyon ko sayo. Nung unang dating ko sa buhay mo hanggang 31 ang palawit nito, pero ngayon hanggang 22 na lang ang palawit ng purselas ko. Ibig sabihin 22 days na lang ang araw para sa misyon ko sayo, Maaari bang paniwalaan mo na ako at tulungan pangako ko sayo pagkatapos ng 22 days mawawala na ang makulit na gaya ko sa buhay mo.)

Ganun ba talaga siya naninindigan sa mga sinasabi niya, sabagay wala naman mawawala kung paniniwalaan ko siya. Pero nakakatawa lang kasi na ang sinasabi niyang misyon ay ang baguhin ang buhay ko. Kahit naman sino walang makakapagpabago sa pagkatao ko, ganto na talaga ako isang ugaling demonyo. Sige bahala siya gawin niya gusto niya mapapagod lang siya sa sira ulong gaya ko tss...

Paikot-ikot ako sa kama ko, nagtakip ako ng unan. Pero di talaga ako makatulog arhg... 

Badtrip talaga ang babae na yun, ang lakas makaimpluwensiya. Di na naman ako pinapatulog, nang gugulo na naman ang mga katagang binitawan niya...

haiiisst !! badtrip badtrip badtrip.....

She Changed My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon