CHAPTER 15 " HE'S BROTHER ! "

48 7 0
                                    

>>KERUBINA POV

    Lumabas na ako sa bahay nila, family bonding na rin naman nila yun. Baka maka istorbo lang ako.

Naglalakad na ako palabas ng gate, ng makabunggo ko ang isang babae.

"Pasensiya na !"

    (okay lang !)

di ko akalain na si Angela ang babaeng nasa harapan ko ngayon, napaka ganda niya pa rin.

Pero teka ba't siya andito, naalala ko Angela ang pangalan ng babaeng minahal ni Jelo.

Ibig sabihin siya yung Angela na naging dahilan ng pagkagalit sa mundo ni Jelo, at mas nagulat ako ng makita ang biglang lalaki na dumating.

Inakbayan niya si Angela, si Jake nasa harapan ko rin siya ngayon. 

Teka siya kaya yung Kuya ni Jelo, muli ko sila tiningnan papasok na sila sa pinto at sinalubong sila ni Jewel.

Narinig kong tinawag siya ni Jewel na kuya, siya nga ang kuya ni Jelo.

Ang liit ng mundo, kapatid ng taong mahal ko ang misyon ko.

Natigil ako sa pagsusulat ng diary ko, tinitigan ko ang picture namin ni Jake.

Alam mo kung gaano ako kasaya ng nakita kita, I miss you so much, masaya na rin ako para sayo.

>>JELO POV

    YEs ! finally done na lahat ng exams ko, time to rest !

Napahinto ako sa paglalakad naisip ko ba't kaya nawala kagabi si Kerubina, Di man lang siya sakin nag paalam.

Di tuloy ako nakapagpasalamat sa kaniya, kung di dahil sa kaniya di ko mararamdaman ang maging masaya.

    (dude bawal emo ngayon, time to enjoy. Wag mo sabihin na nag-eemo ka dahil kay Kerubina.)

"Lol! manahimik ka na nga lang mind your own business!"

Pero ewan feeling ko gusto ko siya makita, himala nga ata buong araw siya di nagpakita sakin.

Iniwan ko na si carl sa bar bored na ako, gabi na tinatamad pa ako umuwe. Nagpunta na lang ako sa park, at humiga sa grass.

Natutuwa ako tingnan ang langit ang dami kasing bituin, ang ganda pagmasdan. Kinusot ko ang mata ko dahil feeling ko nakapahugis na anghel yung isang tumpok na mga bituin.

    (Ang ganyang kagandang langit, maihahalintulad sa taong may busilak na kalooban. Gumaganda tingnan ang kalangitan dahil sa magagandang bituin, parang isang tao ang ganda pagmasdan kapag gumagawa ng kabutihan.)

Bigla ako napabangon sa pagkakahiga, nakaramdam ako ng saya ng makita ko si Kerubina na mukha talagang anghel.

"Bakit ngayon ka lang hah."

    (May mahalaga lang akong ginawa, congrat's sayo.)

Nagtaka ako sa sinabi niya ba't niya ko sinabihan ng congrat's.

"Para saan yung Congrat's ?"

    (basta ! Ang sarap ng hangin dito ang gaan sa pakiramdam.)

Tas humiga siya, humiga rin ako medyo magkatabi kami. Parehas kami nakatingin sa kalangitan.

"Matanung ko lang ba't bigla ka nawala sa bahay kagabi, di ka man lang nagpaalam sakin."

    (Kinailangan ko na kasi umuwe, ayoko rin maka-istorbo kaya di na ko nag paalam.)

"Ahh!" yan na lang nasabi ko.

    (Jake ba ang pangalan ng kuya mo ?)

"oo paano mo nalaman."

She Changed My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon