CHAPTER 16 " Ignore Me ! "

40 7 0
                                    

>>JELO POV

    Kanina pa ako naboboring dito sa bahay, ba't kasi wala pa yung kerubina na yon dito !

Dapat kasama ko na siya ngayon, badtrip walang nangungulit sakin.

Makapag-laboy na nga lang ! Paglabas ko ng gate nagulat ako.

Bumungad kasi sa harap ko ang nakangiting mukha ni kerubina.

"Hoy ! ba't ngayon ka lang"

    (Ba't inaantay mo ba ako.)

"Ah' ba't naman kita aantayin."

    (okay kala ko inaantay mo ako.)

"tss asa ka naman !"

tas ngumiti na naman siya, yung dibdib ko parang kumakabog.

Ngayon ko lang ulit naramdaman ang gantong klaseng kabog ng dibdib, ganto yung naramdaman ko nung naramdaman ko ang feelings ko para kay Angela.

Hindi kaya tama si carl, may feelings na kaya ako kay Kerubina. 

    (Jelo alam mo ba yung salitang pang unawa?)

Ano na naman kaya ituturo niya sakin.

    (Ngayong araw gusto ko matuto ka umunawa, tara samahan mo ko may pupuntahan tayo.)

Nagsimula na siya lumakad, ako mukhang sira na nakatingin lang sa kaniya.

Ba't ba ayaw tumigil ng pagkabog ng dibdib ko, may gusto na kaya ako sa anghel na yan.

Ah' bahala na di ko ugali ang maging torpe, agad ko siya hinabol.

Hinawakan ko siya sa braso niya, kaya napatigil siya.

Huminga muna ako ng malalim saka nagawa magsalita.

"Hoy Kerubina makinig ka, i think i like you."

Tinitigan ko siya maigi at nag aantay ng sasabihin niya. Pero ba't ganun wala siyang reaksyon.

"Hoy ! narinig mo ba sinabi, ko."

Nag nod lang siya, kainis wala ba siyang sasabihin.

"Woi wala ka ba isasagot."

    (Marunong ka pala magbiro, tara na may pupuntahan pa tayo.)

Badtrip she ignore me, di naman ako nagbibiro ah ! kainis...

>>KERUBINa POV

    Hindi ko alam kung anong kalokohan niya, sa dami ng pwede gawing biro.

Ba't yun pa ! ay ewan di ko nagustuhan ang biro niya, kalimutan ko na nga lang.

Nandito na kami sa lugar ng gagawan niya ng misyon, isang maliit na eskwelahan ng mga batang special child.

Ang misyo ko kasi ay ang matuto siya umunawa kaya ko siya dinala dito.

    (Hoy ano ginagawa natin sa lugar na toh ?)

"May misyon tayo dito, tara na pasok na tayo."

Iniwan muna samin ni titser joan ang mga batang special child na tinuturuan niya.

Sa ngayon kami muna ang magtuturo sa mga bata, pero pano ko yun magagawa kung bulag ako ngayon.

Nilapitan ko si Jelo na nakaupo sa isang gilid.

"Jelo maari bang ikaw muna ang magturo sa mga bata."

    (Ano ako magtuturo ? Ayoko nga ! di ko pinangarap magturo sa mga batang ganyan.)

"Pero kailangan mo toh gawin, pakiusap please."

Kinulit ko siya ng kinulit at ayun napapayag ko din naman siya.

Nagsimula na siya magturo, halata sa itsura niya na napilitan lang siya.

Pero ilang saglit lang nag walk out siya, alam kong mahirap magturo sa mga batang special child. Dahil may kani-kaniyang mundo.

Mahirap sila intindihin ang kailangan pang unawa.

Agad ko siya sinundan, buti naabutan ko pa.

"Jelo sandali, kailangan mo toh gawin please !"

    (Hoy ba't ko pag aaksayahan ng panahon ang mga yun, e di naman marunong makaintindi yun.)

"Pero Jelo kaya nga sila tinuturuan para makaintidi sila, ikaw marunong ka umintindi kaya dapat intindihin mo na lang sila."

Matagal din bago ko siya nakunbinse ulit bumalik dun, at ayun nagawa niya naman unawain ang mga bata.

Kuminang ulit ang purselas ko, nagawa ko na naman ang misyon ko ngayong araw...

She Changed My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon