CHAPTER 17 " I THINK I LOVE HER ! "

39 6 0
                                    

>>JELO POV

    3 Days na di nagpapakita sakin si kerubina, ano kayang nangyari dun.

namimiss ko na siya, nasanay na ako na lagi ko siyang kasama, hinahanap-hanap ko ang pangungulit niya.

ilang araw ko na rin siya napapanaginipan, kahit saan ako tumingin mukha niya nakikita ko.

I think i love her !

Simula ng dumating sa buhay ko si kerubina, parang marami nang nagbago.

Nagkaayos na kami ng pamilya ko, pati rin mga kaibigan ko at ang babaeng minahal ko nagawa ko na palayain.

Nararamdaman ko na ulit ang maging masaya, sa tingin ko konti na lang babalik na ang dating ako.

>>KERUBINA POV

    Ilang araw ko na rin nakakaligtaan ang misyon ko kay Jelo, di ko siya mapuntahan.

Kailangan kasi ako ng bestfriend ko, inaatake na naman siya ng sakit niya, di ko siya magawang iwan.

Sobrang nanghihina na siya at halata na nahihirapan na siya, binabantayan ko siya ngayon habang natutulog siya.

Konting panahon na lang ang paghihirap mo Irene, malapit na kita matulungan.

Pag mission accomplished na, makakabayad na rin ako sa mga kabutihan mo na ginawa sa akin.      

Bigla siya nagising.

    

    (Bestfriend ko ! nanaginip ako, iniwan mo na daw ulit ako. Hindi mo naman ako iiwan diba !)

Ngumiti ako.

"Kahit saan man ako mapadpad, pangako mananatili pa rin ako sa tabi mo. Basta ipangako mo na lagi kang masaya."

Nag nod siya.

    (wag mo ko iiwan hah ! Ikaw lang ang matiyaga na nagmamahal sakin.)

"Maraming nagmamahal sayo, at may taong darating sa buhay mo na mas higit pa na magmamahal sayo. Pag dumating ang araw na makilala mo siya, wag ka matakot magtiwala sa kaniya."

Nasa kwarto ko na ako at nakaupo habang pinagmamasdan ang purselas na suot ko.

2 days na lang ang araw ko bilang isang tao, ang bilis ng araw di ko namalayan na matatapos na ang 31 days na ibinigay sa akin para mabuhay at para gawin ang misyon ko.

Kailangan ibigay ko na ang best ko, kaya kahit gabi na nagpunta pa rin ako sa bahay nila Jelo. 

Naglalakad pa lang ako papunta sa bahay nila Jelo, napatigil ako sa tapat ng park.

Nakita ko si Jake kasama niya si Angela, magkahawak kamay sila at tila ang saya--saya.

Halatang nagmamahalan sila, masakit man sakin makita na may minamahal na siya, wala naman ako karapatan para magalit.

Masaya na rin ako para sa kaniya, hiling ko na lang sana sila na ang nakatadhana...

Nakarating na rin ako sa tapat ng bahay nila Jelo, nakita ko siya nakasakay sa motor niya.

"Kamusta na mr. Jelo ! ^-^"

Agad niya ako nilingon at nilapitan niya ako.

    (Hoy ba't ngayon ka lang, alam mo bang 3 day's ka  di nagpakita sakin.)

Nginitian ko siya.

"May mahalaga lang ulit akong ginawa."

    (Mas mahalaga pa ba yun kesa sakin hah...)

Hindi ko siya maintindihan, dati sabi niya lubayan ko siya at wag na ko magpapakita.

Tas ngayon gusto niya nakikita niya ako. Ang gulo talaga ng mga tao.

"oo mas mahalaga yun kesa sayo ! na miss mo ba ako kaya ka ganyan." biro ko.

    (Asa ka naman ! nevermind na nga, kailangan mo bumawe sakin. Date tayo ngayon ...)

"Ano date ?"

    (Walang malisya yun ! wag ka na umarte !)

Di na niya inantay sagot ko, hinila na niya ako at pinasakay sa motor niya.

    (Kumapit ka maigi hah... wag ka mahiya !)

Tahimik lang kami kumain, alam kong nakatitig siya sakin.

Ano bang nangyayari sa kaniya, ba't kaya siya ganyan nitong mga nagdaang araw...

She Changed My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon