CHAPTER 14 " BE KINDNESS !! "

44 7 0
                                    

>>KERUBINA POV

    Nagtaka siguro si Jelo kung paano napunta doon si Angela, nagdadalwang isip kasi siya na kausapin si angela kaya ako na gumawa ng paraan para makapag usap sila.

Buti nabasa niya ang text ko hehe... Lumayo ako at saka ko sila tinanaw sa malayo habang nag uusap sila, kuminang ang suot kong purselas ibig sabihin, nakagawa ao ng bagay sa ating ko sa clinic, agad ko nilapitan ang natutulog kong kaibigan...

Putla na putla ang kulay niya, napansin ko rin ang mga pasa sa braso niya. Inaatake na naman siya ng Leukaemia niya, kawawa naman ang mahal kong kaibigan.

>>JELO POV

    Nasa unit ako ngayon ni carl na miss ko ang sira ulo kong kaibigan, kaya dinalaw ko. Aba loko pinagtritripan ako ngayon, nabalitaa niya kasi yung ginawa ko kahapon.

    (Dude yung seryoso ano nangyari sayo, sinaniban ka ba ? o kakambal ka ng Jelo dude ko.) pang aasar nito.

"Tado ! umayos ka nga uupakan kita."

    (Loko lang yun dude wag pikon, sabi na nga ba hulog ng langit si Kerubina. Para gamutin ang sinto-sinto kong kaibigan.)

Sa tingin ko nga anghel yun, pero imposible talaga. Sa mga movie at story lang nangyayari ang ganun.

    (Maiba ko dude, type mo ba si kerubina kasi parang ang bait mo na sa kaniya.)

"Tumigil ka nga sa mga nonsense question mo !"

Saglit lang ako sa unit ni carl, umuwi na rin ako agad. Mag aaral pa ako para sa exams namin bukas.

Pagdating ko sa tapat ng gate namin, naabutan ko si Kerubina nasa tapat ng gate namin nakatayo.

Lumingon siya sakin at nakangiti na naman, mukha na naman siyang anghel sa suot niya. Pagnakikita ko siya nakakaramdam ako ng saya.

    (Tutulungan kita mag review ngayon, okay lang ba !)

Pumayag ako sa alok niya, natapos na rin kame magreview. Wala na kami ginagawa ngayon parehas nakatunganga.

Tiningnan ko yung purselas niya, nabawasan na naman. Ibig sabihin 12 days na lang niya ako guguluhin.

    (Goodluck sayo bukas alam kong gagalingan mo sa exams mo, aantayin kita bukas sa labas ng school niyo.)

Umalis na siya, ano daw aantayin niya ko bukas bakit kaya ?

Ang dali naman ng exams, di man lang ako nahirapan...

Naglalakad na ako palabas ng school, tapos na kasi ako mag exams. Paglabas ko agad ko nakita si Kerubina naka ngiti na naman siya, nilapitan ko siya agad.

"Kanina mo pa ko inaantay ?"

    (Hind naman kakadating ko lang.)

"o ano na naman ang misyon na gagawin mo hah... ?"

    (Alam mo yung kahulugan ng kindness, yun ang misyon ko ngayon. Ang maituro sayo kung paano maging mabuting kapwa, anak, kapatid, at kaibigan.)

"Bahala ka kung ano gusto mo, ano naman yan dala mo?"

    (Gagawa tayo ng cake ngayon, kaya dala ko na ang mga ingredients.)

"Ano ka di naman ako marunong niyan, bumili ka na lang ng cake. Magpapakapagod ka pa !"

    (Hindi pwede mas maganda ang pinaghihirapan mas maaapreciate ang effort.)

"Ayoko nga, buo na desisyon ko ayoko gets?"

    (Kailangan mo ko tulungan, Pag tinulungan mo ko. Alam mo na ang kahulugan ng kindness, please !)

haiisst kung di lang toh ! maganda at mala anghel, tatanggihan ko talaga toh !

Natapus din kame sa pag gawa ng cake na yan, feeling ko nga ako lang gumawa wala naman tinulong si kerubina taga abot lang.

    (Jelo magbihis ka na !)

"Mamaya na magpapahinga muna ako."

    (wag na wala ng oras, dali magbihis ka na saka ka na lang ulit bumaba.)

Problema nito, di ko siya iniintindi. Pero patuloy siya sa pangungulit kaya naman nung nakulitan na ako, sinunod ko na siya.

>>KERUBINA POV

    Nakalimutan na niya talaga na kaarawan niya ngayon, o siguro talagang kinalimutan na niya ang araw ng kapanganakan niya.

Nag set kasi ang Family niya ng surprise para sa kaniya, wala siyang kaalam-alam sa mangyayari ngayon.

Di rin niya alam na para sa sarili niya ang cake na ginawa niya, di na nga siya nagtanung kung para kanino yung cake at bakit kindness yung word na isinulat sa cake.

Nandito na ang mga Family at mga taong malalapit sa kaniya isusurprise na siya, yung kuya niya lang ang kulang late na daw makakauwe.

Nung pagbalik ni Jelo sa Kitchen, dumilim ang buong bahay. Wala siyang makita, pero ilang saglit lang nagliwanag na at lumabas ang mga taong nag set ng surprised party sa kaniya. Nagulat siya ng binati siya ng Happy Birth day, tas lumapit sa kaniya si carl na dala yung cake na ginawa niya.

    (Dude happy born day! blow your cake, but don't forget your wishes !) sabi ni carl.

    (Loko tumigil ka nga, uupakan kita.)

    (kalma lang dude !)

Natatawa sa kanilang dalawa ang mga taong bisita nila at ang family ni jelo.

    (Dude alam mo ba kung bakit "kindness" ang word ng cake mo. wish namin na maging ganyan ka na, maging kind ka na samin gets?)

    (Drama mo !) Jelo said.

She Changed My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon