CHAPTER 18 " OUCH SHE HURT ME !! "

43 6 0
                                    

>>JELO POV

    DI ko alam kung ba't ang ganda ng mood ko ngayon, siguro ito ang epekto ng taong inloved hehe... Corny !

Pero parang napapansin ko medyo nagiging iwas na sakin si kerubina... Masiyado na ba akong obvious ?

Gusto ko siya ihatid sa bahay niya kagabi, kaso tinanggihan niya ako. Di ko tuloy alam kung saan siya nakatira.

Kinukuha ko number niya para tatawagan ko siya pag bored ako, wala daw siya cellphone. Ang poor naman na tao yun !

Makapag mall na nga lang at mabilhan siya ng Cellphone, saka ipagtatapat ko na sa kaniya ang fellings ko.

Di ko naman ugali ang maging torpe....

>>KERUBINA POV

    Hindi ko na nagawang matulog, dahil sa dami ng aking iniisip.

Kasi kahit segundo ayoko na sayangin, malapit ko na kasi iwan ang mundong ito.

Ito na ang huling araw ko bilang isang tao, maaga ako nagpunta kay manong Joseph. Para kunin yung Anghel na gawa sa kahoy na pinagawa ko.

Dalawa iyun at maliit lang, babaeng anghel na may hawak na magkabiyak na puso. Pag pinagdikit sila mabubuo ang puso.

Matapos ko makuha, dumaan ako sa bilihan ng mga plastic balloon at bumili ako yung wala pang hangin.

Saka na ako umuwe at nakangiti akong sinalubong ni Irene.

    (saan ka nagpunta?)

"ah' diyan lang may inayos lang, tara na kain na tayo."

Tahimik kami kumain, pinagmamasdan ko siya. Hindi na maputla ang kulay niya, at nawala na rin ang mga pasa sa kanyang katawan. Thank's God !

    (Alam mo bestfriend parang may miracle na nangyari sakin, diba sobra akong nanghihina nung mga nagdaang araw. Kagabi nga feeling ko mamamatay na ako, pero kanina pag gising ko ang lakas-lakas ko na, nawala na rin yung mga pasa ko. Di na maputla ang kulay ko, pakiramdam ko ngayon parang wala na yung sakit ko...)

"Masaya ko para sayo, wag mo pababayaan ang sarili mo. Manatili kang matatag, kayanin mo lahat ng pagsubok na darating sayo. Lagi mo tandaan na mahal ka ng bestfriend Angelica mo."

    (Ang drama mo naman bestfriend ko, ano bang mga sinasabi mo. Pakiramdam ko tuloy aalis ka at iiwan mo na ulit ako.)

Kung pwede lang baguhin ang tadhana, wala sana tayo sa sitwasyon na ito. Nginitian ko siya.

"Basta lagi mo iisipin na parati lang ako nasa tabi mo. May darating na tao na itinadhana para sayo, mas higit siya kesa sakin. Ingatan mo sarili mo okay !"

    (ay sus ! drama day ang peg ng pinakamamahal kong bestfriend, opo susundin ko na po ang mga bilin mo.)

Nilapitan niya ako at niyakap, niyakap ko rin siya ng mahigpit. Masaya ako sa konting panahon na nakasama ko ang mahal kong kaibigan.

>>JELO POV

    Para akong baliw na ngiti ng ngiti habang tinititigan ang cellphone na binili ko, tanggapin niya kaya ito.

She Changed My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon