CHAPTER 11 " BE FRIENDS !! "

41 7 1
                                    

>>JELO POV

    Lunch break pero wala ako sa mood kumain, nasa rooftop lang ako at nakamasid sa baba trip ko lang tingnan ang mga kapwa ko studyante na nasa baba.

Napatingin ako sa bandang grass ground, may pinagtritripan yung mga kumag kong kaklase. Isang babae parang kilala ko yun ah, si bulag yun anong ginagawa niya rito.

Agad ako bumaba at naabutan kong pinagtritripan si bulag.

"Hoy wag niyo siya pagtripan."

    (Problema mo Jelo ? walang basagan ng trip !)

Gago toh ah' 

"Sabi ko tigilan niyo siya, gusto niyo kayo pagtripan ko hah !"

    (OO na boss titigil na po kame.)

tss... kala ko papalag subukan lang nila baka mabingkaw mga mukha nila.

Tiningnan ko ang babaeng bulag, nakangiti na naman. Hobby niya ba ang ngumiti tsk !

"Hoy anong ginagawa mo dito paano ka nakapasok dito, bawal ang outsider dito ah..."

    (May inasikaso lang ako dito, pumasok na lang ako basta wala ata ang bantay nung pumasok ako.)

"Sira ka ba bawal ang outsider dito, gusto mo hulihin hah !"

    (Wag ka mag alala di mo naman ako kargo, kaya ko sarili ko.) nakangiti nitong sabi.

Sarap batukan, nagmamalaki pa e. Di siya pede makita ng Admin huhulihin siya, kailangan makaalis na toh dito. Istorbo talaga !

Hinawakan ko na lang siya sa wrist niya at hinila, pag punta namin sa main gate may bantay na.

Sa likod naman kami nagpunta shit mamen ! may guard din, pahamak talaga ang baliw na bulag na toh.

No choice sa bakod lang ang choice ko para mailabas ang babae na toh, ang bigat naman ng babae na toh ang payat-payat e. at last nailabas ko din siya.

    (Di ko alam kung ano nakain mo at nagawa mo tulungan ang taong kinaiinisan mo.)

"Ewan sayo, Hoy ikaw wag ka na babalik dito, Naiintindihan mo."

Nag nod lang siya.

"Umuwe kana naiinis ako pag nakikita kita, alis na."

    (Sandali lang may hihilingin lang sana ako sayo.)

Abuso na toh ah'

"Ano yun ?"

    (Nagugutom na kasi ako, pero wala akong pera. Pwede mo ba ako ilibre...)

Loko toh ah' close ba kami para ilibre ko siya, ang kapal !    [croook !]    Narinig ko tunog ng tiyan niya.

Naawa naman ako dahil mukhang gutom na nga siya, hinawakan ko na ulit siya sa wrist niya.

Umorder ako ng maraming pagkain, at kumain kami. Napahinto na lang ako sa pagkain at pinanuod ang babaeng bulag, di halatang gutom panay ang subo.

Pinagmasdan ko ang mukha niya ang ganda pala niya, tama nga si carl mukha siyang anghel.

Ang ganda rin ng mata niya kahit na wala siyang paningin, kung di niya nga siguro sinabi na bulag siya.

Di malalaman na bulag siya dahil sa ganda ng mga mata niya, mabait naman siya makulit lang.

Di ko na namalayan na naubos na niya yung mga pagkain, ang takaw pala ng babae na toh.

Lumabas na kami ng karinderya na kinainan namin.

    (Sobrang nabusog ako, maraming salamat sayo Jelo. Sa susunod ulit ^_^)

May balak pa umulit ang kapal talaga !

"Sige na, umuwe kana."

nag nod siya pero di pa siya lumalakad.

"Hoy sabi ko umuwe kana !"

Ngumite lang siya, tas may kinuha siya sa likuran niya at inaabot sa akin yung mga papel. Nakatingin lang ako dun sa mga papel na inaabot niya.

    (Kunin mo toh ! magagamit mo ito dali...)

Kinuha ko naman.

"Ano naman toh ?"

    (1 month ka di pumasok, nandiyan sa mga papel na yan ang lahat ng pinag aralan sa mga subjects mo. Aralin mo na lang ang mga yan ilang araw na lang exams niyo na, maiwan na kita.)

Para akong tangang nakatulala, nakita ko siya naglalakad na palayo. Agad ko hinabol at humarang ako sa daan niya.

    (Jelo ikaw ba yan ! may kailangan ka ba ?)

Kinuha ko yung isa niyang kamay at hinawak ko sa isa kong kamay, at ginalaw ko na akmang nakikipagshakehands. Di niya naman kasi kita pag inabot ko kamay ko sa kaniya, kaya ganto na lang ginawa ko.

"Be friends !"

    (oo naman! ^_^)

"Sige na Kerubina maiwan na kita, Friends na tayo hah..."

Pagkasabi ko niyan tumakbo na ako palayo.

She Changed My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon