CHAPTER 13 " OKAY YOU ARE MY ANGEL ! "

45 7 0
                                    

>>JELO POV

    Isang subject pa lang ang naaaral ko, Shit ! ang dami naman kasi nito.

Sigurado ba ang babae na yun na lahat ng ito ang mga missed subject ko, baka kung saan lupalop niya lang ito kinuha.

Naistorbo ako ng ingay ng doorbell, sumilip ako sa bintana ng kwarto ko. Di ko masiyado makita yung tao sa gate, uh' anung ginagawa ni kerubina dito.

Pinuntahan ko siya sa gate namin, nakangiti na naman siya na mukhang anghel. Lalo pa siya nagmukhang anghel sa puting bestida na suot niya, kulang na lang pakpak.

"Hoy ba't ka andito? sinong hanap mo."

    (Magandang gabi sayo !)

"Anong maganda sa gabi kung ikaw ang makikita aber!"

ngumiti na naman siya nabibighani na tuloy ako sa ganda niya, ay erase erase erase...

    (Naaral mo na ba yung binigay ko sayo, 2 days na lang exams niyo na.)

"Teka nga magkalinawan tayo ba't ba ang dami mo alam tungkol sakin, Stalker ka ? saka saan mo naman kinuha yung binigay mo sakin na mga subjects ko."

    (Misyon nga kasi kita kaya natural lang na may mga alam ako tungkol sayo, Hiningi ko yung mga reviewer mo dun sa kaklase mong genious. Kaya tara tutulungan kita aralin ang mga dapat mo aralin.)

Di ko pa nga pinapapasok nauna pa sakin, ang kapal talaga aiisst !

Nagsimula na ko mag aral, tinutulungan niya ako. Ba't kaya niya alam ang mga nakasulat dito, ang talino naman niya. Sabagay matatalino naman daw ang mga bulag!

Nakatulong naman siya sa pagrereview ko, may 3 subjects pa sabi ko bukas na yun pagod na ako.

    (Magaling ka naman pala e, tamad ka lang. Diba dati masipag ka naman mag aral, ba't di mo subukan ibalik yung kasipagan mo sa pag aaral.)

Ang galing ang dami niya talaga alam tungkol sakin, baka nga di siya stalker. Napansin ko yung suot niyang purselas, hanggang 17 na lang ang number na palawit.

Nababawasan nga ang mga palawit, di kaya tinatanggal niya lang para mapaniwala niya ako. 

Umupo ako sa tabi niya at hinaltak yung isa sa mga palawit, grabe ang tibay naman nito. inulit-ulit ko putek ! ang tigas ang hirap tanggalin.

    (Kahit anung hila o haltak ang gawin mo, hindi talaga yan maaalis. Dahil automatic yan natatanggal ng kusa.)

Kung ganun totoo nga mga sinasabi niya, pero napaka imposible naman kasi nun.

"Sabi mo 31 days ang misyon mo, after 31 days lulubayan mo na ako."

Nag nod lang siya.

"Diba pag gumawa ng misyon may kapalit, anong hiningi mong kapalit pag nagawa mo ang misyon mo sakin."

    (Isang bagay na pang kaibigan, ang magiging kapalit pag nagawa ko ang misyon ko sayo.)

Ang seryoso niya nung sinabi niya yan, pipilitin ko na nga maniwala sa kaniya wala naman mawawala kung maniniwala ako.

"Okay you are my angel, pipilitin ko paniwalaan ang mga sinasabi mo."

    (Maraming salamat Jelo, Sure ako ang anghel mo!) nakangiti niyang sabi.

Halatang masaya siya sa sinabi ko, ang babaw niya.

    (Jelo may kailangan ka gawin bukas.)

"o ano naman yon ?"

    (Gusto ko mag apology ka sa mga taong nasaktan mo, humingi ka ng tawad sa mga tao na iyon. Magpatawad kana rin sa mga taong hindi sinasadyang masaktan ka, buksan mo ang puso mo para sa kanila. Masarap mabuhay ng masaya at walang poot at galit sa puso. Makipag ayos ka na sa mama, daddy, kuya mo, mga kaibigan mo, mga pinsan mo na nkaaway mo at sa kaisa-isahang babae na minahal mo. Gusto ko gawin mo ito bukas, aasahan ko yan. Goodluck sayo...)

"Woy kerubina pinipilit ko pa lang maniwala sayo, at di porke nakipagkaibigan na ako sayo. Gagawin mo na lang nadiktahan ako sa mga bagay na gusto mo, ayoko gawin ang bagay na gusto mo. umuwe kana at matutulog na ako."

Loko kung makautos ano akala niya boss ko siya tsk ! sinira niya na naman mood ko.

    (Sa tingin mo ano mapapala ko, kung ba't ko ginagawa toh! Hindi naman para sakin ang ginagawa ko. Para sayo ang lahat ng toh, hindi ako susuko kahit na ilang ulit mo ko sigawan at ipagtabuyan. tatapusin ko ang misyon ko.)

(Gusto ko mag apology ka sa mga taong nasaktan mo, humingi ka ng tawad sa mga tao na iyon. Magpatawad kana rin sa mga taong hindi sinasadyang masaktan ka, buksan mo ang puso mo para sa kanila. Masarap mabuhay ng masaya at walang poot at galit sa puso. Makipag ayos ka na sa mama, daddy, kuya mo, mga kaibigan mo, mga pinsan mo na nkaaway mo at sa kaisa-isahang babae na minahal mo. Gusto ko gawin mo ito bukas, aasahan ko yan. Goodluck sayo...)

Hindi ko na alam kung ano nangyayari sakin, ang sabi niya isipin ko na lang na isa siyang anghel ko.

oo na nga anghel ko na siya, kasi isang bulong niya lang kahit na labag sa kalooban ko gawin nagagawa ko pa rin siya sundin.

Katulad ngayon ginagawa ko na ang sinabi niya kagabi na gawin ko, nakipag ayos na ako sa mga taong binanggit niya.

Tama siya masarap nga sa pakiramdam ang nagpatawad, isa na lang ang di ko pa naaayos. 

Di ko ata kaya harapin si Angela, nagpahinga ako sa park at nag isip-isip muna.

nang may biglang nagsalita mua sa likod ko kaya napalingon ako.

    (Hindi ka pa pwede mag pahinga Dahil di pa tapos ang trabaho mo.)

"Hindi ba ko pwede mag break, pasalamat ka nga sinunod ko ang utos mo." Biro ko.

    (Nag aalinlangan ka kausapin siya, akala ko ba matapang ka. Ba't parang isang babae lang natatakot kana!, takot ka kay angela.)

"Ba't mo kilala si angela ?"

    (Hindi na mahalaga yun! Tumingin ka sa harapan mo may taong gusto kumausap sayo.)

Tumingin naman ako sa harapan ko at nakita ko si Angela, palapit sakin. Nilingon ko si Kerubina wala na siay sa likod ko naglalakad na siya palayo.

She Changed My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon