CHAPTER 19 " MISSION ACCOMPLISHED !!! "

44 6 0
                                    

>>JELO POV

    Ang hina naman nung si carl nalasing agad, badtrip di pa ako tinatamaan inis.

Niyaya ko siya kasi mag inom, pero useless ang dali niya tinamaan .

Kaya eto boring wala na ako kadamay. Kinuwento ko sa kaniya yung nangyari samin ni Kerubina, ang payo niya lang.

Galangin ko na lang daw ang desisyon niya tsk ! di naman yun ganun kadali.

Ang bad ng araw ko haiiisst !!!

Pagdating ko sa tapat ng bahay namin, naandito si Kerubina. Nakatingin siya sa akin, at nakangiti.

teka bulag siya bat tingin ko nakatingin siya sakin.

Saka ba't siya andito, baka mag aapologize siya, baka narealize niya na mahal na rin niya ako.

"Bakit ka andito, ako ba hinahanap."

     (maaari ba kita makausap, kahit saglit.)

Seryoso ang mukha niya, ano kaya ang sasabihin niya.

Saka teka, nakatitig siya sa mga mata ko.

Nakakakita na ba siya, ginalaw ko ang kamay ko malapit sa mata niya at napapikit siya.

    (Tama ka nakakakita na ako, ang totoo di talaga ako bulag. Nagpapanggap lang ako, dahil kasama yun sa misyon.)

Ano ? ibig sabihin niya niloko niya ako.

    (Kunin mo toh ! bigay ko sayo ito.)

May inilagay siya sa kamay ko mga plastic balloon, di ko magawa mag salita ngayon nakatingin lang ako sa kaniya.

    (Yang mga plastic balloon, palobohin mo sila yung iba diyan madali pumutok, at ang iba kahit malaking-malaki na di pa rin pumuputok. Sana gayahin mo ang mga lobo na kahit malaki na di pa rin naputok, ibig sabihin kahit ano mangyari pinipilit nila wag pumutok kahit bibigay na sila. Parang pagsubok kahit alam mong di mo na kaya pilitin mo wag sumuko gaya ng isang malaking plastic balloon.)

Ano ba talagang mga sinasabi niya, pinagtritripan ba niya ko.

    (Kung iniisip mo na niloko kita, hindi yun totoo. Misyon ko lang ang ginawa ko, pasensiya na kung pinaniwala kita na bulag ako. Ingatan mo ang sarili mo, darating ang araw makikilala mo ang babaeng nakatadhana sayo, na mas higit sa akin. Masaya akong nakilala at nakasama ang gaya mo, ito na ang huling pagkikita natin. Palam sayo Jelo Dizon...)

Naiwan akong parang tangang nakatulala at di ko alam ang irereak....

>>KERUBINA POV 

    Unti-unti na ako nanghihina, nararamdaman ko na malapit na ako mawala sa mundong ito.

Pinilit ko pa rin na makauwe sa bahay ni Irene kahit na sobrang nanghihina na ako, kinuha ko yung diary notes ko at inilagay sa table ni Irene.

Alam kong magagamit niya iyun sa kwentong isinusulat niya, na may misyon din ang isang anghel.

Tulog na tulog siya, pinagmamasdan ko siya. Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang mukha niya, pero di ko na nararamdaman na nahahawakan ko siya.

Tumatagos na ang mga kamay ko sa kaniyang katawang lupa...

Ito na ang huli na masisilayan ko ang mukha ng aking mahal na kaibigan, ngayon masasabi kong ang aking misyon ay tapos na....

She Changed My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon