CHAPTER 20 " KERUBINA "

61 7 0
                                    

>>IRENE POV

    Nagising akong umiiyak di ko alam kung bakit ? , siguro namimiss ko lang ng sobra ang aking bestfriend.

Napanaginipan ko siya, nabuhay daw siya at nakasama ko siya. Sinabi pa daw niya na may misyon siya na gagawin.

Sana nga totoo yun ! Pero mukhang panaginip lang ang lahat, biglang tumunog ang cellphone ko.

Birthday ni Angelica ngayon, nakaset kasi sa cellphone ko ang araw ng kaarawan niya.

Ngayon din ang araw ng kamatayan niya, 3 years na rin siyang patay.

Kailangan ko magsimba ngayon, bago ko siya dalawin sa puntod niya.

Napansin kong may hawak ako, ano toh ?

Isang maliit na pigurin na babaeng Anghel na gawa sa kahoy na may hawak na kabiyak na puso at may nakaukit ditong word na "Keru"...

Ano toh ? Saan toh nanggaling ? Bakit ako may ganito ?

Pagtingin ko sa table ko may napansin akong notebook na ang cover design ay anghel, wala naman akong gantong notebook !

Binuklat ko at nakita ko ang title "Diary of my 31 day's mission"

Wow tamang tama kailangan ko ito...

Bago ako magsimba dumaan muna ako sa doctor ko para mag pa check up, di ako makapaniwala pati ang doctor ko sa naging resulta.

nawala na ang sakit ko, basta ang sabi ng doctor ko miracle daw yun !

Ang alam ko napaka lubha na ng sakit ko kulang na lang taningan na ako, pero sa isang banda. Nawala na parang bula...

Sa lahat ng blessings na natanggap ko ito ang pinaka magandang natanggap ko...

>>JELO POV

    [kriiiiing kriiiiiiiiiiing kriiiiiiiiiing]

Nagising ako sa ingay ng alarm clock, minulat ko mata ko at natulala ako sa kisame.

May napanaginipan akong babae na isang bulag wala siyang ginawa kundi ligaligin ako ng mga salitang binibitawan niya.

May 31 days siyang hinihingi sakin, para daw magawa niya ang kaniyang misyon na baguhin ang buhay ko...

Tss ! kalokohan !

Anung klaseng panaginip yun ang weird.

Minabuti ko ng tumayo mula sa pagkakahiga ng may nalaglag na isang bagay na maliit at ngayon ko lang nakita.

Dinampot ko agad isang pigurin na babaeng Anghel na gawa sa kahoy na may hawak na kabiyak na puso at may nakaukit ditong word na "Bina"...

Ano toh ? Saan toh nanggaling ? Bakit ako may ganito ?

Pero nakakatuwa ang ganda, Sunday pala ngayon magsisimba ako.

Nung nagbibihis na ako, parang feeling ko ang weird ng nangyayari sakin ngayon.

Pakiramdam ko maraming nagbago sa buhay ko na di ko maipaliwanag...

Papasok na ako sa gate ng simbahan ng may makabungguan akong babae, sa lakas ng pagkakabunggo namin parehas kaming natumba.

Agad ko hinanap sa kamay ko ang hawak kong pigurin, pero wala.

Luminga linga ako sa paligid at agad kong nakita ang pigurin pero bakit naging dalawa ito.

Dinampot ko ang isa at dinampot nun babae ang isa. 

Pagtingin ko sa pigurin na nadampot ko naging "Keru" ang nakaukit na word dito, sa halip na "Bina" ang dapat.

    (Parehas tayo ng pigurin kaso akin ata yang nadampot mo.)

Pinagmasdan ko ang dalawang hawak namin na pigurin na gawa sa kahoy, at pinagdikit namin.

Nabuo ang magkabiyak na puso mula sa mga pigurin, Pati yung nakaukit na word "KERUBINA"...

Biglang may nag flashback sa isip ko.

    (Ang pangalan ko ay Kerubina Cristo, may misyon ako sayo. Jelo 31 days lang ang hinihingi ko, tulungan mo ako para magawa ang misyon ko. Misyon ko baguhin ang buhay mo...)

Sino siya di ko maaninag ang mukha niya, ang alam ko lang isa siyang babae na parang anghel...

Ilang araw rin ako binabagabag ng isip ko, ang tanging alam ko lang nagising ako ng isang araw na marami na ang nagbago.

Na dati isa akong taong barumbado, walang pakealam sa kahit sino.

Isang Jelo na napakasama, pero ngayon lahat ng dati kong pag uugali napalitan na nang isang Jelo Dizon na mapang unawa, matulungin, mabuti, nagkaroon ng pakealam para sa iba at natutong makaramdam...

Ang dating ugaling Demonyo napalitan ng ugaling gaya sa anghel.

Basta ang alam ko lang may isang babae ang biglang dumating sa buhay ko at tinuruan niya ako maging tunay na tao...

Dahil sa kaniya... She Changed My Life !!!

    Lahat nang pangyayari sa ating buhay maganda man o hindi lahat ng yun ay ating kapalaran . . . . . . .

=====THE END=====

Thanks for your time to read my simple story, I really appreciate it !

I hope you enjoy ! till nextime....

Thank you so much again....  

Kamsahamnida ! ^_^  Annyonghi !!

        

She Changed My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon