KABANATA 1

68 7 1
                                    

SHEE'IROSH

"Hindi maaari ama! Hinding hindi ko papatulan ang lalaking iyan! Siya ay hindi ko gusto at..." puno ng disgusto kong tinignan ang lalaking nasa aking harapan.

"Napaka pangit! Ayoko, ayoko, ayoko!"
At tumalikod ako sa kanila.

Kita ko ang talim ng tingin ni ama sa akin.
Siyempre, sino ang masasayahan sa mga sinabi ko. Ngunit iyon ang totoo! Hindi ko maatim ang kahit tignan man lang ang napakapangit na nilalang sa aking harapan. Wala akong paki-alam kung anak man siya ng matalik na kaibigan ni ama.

At hindi lang iyon! Napaka lapastangan nito para hawakan ang aking magandang buhok at kamay! Kaya hindi ako nag sisising sinampal  siya.

"Shee'irosh Val Zhavana!"

"Ilang beses mo na iyang ginawa sa anak ng matalik kong kaibigan! Ako'y hindi na natutuwa!" Sigaw niya sa harap ko. Sanay na ako sa mga ganitong pangyayari, siya lang naman ang hindi. Umirap ako sa kawalan.

"Hindi ko alam kung saan ka nagmana kung saan mo nakuha ang ugali mong ubod ng pagkasama-sama---"

"dahil ang ina mo nama'y mabait at kagalang-galang. Mahinhin at hindi bastos na katulad mo...". Pang gagaya ko sa kanyang pananalita. Saulado ko na kasi ang kaniyang panenermon sa akin. Sa lahat ng aking ginagawa, andyan si ama para sermonan ako.

Sa madaling salita, kahiligan ko ng manakit, magbitaw ng mga masasakit na salita, manghusga at marami pang iba. Napaka galing ko hindi ba?

"Napaka bastos! Iresponsable! Ikaw ba talaga ay isang prinsesa! Buti pa ang iyong kapatid!"

Tumalikod na ako at nag simulang maglakad paalis. Ayoko ng pakinggan ang mga sinasabi niya. Napakawalang kwenta naman ng mga sinasambit niya. Sumasakit ang aking tenga sa kakasigaw ni ama. Nakakainis!

Palapit na ako sa pintuan ng maramdaman ko ang paninigas ng aking katawan. Hah! Anong akala ni ama? Matatakot niya ako sa paggamit ng kapangyarihan niya.  Dahil sa mahika kusang humarap ang aking katawan sa direksyon ni ama.

"Ano na naman ba ama?"

Iritado kong sabi, bahagya akong natigilan dahil sa pag mamasid ni ama tila may naiisip itong plano na hindi ko maintindihan dahil wala akong pakialam.

"Alam mo ama.." panimula ko.

"Halos saulado ko na ang mga panenermon mo sa akin at alam ko na rin ang mga parusa na ibinibigay mo. Na alam ko naman at mas alam mong nalalampasan ko."

"Hindi naman sa pag mamayabang, e' napakadali ng mga parusang binibigay mo. "

"Wala na bang mas ihihirap iyon?" sarkastiko ay may bahid ng pang aasar kong sabi.

Nakangisi akong nakatingin kay ama. Nawala lang iyon ng siya naman ang ngumiti na animoy nag tagumpay siya. Tumayo ito at pumalakpak.

"Hah! Nagpapasalamat ako anak!"

Kumunot ang noo ko at umirap muli.

Himala at nagpasalamat siya ng walang dahilan. Siguradong napagtanto ni ama na hindi niya na dapat ako pahirapan. Sa araw araw na ginawa ko, kulang na lang ay ipatapon niya ako sa ibang lugar bilang parusa. Napangiti na rin ako.

"Salamat dahil nagkaroon ako ng ideya kung ano ang dapat gawin sa iyo, anak ko.."

Nawala ang ngiti ko, at nakaramdam ako ng kaunting takot. Kaunti lang naman dahil hindi naman ako matatakutin! Ako ay matapang na prinsesa!

Pero..

Parang may mali, parang gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko sa aking ama kanina.

"Saaiga!"

The CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon