"Kamusta siya Vesta?"
Tinignan niya ako ng may iritasyon.
"Alam mo kung hindi lang kita kaibigan, hinayaan ko na lang ang babaeng iyon! Ano bang nagustuhan mo sa kaniya at desidido kang malaman kung ano ng kalagayan niya?!"
Tinignan ko lang siya at hindi sinagot.
"Kamusta na nga ang kalagayan niya Vesta?" pag uulit ko.
Napabuntong hininga ito bago sumagot.
"Sabi ni Aldid, siya ay maayos naman sa mundong iyon.."
Mabuti naman...
"Sige, maraming salamat."
"Nakakainis ka, pinapunta mo lang ako dito dahil lamang sa babaeng iyon? " irita niyang tanong. "Bakit kasi hindi na lang ikaw ang mismong umalam tungkol sa kaniya kay Aldid?"
Tahimik lang akong tumingin sa kawalan, patuloy parin ang salita nito habang naglalakad palabas ng silid.
"Mayroon ka namang paa at mayroon ka namang kapangyarihan, nag papaalon ka na naman kasi sa iyong katamaran.."
Napailing na lang ako sa ingay ni Vesta.
------
ARION
Arghh.. Ang sakit pa rin ng pisngi ko! Grabe, hindi ko alam kung babae ba talaga siya o hindi, ang lakas manampal!
Parang hindi na nga sampal yon, parang sapak na, tsk!
Nandito pa rin kami ngayon sa bahay ko kasama ang babaeng ito, si Amazonang Macho. Oo! Amazonang Macho na pangalan niya, hindi na prinsesa dahil sa lakas niyang manampal.
"Oy.." tawag ko sa kaniya. Itong babaeng macho na 'to, kahit kailan talaga ang hirap nitong tawagin.
Nakaupo parin ito, at panay ang pagpag sa pagka ganda-ganda nitong damit. Medyo revealing lang ng unti.
"Hoy babae!" tinawag ko siya ulit pero ni-tingin man lang wala akong nakitang respond sa kaniya. Bwiset, nakakainis na talaga 'to!
Maya-maya' y bigla akong nakaisip ng idea.
Ayaw mo 'kong pansinin ah, teka lang.
"Hoy.."
Buhok naman nito ang pinapagpag ngayon. Anak ng! Pero weird, kulay white ang buhok niya. Ash Gray actually.
Nakapag pakulay ng buhok pero pambayad sa karinderya wala! Ibang klase!
"Panget.." saglit siyang napatigil sa pag aayos ng buhok niya at lumingon sa akin.
"Hindi ka bulag para tawagin mo akong pangit.." Napakunot noo naman ako non.
Pilosopo, kainis!
Hindi talaga siya nauubusan ng panlalait!
"Hindi mo talaga ako papansinin ah?" inis kong tanong sa kaniya pero snob pa rin siya!
Tinitingnan ko siya habang nag-iisip ng kung anu-ano pwedeng gawin para pansinin niya ako.
"Amazonang Macho!" tawag ko sa kaniya na kaniyang ikinalingon.
Hanep, gumana ah..
"Ano ang Amazonang Macho?"
Sakto hindi niya alam 'yon, makakaganti na ako sa kaniya.Hah!
"Yun ba?" tumango naman siya dahilan ng aking pag ngiti. "Tutal, ayaw mo naman magpakilala, bibigyan na lang kita ng bagong pangalan, yung babagay sa'yo.. " Tinaas baba ko pa yung kilay ko.
BINABASA MO ANG
The Curse
FantasyShee'irosh Val Zhavana. Kulang ang salitang dyosa sa angkin niyang kagandahan. Matangos na ilong, mapupulang labi at matang kaakit akit. Ngunit ang lahat ng ganda nito ay nawawala sa oras na ibuka ang bibig. Mapanglait, Mapangmataas, Matapobre, at g...