KABANATA 5

42 4 5
                                    

Sa Kaharian ng Zhavana

ZOILOS

Pinagmamasdan ko ang madilim ngunit maningning na langit mula rito sa tuktok ng kaharian. Napakaganda ng mga bituin, at ang bilog na buwan na maliwanag.

"Naalala ko tuloy ang aking kapatid. Lagi siyang pumupunta rito para mag masid sa mga bituin, kahiligan niya kase iyon lalo na kapag kakatapos lang siyang sermunan ng aming ama.." bulong ko sa mga bituin na nag sisilbi kong kaibigan sa ngayon.

Napangiti't natawa na lamang ako sa aking sinabi tungkol kay Shee'irosh.

Kahit anong gawin kong pag babalik tanaw sa mga nangyari kay Shee'irosh noon, hindi pa rin mawala sa aking isip ang nangyari sa kaniya.

Kamusta na kaya siya? Mabuti naman ba ang kaniyang kalagayan sa mundo ng mga mortal ?

Hindi ko pa rin alam kung bakit kailangang gawin ni Ama iyon sa kaniya. Hindi man lang ba dumaan sa kaniyang isip na anak niya pa rin si Shee'irosh? Hindi ako makapaniwala na magagawa niya iyon!

Ayoko mang isipin pero dahil sa ginawa ng aking ama, naiisip ko tuloy na hindi niya mahal ang aking kapatid.

Kahit  ganoon ang aking kapatid, alam kong may kabutihan pa ito sa kaniyang puso. Mahal na mahal ko iyon kahit hindi niya ako tinatawag na kaniyang kuya.

"Sana'y ikaw ay nasa mabuting kalagayan, mahal kong kapatid.."
Kasabay ng lungkot ko ay ang hampas ng hangin sa aking mukha.

"Mahal na mahal kita, mag-iingat ka.."

--

Mula sa malayo, tanaw ko ang binatang bakas ang kalungkutan sa mukha. Ang kanyang gintong buhok ay napakagandang tignan sa tuwing dadapuan ng hangin.

Pati ako ay nakakaramdam ng lungkot. Isa iyon sa aking kapangyarihan, ang maramdaman ang damdamin ng isang nilalang.

Huminga ako ng malalim at bahagyang itinaas ang kamay at ikinumpas iyon sa hangin.

Unti unting napalibutan ng umiilaw na paru paro ang lumilipad sa langit. Ang simoy ng hangin ay naging payapa. Mula sa aking kinatatayuan, nakita ko ang munting ngiti sa kanyang labi. Napangiti narin ako.

"Handa akong pasayahin ka sa oras ng pighati mo. Ganyan kita ka-mahal. Zoilos...."

------

Planetang Earth

ARION

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Pinatay ko iyon at kinusot ang mata.

Grabe 6:30 palang pala, ang aga pa masyado!

Bumangon na lang ako sa pagkakahiga para maligo.

Paglabas ko, nakita ko si Amacho, tulog pa rin pero halatang hindi komportable sa pwesto niya.

Halatang hindi sanay matulog sa sofa, baka anak mayaman nga 'to!

Natatawa ako sa itsura niya, ang tangkad niya kase eh. Halatang pinilit ipagkasya ang sarili sa sofa, tama lang yan sa mga katulad niyang masama ugali.

"Hindi man lang nag kumot, buti na lang mahaba ang gown niya, tsk!" kaso kita ng kaunti yung ano... alam niyo na, yung tinapay niya.

Wala akong nagawa kung hindi ang pumasok ulit sa kuwarto upang kumuha ng extra kumot sa babaeng mahadera.

"Sa susunod kase mag kumot ka ah.." habang kinukumutan ko siya at tinakpan din ang dapat takpan.

Napatingin ako bigla sa kaniyang mukha ng hindi sinasadya.

Ano kaya lahi nito? Ang puti naman kase masyado.

Ang tangos ng ilong, ang ganda ng lips tapos ang kinis pa ng mukha, masama nga lang ang ugali.

Langya makapunta nga sa bansa nila para makahanap ng mga chiks doon!

Tumayo na ako at umalis sa tapat niya baka kase magising pa, masapak na naman ako.

Pagkatapos kong maligo, nagluto na ako ng breakfast naming dalawa ng maarteng 'yon na hanggang ngayon tulog pa rin.

"Saan ba' to galing, Hindi man lang nasaktan nung nabundol ito ng driver ng ate ko. Bato bato ata katawan nito."  napakamot ako ng ulo. Weird.

Tapos naka paa pa, ang gandang babae sana kaso dugyot, maglakad ba namang naka paa. Ang dumi tuloy.

Pinatay ko ang kalan at bumalik sa sofa para gisingin siya. Nagugutom na ako. Mabait naman ako kahit papaano, hindi nga lang kagabi, kasalanan naman niya eh.

Niyugyog ko siya para magising na kaso nakarami na yata ako ng yugyog sa kaniya hindi pa rin magising.

"Ibang klase naman pala ito!" sabay gulo ng aking buhok.

'Grabe! Mahirap na ngang tawagin, mahirap pang gisingin! Malas mapapangasawa nito, tsk!'

"Hoy, gising na.." yugyog kong muli kaso wala, matibay eh.

Dahil sa inis ko, hinayaan ko muna siyang matulog ng mga 20 minutes. 7:10 pa lang naman eh so maaga pa. Kaya napag pasiyahan kong mag bihis muna para mamaya, diretso alis na at pasok sa trabaho.

Oo nag ta-trabaho ako sa isang kompanya kung saan ang Ate ko ang Boss at ako ang Secretary niya.

Hindi kami mayaman, sipag at tiyaga lang talaga ang meron si ate kaya naka-ahon kami sa hirap, kaya ang swerte namin dahil naging successful ang kompanya na ginawa ni ate.

Dumagdag din sa swerte niya, ang asawa niya. Dahil isa ito sa mga tumulong kay ate para lumago ang kompanya nito.

Pagkatapos asikasuhin ang sarili, bumalik ako sa sofa at niyugyug ulit si Amacho.

"Hoy, gising na!" sigaw ko rito pero wala pa ring epekto!

"Langya, tao ka pa ba?!" sigaw kong muli dahil naiinis na ako sa babaeng 'to kanina pa, kagabi pa pala.

Nag-isip tuloy ako kung paano ko siya mapagising.

Bigla akong napangiti ng nakakaloko dahil sa naisip ko.

Ayaw mong gumising ah, teka lang.

Pumunta ako sa kusina para kunin ang takip ng kaldero at kutsara para sa babaeng iyon!

Pagbalik ko, agad kong ipinatunog ito ngunit nabigo ako dahil hindi pa rin siya magising!

Nako kung pwede ko lang siyang sipain, eh ginawa ko na kaso baka dobleng sakit ang maranasan ko kapag ginawa ko yon!

Tiningnan ko na lang siya, nag babaka-sakaling makaisip ng iba pang paraan.

Hindi ako takot ah, babae kase siya kaya hindi ko gagawin 'yon sa kaniya.

Maya maya ay parang may lightbulb na lumabas sa ulo ko. Aha! Tignan natin kung di ka magising.

Bumalik ulit ako sa kusina para kunin ang dapat kunin.

Napalunok muna ako, at syempre nag dasal ng kaunti, hehehe.

Itinaas ko ang baso at hinayaang mabuhusan siya ng malamig na tubig sa mukha.

"Aaaaaahhhhhhh!!"

End of KABANATA 5

The CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon