KABANATA 8

41 2 1
                                    

SHEE'IROSH

"Bakit wala kang suot na bra!" sigaw nito sakin. Napansin ko ding pulang pula ang mukha nito hanggang leeg. Bra??

Tumayo agad ako at pinukulan ko agad siya ng masamang tingin.

"Walang hiya ka! Bakit mo ako hinila pababa?!" galit na tanong ko na kaniyang ikinatayo din agad.

"H-huh?  Sandali!" utal utal niyang sabi sabay talikod sa akin at pasok sa kaniyang silid.

Ano ang nangyari roon sa lalaking iyon? Bakit niya ako tinalikuran?! Hangal talaga!

Umupo na lamang ako sa upuang mahaba at nag muni-muni. Naalala ko agad ang mga alaga kong hayop doon sa aming kaharian.

Kamusta na kaya kayo? May nag aalaga ba sa inyo? Sana ay nasa mabuti kayo.

Maya maya pa ay lumabas na muli si Arion.

"Wala siya? Nasaan daw?"

Napatitig ako sa hawak nito. Ang bagay na iyon ay may ilaw!

Ang galing!

Nagsasalita rin ang bagay na iyon? Paano?

"2 weeks pa bago siya umuwi?!" habang naglalakad sa aking harap ng pabalik-balik.

"A-ah.. Sige sige, bye.." sabay lapag ng bagay na iyon sa maliit na babasaging lamesa.

"Amacho.." Sumimangot ako dahil hindi ko parin gusto ang tunog ng pangalang iyan.

"Bakit?"

"Tumayo ka riyan.."

"Sinong may sabi na pwede mo akong utusan?" sabay irap ko sa kaniya na kaniya namang ikinainis. "Pwede ba?! Tumayo ka na lang diyan?" mukhang seryoso siya kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumayo.

"Halika."

"Baka masapak mo na naman ako kapag hinawakan kita sa kamay eh.." na akin namang inirapan.

Tama lang!

Hila hila niya ang damit ko, habang papunta kami sa isa pang silid? Bakit?

"Kanino itong silid?" Natawa muna siya bago sagutin ang aking tanong.

"Gusto mong masaktan muli?" tanong ko na kaniyang ikina-iling agad.

"Napaka lalim naman kase ng iyong mga salita binibini.. " Sa inis ko bago pa siya makatawa, hinampas ko siya sa ulo. Buti nga!

"Sagutin mo na lang ang aking tanong!"

"Sa ate ko! "

"Ate?"

"Ate! Panganay, nakakatandang kapatid"

Tumango tango ako.

May isa pa palang silid dito bakit pinatulog niya ako sa mahabang upuan na iyon! Hangal talaga siya!

Binuksan niya ang pintuan at namangha ako sa mga nasilayan.

Ang galing! Paano nangyari iyon?

Sa pagpasok namin sa loob ng silid ng kaniyang nakakatandang kapatid, maaliwalas ang silid na ito. Halatang babae ang nag mamay-ari ng silid. Ito kasing lalaking kasama ko ay napaka gulo ng silid at ang pangit pa! Sabagay pangit naman siya.

Napansin kong may hinahanap siya sa malaking aparador kaya aking sinundan ito at tiningnan ang kaniyang ginagawa.

"Ano ang iyong hinahanap?" Nagulat ito sa bigla kong pag sulpot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon