SHEE'IROSH
Madilim at kakaunti na lang ang mortal na nakikita ko ngayon kumpara kanina. Mabuti iyon, nabawasan ang pangit sa aking paningin.
"Huy.."
Napairap ako ng marinig muli ang pangit na boses ng estranghero ito.
Hindi niya pa rin ako nilulubayan kaya bahala siya riyan. Ang prinsesa, hindi kailangan ng isang kaibigan o ng kasama. Maliban na lang kung gusto niyang maging taga-silbi ko dito sa mundo nila, ako ay matutuwa pa sa kaniya.
"Uy, prinsesa.." tawag niya muli sa akin.
"Uy ganito na lang, ako nga pala si Arion!" sabay tigil at lahad ng kaniyang kamay sa akin.
Kunot noo kong tinignan ang kamay nito, nag iisip kung tatanggapin ba iyon at hahayaang dumikit ang madumi nitong kamay sa akin. Pero mas pinili kong tignan na lang iyon.
Dahan dahan niyang binaba ang kamay.
Ang isang katulad ko ay hindi kailangan ng kahit sino! Sa aming kaharian nga ako'y walang matalik na kaibigan, dito pa kaya.
"Alam mo ba, dapat kanina pa kita iniwan dito kaso hindi ko alam.. " sabay kamot sa kaniyang ulo habang kami ay naglalakad.
"Alam mo yun? Parang may kung-" nilingon ko siya at binigyan ng masamang tingin.
"Sino bang may sabi na ako'y iyong samahan dito?" tumigil muna ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.
"Inutos ko bang samahan akong maglakad dito? Hindi, hindi ba?"
"Uy, may mag jowa oh! Nag aaway 'ata?"
"Oo nga, ang ganda ni ate gurl ah infairness!"
"Baliw, gwapo rin yung guy! Bagay sila!"
"Oo nga, so handsome!"
Tinitigan ko ng masama ang dalawang babae na napadaan sa amin.
"Uy teh, narinig yata niya tayo!"
"Tara na nga!"
Naiinis ako dahil hindi ko maintindihan ang kanilang mga sinasabi at idagdag mo pa ang itsura nilang hindi kanais-nais.
Nang makalayo na ang dalawa, binalik ko muli ang aking mga mata sa mortal na ito.
"At higit sa lahat, wala akong sinabing kailangan kita dito kaya kung maari lang ay umalis ka na sa aking harapan. Umalis ka na at hayaan mo na ako!" sabay lakad kong muli.
Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga mortal na panget dito.
Irrumabo!
Siguro naman marunong siyang makaintindi.
*****
Nagpatuloy ako sa pag lalakad habang nag iisip kung anong sunod na gagawin, kung saan ako magpapalipas ng gabi at kung saan itong aking patutunguhan dahil napapansin kong kanina pa akong naglalakad.
Nakakainis ka talaga ama!
"Ito na ata ang pinaka mahirap na iyong ipinagawa sa akin, ama!" bulong ko sa aking sarili sabay sipa ko sa mga maliliit na bato, iniisip na iyon ang aking ama.
Ngunit hindi ako susuko! Isa akong prinsesang malakas at maganda.
"Siguro dapat--AAAHH!" nagulat ako sa lalaking humawak ng aking kamay. Kung sino man ang taong ito, humanda siya sa kalapastangang ginawa niyang paghawak sa aking magandang kamay!
"Nakakainis! Dapat talaga hindi na kita sinusundan pa eh!" mahina niyang sabi ngunit akin namang narinig.
"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan, tuloy pa rin siya sa paghawak ng aking kamay habang tumatakbo kami.
BINABASA MO ANG
The Curse
FantasiShee'irosh Val Zhavana. Kulang ang salitang dyosa sa angkin niyang kagandahan. Matangos na ilong, mapupulang labi at matang kaakit akit. Ngunit ang lahat ng ganda nito ay nawawala sa oras na ibuka ang bibig. Mapanglait, Mapangmataas, Matapobre, at g...