KABANATA 7

24 1 0
                                    

ARION

Hanggang ngayon pinipilit pa rin ni Amacho isuka ang lahat ng kinain niya kanina. Hindi ko alam kung anong dahilan ng babaeng ito, nababaliw na yata.

"Hoy, Amacho! Tama na yan, mag huhugas ka pa ng mga pinggan.."

Pinipilit niya pa ring isuka ang mga kinain niya kahit wala ng mailalabas sa bibig niya. Mukhang tanga!

Babaeng 'to nakakainis!

Umayos ako ng upo at umalis na. Bahala siya diyan! Nakakapagod kaya tumayo at antayin siyang matapos. Binuksan ko ang tv at umupo sa sofa.

Mayamaya'y bigla akong napatayo dahil sa iyak na nanggagaling sa kusina kaya napatakbo ako ng mabilis.

Naabutan ko siyang nakaupo sa sahig habang nakatakip ang mukha sa palad at umiiyak!

"H-hoy! Anong nangyare?"

Lumuhod ako para magpantay kami. Hindi siya kumibo at patuloy na umiyak. Hinimas ko agad ang kanyang likod dahil iyak pa rin siya ng iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil wala pa naman kasi akong kino-comfort na babaeng kasing arte niya, mapanlait pa at walang alam sa mundo tapos nakatira pa dito sa bahay ko mismo!

"Huy, ano bang nangyari?" malumanay kong tanong ulit sa kaniya.

Inalis niya ang kamay sa mukha at tumingala sa akin. Akalain mong may iaamo pala ang mukha nito.

"Mag salita ka." Hinawakan ko ang baba niya at gamit ang isa pang kamay ay pinunasan ko ang pisngi niyang may luha. Pumungay ang mata nito at suminok sinok pa.

Cute. Joke. Cute na demonyo.

"Bakit ba?"

Tinitigan niya muna ako at nag iisip kung itutuloy pa ba ang sasabihin. Anak ng!

"Kasi..."

"Kasi... Pinatay ko s-sila... Hindi ko sinasadya..." Nag simula na naman siyang umiyak.

"T-Teka!" Pinunasan ko agad ang luha niya.

"Huwag kang umiyak, sino bang tinutukoy mo?" Habang pinatayahan siya.

"A-ang manok at ang i-isda"

Parang gusto ko tuloy manapak.

--------

Tumikhim ako at umayos ng upo. Ang maarteng si Amacho, nakaupo sa harap ko at hindi makatingin sa kanya. Pag katapos kong mag alala, kakaiyak niya! Isda at manok lang pala ang tinutukoy niya! Akala ko pa naman naka pag dala ako ng kriminal dito sa bahay.

Napakaarte niya talaga! Nangigigil akong pumadyak na parang bata. Nakakainis talaga.

" P-pinatay k-ko ang mga n-nakakaawang i-isda at manok.. "

Kumunot ang noo ko. Feeling ko vegetarian siya, kaya ayaw ng manok pero yung pati isda, kakaiba talaga siya!

"Tumahan ka na Amacho, sige next time hindi ka na kakain ng isda at manok." Niyakap ko siya na siyang ikinagulat niya. Pati ako nagulat sa ginawa ko.

"Pinatay ko sila.. pinatay ko sila.. Arion.."

Seryoso talaga siya? Tinawag niya na ang pangalan ko, sa unang pag kakataon.

Ilang minuto rin akong napatigil dahil sa pag tawag niya sa akin. Para bang hindi si Amacho ang tumawag sa akin kasi ang bait at ang hinhin ng boses.

"Ayos lang yan, hindi mo naman sinasadya na kainin sila eh.." dapat natatawa ako ngayon dahil sa dahilan ng pag iyak niya.

Dapat binubwisit ko siya ngayon at hindi kino-comfort!

Pero.. hindi ko magawa dahil nararamdaman kong hindi ito ang oras para tawanan ko, awayin at asarin siya.

"Tumahan ka na, Amacho." habang nakayakap pa rin sa kaniya.

Nagulat ako ng tinulak niya ko ng malakas. What the!

"Dapat hindi mo na iyon ginawa, hindi ko kailangan ang iyong tulong.." walang emosyon niyang sabi habang nakatingin sa kawalan habang pinupunasan ang kaniyang mukhang basang basa ng luha niya.

Wow! Ako na tumulong, ako pa napasama. Iba na talaga ang pag ka moody niya!

Umayos siya ng pagkakatayo at walang paalam na umalis sa harap ko. Aba! Napakasama talaga ng ugali. Nalukot ang mukha ko at sinundan siya.

"Hoy amacho! Pasalamat ka at tinulangan kita i comfort!"

"Bakit? Kailan ko sinabing kailangan ko ang iyong tulong? May narinig ka ba? Alam mong ayokong tinutulungan ako.. " Nag init ang ulo ko sa sinabi niya, tinulungan na siya pa galit!

"Alam mo ikaw, walang kwenta yang iniyakan mo kanina! Buti nga at pinatay mo sila kasi masama ka, masama ka, masama  ka! " tatalikod na sana ako pagkatapos nun ng bigla niyang hinablot ang buhok ko at sinabunutan ako ng malakas.

"Hangal ka!"

"A-aray! O-oyy, Masakeeeet!" Parang hihiwalay na ang buhok ko sa ulo ko. Ang sakit!

"A-ama... a-amacho!" Nakikipaghilaan ako ng buhok ko, grabe na talaga siya!

"Irrumator!" (bastard) sabay bitaw sa akin.

"H-hoy, anong m-mator mator?! Tigil-tigilan mo ko sa  alien language mo!" galit kong sigaw sa kaniya.

"Ang sakit non, grabe! Ikaw, sumosobra ka--araay!" Sinabunutan niya ulit ako. Hinuli ko ang dalawa niyang kamay para pigilan.

"Hangal! Bawiin mo ang sinabi mo  kani--"

"Tama na!"

"H-hoy, sabing tama na!" ayokong labanan siya dahil babae siya at nirerespeto ko pa rin siya.

Natumba kami sa kakaagawan ng buhok. Napunta siya sa ibabaw ko na ikinagulat niya pero mas ibang gulat ang naramdaman ko. Tinalo ko pa ang nag kasala sa kilabot na naramdaman ko. What the hell!

"Wala kang suot na b-bra!"

END OF KABANATA 7

The CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon