PROLOGUE

96 6 1
                                    

Nagising ako ng marinig ang mga tinig na nag sisigawan sa aking paligid. Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago sinubukang imulat ang mata.

Ngunit napabalikwas ako ng marinig ang sigaw ng isang estranghero sa aking tabi. Lalaking estranghero?
Napatitig ako sa rito at tinitigan din ako nito pabalik. Siguro sa kanya galing ang napaka- pangit at nakakarinding boses na nangingibabaw sa aking pandinig.

"Miss, okay ka lang ba?" Bakas ang pag aalala sa tinig nito.

Siya na ata ang lalaking pinaka pangit na nasilayan ko, ngunit paano iyon nangyari kung gayong walang pangit sa aming uri. Lahat kami ay isinilang na may taglay na kagandahan at kakisigan!

Bumangon ako at pinagmasdan ang paligid. Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong...

Hindi ito ang mundo ko!

The CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon