PANIMULA | PAGPAPAKILALA

89 5 0
                                    

Kung may mundo ang mga mortal na tinatawag na Earth. May mundo rin ang mga hindi ordinaryong nilalalang, mga ipinanganak na malalakas at may kapangyarihan sa mundong kanilang ginagalawan.

Sila ay tinatawag na mga Immortalibus na ang ibigsabihin ay buhay na walang hanggan. Ang kanilang mundo ay mas kilalang Mundum Aeternum.

Gaya ng sa mga mortal, ang mundong ito ay pinamumunuan rin ng mga hari at reyna mula sa iba't ibang kaharian.

KAHARIANG ZHAVANA. Ang pinakamayamang kaharian sa Aeternum. Masaya at mapayapang kaharian na pinamumunuan ni Aloysius Zhavana o mas kilalang Haring Togodumnus. Ito ang pinakamalakas at wala pang kahit sinong nakakatalo rito pagdating sa pakikipag laban. Ika nga nila ito ang Diyos ng mga Diyos.

Reyna Althia Zhavana. Ang kabiyak ng hari na may kakayahang lumipad at lakas na maihahalintulad sa kanyang asawa.

Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Si Zoilos Xantheus Zhavana na isang matipuno at may kaakit-akit na kagwapuhan. Isang makisig na lalaki na pinapangarap ng mga prinsesa sa kanilang mundo. Ang matingkad at kulay ginto nitong buhok na talaga namang nakakaagaw pansin. Ang kanyang kapangyarihan ay higit na mas malakas kaysa sa hari't reyna. Ito ay ang apoy.

Shee'irosh Val Zhavana. Ang prinsesang anak na may angking kagandahan na walang makakapantay. Ngunit salungat ng itsura nito ang ugaling taglay. Napaka talas ng dila at mapanglait ang magandang prinsesa. Mapagmataas at walang ibang iniisip kundi ang sarili.

Ang pamilyang ito ang pinakamalakas sa buong kaharian.

END.

The CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon