ARION
Ang sakit grabe, arghh!
Paano ako makakapasok nito ngayon?!-----
Binuhusan ko agad siya ng tubig na galing sa Refrigerator."Aaaahhhh!" Kasabay ng sigaw niya, ayun! Sapul ako ng sipa sa mukha!
-----
Kung yung isang pisngi ko eh sinampal niya, yung kabila naman, sinipa niya. Oh diba pantay na, galing!
Tiningnan ko siya ng masama habang may hawak akong Ice bag sa pisngi kong tinamaan. Hindi ko siya pinag timpla ng kape dahil wala siyang karapatang maranasan ang pag silbihan siya ng maayos.
Hindi siya bisita, bwisita siya!
-----
SHEE'IROSH
Siguro, nag sisisi na ito sa kaniyang ginawa kanina lang.
Sinadya ko talaga iyon, ikaw ba namang buhusan ng malamig na tubig sinong hindi magugulat doon at magagalit, hindi ba?
Nakatingin siya ng masama sa akin na tila ba pinag dadasal niya na sana mawala na ako dito sa mundo.
Hah! Mag papasalamat talaga ako sa kaniya kapag iyon ang kaniyang ginawa dahil ako, gustong gusto ko ng umalis sa mundong ito na puno ng hindi kanais-nais na uri na katulad ng kaharap ko!
"Alam mo kase, dapat hindi mo na ginawa iyon. Ayan tuloy ang natamo mo.." sabay iling ko na kaniya namang ikinabusangot.
"Ginawa ko 'yon para magising ka kase ang hirap mong gisingin, alam mo ba yon?" sabay tayo niya at pasok sa kaniyang silid.
Pagbalik niya, may hawak siyang kasuotan.
"Oh, maligo ka na muna doon.." sabay hagis niya sa aking mukha.
Tinitigan ko siya ng masama dahil walang gumagawa sa akin ng ganoon!
"Maligo?"
"Oo, ayaw mo?"
Tiningnan ko muna siya habang nag iisip kung sasaktan ko siya ngayong muli tulad ng kanina.
"Nasaan ang paliguan ko? Hinanda mo ba?" takang tanong ko sa kaniya sabay masid sa buong paligid.
"Samahan mo ako kung saan ang aking paliguan.. "
"A-ano?" lapit niya sa akin.
"Ako pa mag hahanda ng panligo mo tapos sasamahan ka? Nag iisip ka ba?! Lalake ako!"
Napa-isip ako bigla. Eh ano naman kung lalaki siya? Ipaghahanda lang naman niya ako ng aking liliguan at sasamahan lang naman ako.
"Diyos ko po, Lord bigyan niyo po ng katinuan itong babaeng kasama ko. Ilayo niyo po ako sa tukso!" habang nakapikit at tila ba parang may ritwal itong ginagawa.
Ano bang iniisip nito? Baka naman.. akala niya sasamahan niya ako sa aking pagligo mismo?!
"Hoy, nagkakamali ka sa iyong iniisip! " sigaw ko sa kaniya na kaniya namang ikinalingon.
"Ang sabi ko, samahan mo lang ako sa kung saan ang paliguan ko! Hindi ang samahan ako mismo sa aking pag ligo, bastos!"
Bigla siyang nahiya dahil sa naisip niya.
"G-ganon ba, s-sige.." sabay ngiti niya at napa kamot sa kaniyang ulo habang namumula ang mukha.
"Napaka-rumi mong mag isip!" sabay tayo ko.
"H-hoy, hindi lang kita naintindihan! May paliguan, paliguan ka pa kaseng sinasabi, arte mo!"
Inirapan ko naman siya, alam ko namang naintindihan niya iyon. Kung sabagay sa ganda kong ito, marami talagang lalaki ang nais na samahan ako sa ganitong sitwasiyon, ang samahan ako sa pag ligo.
BINABASA MO ANG
The Curse
FantasyShee'irosh Val Zhavana. Kulang ang salitang dyosa sa angkin niyang kagandahan. Matangos na ilong, mapupulang labi at matang kaakit akit. Ngunit ang lahat ng ganda nito ay nawawala sa oras na ibuka ang bibig. Mapanglait, Mapangmataas, Matapobre, at g...