SHEE'IROSH
Nagising ako ng marinig ang mga tinig na nag sisigawan sa aking paligid. Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago sinubukang imulat ang mata.
Ngunit napabalikwas ako ng marinig ang sigaw ng isang estranghero sa aking tabi. Lalaking estranghero?
Napatitig ako sa rito at tinitigan din ako nito pabalik. Siguro sa kanya galing ang napaka- pangit at nakakarinding boses na nangingibabaw sa aking pandinig."Miss, okay ka lang ba?" Bakas ang pag aalala sa tinig nito.
Siya na ata ang lalaking pinaka pangit na nasilayan ko, ngunit paano iyon nangyari kung gayong walang pangit sa aming uri. Lahat kami ay isinilang na may taglay na kagandahan at kakisigan!
Napabangon ako at tumingin agad sa buong paligid.
Sandali, hindi ito ang mundo namin!
Napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit iyon.
***
"Mula sa akin, na iyong ama. Bilang diyos ng mga diyos! Sa liwanag at dilim. Ang langit at lupa. Sa kalapastangan mo! Isinusumpa ko, na hindi ka makakabalik rito hanggat hindi ka nag babago!"
"At higit sa lahat... Hindi ka makakabalik kung hindi mo taglay ang kapangyarihang meron ka!"
***
"Argh.."
Nandito na pala ako sa mundo ng mga mortal.
Nilibot ko ulit ang aking mata sa buong paligid.
Hmmm.. Ito na ba ang mundo ng mga mortal? Tama nga ako, ang papangit nila at mukhang mga mahihina! At napakabaho ng lugar nila!
"Miss, okay ka lang ba?" tanong ulit ng lalakeng hindi ko alam kung bakit nabubuhay pa ngayon.
Pinalilibutan ako ng mga hampas lupang mortal at bakas sa mga mata ang pag hanga. Hah! Malamang ang hindi nila kinaya ang ganda kong taglay.
"Grabe ang ganda niya!"
"Buti buhay pa.."
"Ang galing! Wala man lang siyang galos sa katawan niya?"
"Nagpa retoke lang yan, grabe na yung ganda"
Retoke? Napakunot ang noo ko sa mga naririnig. Nakakarindi sila!
Tumayo ako at pinagpag ang suot , natigilan ako ng mapansing iba narin ito!
Iba na? Pati kausotan ay pinakialaman ni ama. Mabuti na lang at maganda ang damit na ito.
(Shee'Irosh Val Dress)
--------
"Miss, nabunggo ka ng kotse ng amo ko kaya kung okay lang daw sayo, punta tayo sa hospital para matingnan ka ng Doctor doon at..." napatingin ako sa lalakeng kumakausap sa akin.
BINABASA MO ANG
The Curse
Viễn tưởngShee'irosh Val Zhavana. Kulang ang salitang dyosa sa angkin niyang kagandahan. Matangos na ilong, mapupulang labi at matang kaakit akit. Ngunit ang lahat ng ganda nito ay nawawala sa oras na ibuka ang bibig. Mapanglait, Mapangmataas, Matapobre, at g...