Unhappy

18 2 0
                                    

Jeyd's POV
"Jeyd? Tara laro tayo." Umiling lang ako. Kanina niya pa ko kinukulit at kanina pa din ako iling ng iling.

"Jeyd, sa tingin mo gusto ng mama mo yang nangyayari sayo ngayon?" Inilingan ko lang ulit siya. Pinaalala niya pa si mama.

Bat ba kasi? Bat sa dami ng tao, bat yung nanay ko pa? Bakit ang unfair naman.

Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako. Kean is my bestfriend, siya yung laging andyan sa tabi ko.

"Jeyd tama na oh." Nagunahan na yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ansakit, wala na nga akong tatay ko tas nawala pa yung nanay ko.

Bakit sa dinami dami ng tao sila pa? Bakit kailangang yung magulang ko pa?

Asan na yung pangako nilang sila ang magsasabit ng medal sa graduation ko?

Asan na yung pangako nilang gagabayan nila ako hanggang sa pagtanda ko?

"Kean ang sakit kasi, pano ko nito? Wala na yung mga magulang ko. Wala ng ilaw ang buhay ko. Pano ko tutuparin sa kanila yung pangako kong dadalhin sila sa ibang bansa. Kean, Ansakit. Sana mawala na lang din ako."

"No, I'm here. I'm always here for you, Jeyd.  Nandito lang ako lagi sa tabi mo. Mahal na mahal kita jeyd." Teka? Mahal niya daw ako? Ano? Tama ba yung narinig ko?

"A-ano?"

"Jeyd, Sorry kung tinago ko sayo tong feelings ko. But, yes jeyd. I love you. I don't love you as my best friend but i love you more than that." Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Mahal niya daw ako.

"I dont know what to say."

"It's okay. Basta hayaan mo akong ligawan ka."

------------
After 8 years...

It's been years mula nung sinagot ko si Kean. And yes, wedding day na namin ngayon.

Ewan ko pero kabang kaba na ako. Siguro dahil sa sobrang excited ganun. Basta halo halo yung nararamdaman ko.

"Ma'am tara na po." Inalalayan na ako hanggang sa pagsakay sa kotse. Kinakabahan na talaga ako.

Grabe, Ganto ba talaga yung feeling? I'm so kaba kaba na.

Sa sobrang kaba ko hindi ko namalayan na nandito na pala kami.

Bigla akong sinalubong nung kaibigan ni Kean, Si James.

"Jeyd! Si Kean naaksidente! Tara!" Ano? Bakit? Namalayan ko na lang na tumatakbo na kami.

Sana po walang masamang nangyari kay kean. Please, sana wag.

"Anong nangyari?" Naguguluhan ako sa nangyayari. Eto ba yung dahilan ng kaba ko kanina pa?

"I dont know but tumawag sakin yung number ni Kean. Nagulat ako kasi ibang boses yun then naaksidente daw si kean." Ano ba to? Pati ba naman siya kukunin sa akin? Pati ba naman siya mawawala?

Yung taong dahilan Kung bakit patuloy akong lumalaban, bakit pati siya?

Hindi naman ako ganun kasamang tao pero bakit pinarurusahan ako ng ganto?

"We're here." Agad akong napatakbo palabas ng kotse. Di ko na ininda ang mataas na sapatos at ang suot kong wedding gown.

"Kean Alisson Ramis po?"

"Nasa OR pa  po ma'am." Sana maging maayos pa din naman ang lahat.

Higit isang oras akong naghintay sa tapat ng OR hanggang sa lumabas yung isang doctor.

"Family of the patient?"

"Ako po doc. Ano po? Kamusta po siya?"

"We do all our best, but I'm sorry. Hindi niya nagawang lumaban." Nag-unahan na ang mga luhang ngayon ko na lang ulit naipatak.

Hindi talaga Ako pwedeng maging masaya. Lahat na lang ng mahal ko kinukuha niya.

Bakit hindi na lang ako? Bakit naman ganun? Ang daya daya naman.

Walang permanente sa mundo, lahat nawawala, lahat umaalis, lahat nang-iiwan.

                      THE END

HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon