Mica's POV
Bakit ansakit magmahal? Bakit kailangan pang masaktan? Nagmahal ka lang naman diba? Pero bakit parang sobrang sakit naman nito."Matt, please di ko kaya." Nagmakaawa ako sa kanya pero iniwan niya lang ako. Kasabay nun ang pagbuhos ng malakas na ulan. Wala akong balak umalis, dinadamayan ako ng panahon. Sa patuloy kong pag iyak, di ko namalayan na may lumapit sa akin.
"Miss?" Bigla akong napayakap sa kanya. Ansakit sakit.
"Sige miss iiyak mo lang." Lalo akong napaiyak nun. Di ko na inalintana kahit nabasa ko na siya. Gusto ko lang may mapaglabasan ng sama ng loob.
"Ansakit kasi, iniwan niya na ko. Ginawa ko naman lahat e. Iniwan niya pa din ako." Naramdaman kong niyakap niya din ako. Ewan ko pero hindi ko naman siya kilala. Ni hindi ko nga din alam yung pangalan niya pero eto ko nakayakap sa kanya, sinasabi lahat ng hinanakit ko.
"Shhh, tahan na. Silong muna tayo." Naglakad kami papuntang waiting shed. Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.
"Kwento mo na." Kaya ikinuwento ko yung nangyari sa amin ni Matthew. Bigla nya kong tinitigan.
"Maganda ka, wag mong sayangin yang luha mo para lang dun. Di mo deserve yun. Ang babae dapat minamahal, hindi yung sinasaktan ka. Yaan mo na yun, may mas deserve na ibibigay si Lord para sayo." Nginitian niya ko. Siguro nga, siguro may mas deserve ako. Siguro may plano ang Diyos para sakin.
"Ako nga pala si Angelo."
"Mica."
Dumaan pa ang mga araw, si Angelo ang siyang laging nandyan lagi sa tabi ko, siya yung lagi kong kasama, Siya yung nagpapasaya sa akin. Nakalimutan ko si Matthew dahil sa kanya.
"Mica, Alam mo may nagugustuhan