Marcus POV
Minsan na nga lang ako umibig dun pa sa taong wala akong kapaga-pagasa. Di ko sinadya na mahulog sa kanya pero mapaglaro talaga ang tadhana."Seb iniwan nya na talaga ako." Napayakap ako nun kay crystal. Hayst sinaktan na naman yung taong mahal ko. Pero eto ako wala man lang magawa kundi yakapin siya.
"Yaan mo na seb. Makakalimutan mo din yun." Ako na lang kasi sana Crystal, pangako ko sayong di ka iiyak pag sa akin ka. Hinding hindi kita sasaktan.
Ako na lang sana yung mahal mo, ako na lang sana yung dahilan ng pag ngiti at pagtawa mo. Ako na lang sana yung makakasama mo hanggang sa pagtanda.
"Seb kain ka na." Umiling-iling lang siya. Hayst, ano bang gagawin ko para kumain lang siya?
"Seb naman. Kumain ka na papayat ka lalo nyan sige ka." Imbis na kumain, umiiyak na naman siya. Ano bang magagawa mo Marcus?
"Ansakit kasi, ginawa ko naman lahat pero iniwan nya pa din ako." Niyakap ko na lang ulit siya. Yun lang kasi ang alam kong paraan para mapatahan ko siya kahit papaano.
Wala man lang akong magawa, sana kasi ako na lang yun. Para magawa kong mahalin at alagaan si Crystal ng higit pa sa isang kaibigan.
"Una na ko seb." Hinatid ko na siya hanggang sakayan. Masyado kasing malayo ang bahay namin. Kaya sa sakayan ko lang siya hinahatid.
----
"Marc! Si Crystal nasa ospital daw." Napabalikwas ako nun at dali daling nagbihis. Kinabahan ako bigla.
"Hindi na siya makakita, dahil yun sa chemical na pumasok sa mata niya." Nabulag na si crystal? Bakit? Pero bakit? Bat hindi na lang ako?
"Doc? Pwede naman pong palitan yung mata ni crystal diba?" Tumango yung doctor.
"But in that case, mahihirapan tayong maghanap ng magiging donor niya." May naisip na ko. Isasakripisyo ko na lang ang sarili ko para sa taong mahal na mahal ko.
"Ako na lang ho doc." Nakatitig sakin yung doctor nun pero timango tango din siya.
Araw na ng operasyon, mas pinili kong wag sabihin na ako yung donor. Tsaka na Lang pagtapos ng operasyon.
"Seb, lahat gagawin ko para sa ikabubuti mo. Mahal na mahal kita."
----
Crystal POV
"Doc? Pwede ko na po bang malaman kung sino yung mabait na donor ko? Gusto ko lang pong magpasalamat." Ngumiti sakin si doc tas may iniabot na sulat.Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Di ko alam pero para akong kinakabahan na ewan ko!
Seb,
Uy sorry kung di ko sinabi ah? Na ako yung donor mo kasi alam kong hindi ka papayag. Gagawin ko lahat para sayo seb. Ingatan mo ang mata ko ha? Masaya ako kasi dumating ka sa buhay ko. Seb, mahal kita I mean higit pa sa pagmamahal ng isang kaibigan. Pero nahihiya ako, di ko kayang aminin seb. Baka kasi biglang magbago yung pakikitungo mo. Sinasabi ko to ngayon kasi seb di na kita makakasama. Siguro kung nababasa mo ito nasa Vigan na ko. Seb, ingat ka palagi ha? Mahal na mahal kita.Your Seb,
Marcus :>
