Trashy

10 1 0
                                    

Caren's POV
Basura, walang kwenta, walang silbi. Kasalanan ko ba kung bakit ganito ako? Kasalanan ko bang hi ndi ko kayang lumaban.

"Ayan yung trashy!"

"Gosh wait!"

"Tapon mo dun."

Biglang may humagis saking kung ano. Napailing na lang ako. Di naman na bago. Sanay na ko sa gantong buhay.

Sa bawat taong madaraanan ko lahat sila hinuhusgahan ako, lahat sila itinuturing akong isang basura.

Bigla akong hinarang ng isang grupo ng kababaihan.

"Hey, may trash."

"So yucky."

"A walking trash?"

Tinignan ko sila. Lahat ng mata sa amin ang tingin.

"Tapos na kayo? Dadaan na ko." Paalis na sana ako ng bigla akong hablutin nung isa. Sa sobrang lakas ng paghablot nya ay napatumba ako.

Sunod nun ang pagtanggap ko ng mga sampal, sabunot, tadyak. Marami sila. Di ko sila kaya. Di ko alam pero parang namanhid na yung katawan ko nung matapos nila ang ginawa nila sa akin.

Siguro mukha na talaga akong isang basurang kaawa-awa. Pilit kong tumayo at tumakbo papunta sa garden ng school.

Doon ko iniyak lahat ng sakit. Bakit di ko kayang lumaban? Ang duwag duwag ko! Wala talaga akong kwenta.

"Wag kang umiyak." Napaangat ako ng tingin.

"You know what? Ang hirap sayo hindi mo kayang lumaban! Bakit hinayaan mo yung sarili mong saktan ng ganun ganun lang?" Bakit ba siya andito? Ni hindi ko nga siya kaibigan. Dahil wala naman talaga akong kaibigan.

"Ang hina hina ko. Mahina lang ako. Ang duwag ko. Wala akong kwenta." Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin.

"Shhh, tahan na. Hindi totoo yung sinabi mo. Kaya mo namang lumaban e, natatakot ka lang." Lalong humigpit yung yakap niya.

"From now on, ako na ang magiging knight in shining armor mo. Wag ka nang umiyak."

****
"Darius!!!! Ayoko!!!"

Nakakainis kasi! Wala naman akong balak sumali jan sa JS prom na yan!

"Andito na tayo oh? Tara bili na tayo ng damit mo."

****

"Ano? Okay lang ba?"

Para kasing ewan kailangan pang magmake-up! Di ako sanay! Parang di ko kaya.

"Ang ganda mo. Tara na!"

Pagpasok namin sa loob, sa amin agad ang mata.

"Wait lang ah? Dito ka muna upo. Wag kang aalis" Tumango na lang ako at naupo. Sana naman walang lumapit sakin para lang tapunan ako.

"Calling every student to listen." Napatingin ako sa stage. Eto na magsisimula na.

"Mr. Morales?" Nakita kong unti unting naglakad si Darius papuntang stage.

"Ampogi niya talaga!"

"Akin yan huy."

"Good evening everyone? I'm here because I need to confess my feelings to her. At ito lang ang tingin ko para magawa yun. When I first saw her, naging interesado agad ako sa kanya. Siya yung tipo ng babaeng hindi mahilig magmake-up. Akala ko nung una awa lang ang nararamdaman ko para sa kanya, unti unti ko siyang nakilala at unti unti ring nahuhulog ang loob ko sa kanya. Uhm, Caren Lyza Sarmiento can I court you until i breath my last breathe?" Teka? Nananaginip lang ba ako? Hallucination lang ba to? Imagination? Halaa di totoo to!

"Hey? I'm not kidding here. I'm serious. Wether you like it or not."

*****
Sobrang saya ko, parang lahat ng nangyayari sa buhay ko ay parang isang imahinasyon lang.

Ngayon ikinasal na ko sa taong tagapagligtas ko, sa taong mahal ko. Oo, siguro nga mahina ako pero lagi naman siyang nanjan para sa akin kaya wala akong dapat na ipangamba.

Unti unti na naming tinutupad ang aming pangarap para sa isat isa.

"You may now kiss the bride."

The End

HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon