Ivan POV
Masakit, sobra. Lalo na't kamatayan ang maghihiwalay sa inyo. Wala namang magagawa e kasi kamatayan na yung hahadlang sa pagsasama niyo."Pre! Si Gia! Wala na siya." Napatayo agad ako nun. Ano daw? Si Gia?
"Ano?"
"Tara!" Napatakbo kaming dalawa papuntang ospital. Di na namin ininda kahit malayo.
"Gia Ocampo?"
"Morgue sir." Parang bigla akong nanghina. Parang biglang gumuho yung mundo ko.
Wala sa sariling naglakad kami papuntang morgue. Pagkakita ko pa lang sa bangkay nya napaluhod na ko.
Hindi totoo to. Sana isa lang itong panaginip. Ayoko, gisingin niyo na ko.
Lumapit ako sa kanga at niyakap ang katawan nyang wala ng buhay ngayon..
"Akala ko walang bibitaw mahal? Pero bakit ganto? Bakit iniwan mo ko. Paano ko na sasanayin ang sarili ko? Alam ko namang hindi mo ginustong mangyari to e. Pero ayun talaga ang itinadhana. Di ko kayang mawala ka kasi sayo umiikot ang mundo ko." Lalo kong hingpitan yung pagyakap ko. Wala akong pakialam kahit may makakita sakin. Hindi ko kayang tatagan tong nanghihina kong loob.
Durog na durog na ang puso ko. Bakit kailangan pag mangyari ito?
"Nabangga siya ng kotse, di niya kinaya yung impact. Lumaban siya pre kaso di lang nga kinaya."
"Patawad mahal ko, hindi man lang kita nailigtas mula don. Sabi ko kasi magingat ka palagi. Di ko alam kung kaya ko pang lumaban mahal, wala na yung dahilan kung bat ako lalaban."
Dumating yung araw na pinakaayokong mangyari. Ang makita ang iyong labi ay tinatabunan. Parang ayokong tumingin mas pinili kong pumikit.
Mahal, kung nasan ka man ngayon magiingat ka ha? Mahal hindi na ako makakahanap ng yong kapalit, para sakin nagiisa ka lang wala ng ibang tulad mo. Kahit na pakiramdam ko kulang ako, pipilitin kong bumangon mula sa sakit. Mahal, mamimiss kita. Paalam na.
The End.