Sandali

7 1 1
                                    

Calix POV
Tatlong buwan, tatlong buwan na din mula nung iwan nya ko. Iniwan nya akong luhaan.

Sinabi nya sakin na ako lang ang mamahalin nya, pero bakit nung tinanong ko yung dahilan kung bakit gusto na nyang bumitaw sinabi nyang iba na ang mahal nya.

Oo masakit pero wala akong magawa kundi ang bumitaw. Bitawan lahat lahat ng pangako namin sa isa't isa. Bitawan ang pangarap ko para sa aming dalawa.

"Uy pre? Tulala ka na." Napabalik ako sa reyalidad ng tapikin ako ni Gwen.

"Ah sorry pre." Si Gwen siya yung tipo ng tao na hindi basta tipikal. Iba siya kumpara sa ex kong iniwan ako.

"Iniisip mo na naman ba yon? Kasi naman sabi ko sayo akin ka na lang e. Di ka pa masasaktan." Napailing na lang ako. Ayoko na ulit masaktan nakakapagod na at nakakasawa na din.

"Uy? Pre aalis na pala ako sa isang araw." Napatingin ako sa kanya. San to pupunta?

"San ka naman gugora ha?"

"Magpapakalayo layo na ko pre."

"Uy umayos ka nga. Di pwede dito ka lang." Di ko kayang mawala siya. Siya yung laging nasa tabi ko e. Mahal ko naman si Gwen kaso natatakot ako.

"Pre nasasaktan na ko, ansakit sakit na." Nakita kong namuo yung luha sa mata nya na agad din nyang pinunasan.

Hindi ko napigilang yakapin siya. Ayokong nakikita siyang umiiyak. Hindi ko kaya

"Mahal kita gwen, bigyan mo lang ako ng ilang sandali mahal ko."

The End

HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon