Akala

7 0 0
                                    

Lizel POV
Hi, ako si lizel! Grade 12 student at mabait ako. Opo hihe. So ayun, anniversary na namin ng jowa ko. Yeah, dahil anniversary kailangang maghanda.

Sa park kung saan ko siya sinagot last year. Dito ako nagset up ng venue namin.

Pagkakita ko sa kanya ay sinalubong ko agad siya ng yakap. Namiss ko jowa ko hmmm.

"Lizel, Let's break up." Napabitaw ako sa kanya. Teka? Joke lang yun diba? Nagjojoke lang siya.

"Uyy by naman! Wag ka na ngang magjoke." Hahawakan ko na sana sya sa kamay pero iniilag niya yun. Umiling-iling ako sa kanya. Hindi hindi pwede. Ayoko hindi ko kaya.

"By hindi. No nagbibiro ka lang." Seryoso lang yung mukha nya. No, nagbibiro lang talaga siya.

"Lizel! I said Let's break up!" Napaiyak na ko nun at niyakap siya. Pilit nya kong inilalayo pero mas hinigpitan ko yung pagyakap ko.

"Lizel please! Kailangan ko munang umalis! Naguguluhan na ko!" Mahinahon nyang sabi kasabay nun ang pagbitaw ko ng yakap sa kanya.

Umalis na siya kasabay nun ang dahan dahang paggunaw ng mundo ko. Dahan dahang nawalan ng kulay ang mundo ko.

Ang bilis naman. Bat ganto? Ano ba kasing magulo? Akala ko ikaw na, akala ko lang pala. Akala ko di na ko sasablay.

Ako ba yung naging problema? Ano bang nagawa ko? Sana pinagusapan na muna. Akala ko ba sabay nating tutuparin yung mga pangarap natin? Akala ko ikaw na.

Kung aalis ka naman wala naman akong magagawa. Pero sana wag mo kong kalimutan.

Akala ko kasi ikaw na. Akala ko lang pala.

The End.

HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon