Bulong

6 1 0
                                    

Sunshine's POV
Isa.
Dalawa.
Tatlo.

Mga bulong ang siyang naguutos sa akin ng aking gagawin. Mga bulong na kailangan kong sundin sa ayaw ko man at sa gusto. Mga bulong na di ko matakasan dahil sa kanila ako'y nakipagkasundo.

"Isang buhay kapalit ng pagiging isang alipin. Pagsapit mo sa ng edad na disi-nuebe ika'y magiging isang ganap sa aming kampon."

Isang tao ang agad na pumasok sa isip ko, ang taong mahal ko. Siya'y muling binuhay subalit walang maalala. Ni hindi niya ako kilala.

"Gawin mo ang aking nais, alipin. Paslangin mo ang hangal na yan!" Ayaw ng isip ko pero kailangan kong tiisin. Nakapatay ako ng isang tao. Gusto ko na lang mabuhy ng payapa.

Napadaan ako sa isang simbahan. Balak ko sanang magdasal.

"Demonyo ka hindi ba? Hindi ka maaaring pumasok diyan, pagkat ika'y kampon na ng demonyo." Napahawak ako sa tenga ko. Sawang sawa na ko! Naririnig ko siyang tumatawa, parang mula pa sa ilalim ng lupa.

"Tama na!!" Nawala ang kanyang tinig. Andaming nakatingin sa akin.

"Tara na."
"Baliw ba yan?"
"Dito pa sa tapat ng simbahan nageeskandalo."

Napatakbo na lang ako. Mali ang naging desisyon ko! Gusto kong bawiin yon!

"Bukas na ang iyong kaarawan? Disi-nuebe ka na."

Ayan na naman siya. Pano ba alisin ito? Natatakot na ko.

Ang araw na ito, ang araw na magiging ganap na ako sa kanila. Gusto kong kumawala.

Nagising akong andaming nakapalibot sa akin. Lahat sila ay nakakatakot, lapnos ang balat at mga patak ng dugo.

Lalo nila akong pinalibutan. Sila ba ang mga bumubulong sa akin?

Hahawakan sana ako nung isa pero bigla akong umiwas. Putol ang dalawang daliri at kita pa ang mga buto dito.

"Lapastangan!"

Bigla akong humagis sa kabilang bahagi ng aking kuwarto. Lumapit na naman sila sa akin.

"Tama na po."

"Isa kang hangal. Ayan ba ang isusukli mo sa lahat ng ginawa namin?" Bigla niya akong sinakal. Ramdam kong nakalutang na ko.

Pakiusap, maaari mo ba akong tulungan? Hirap na hirap na ko. Nais ko lang ipabatid na ako'y nasa iyong likuran kasama ang mga bulong na ito.

The End

HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon