Kayzel Andrea Legazpi
"Ate! Ate!""Bwisit ka kayzen! Maaga pa!" Binato ko sa kanya yung unan ko pisti kasi eh! Ang ganda ganda ng tulog ko tapos gigisingin ako! Sarap patayin!
"Ate sila mama." Napabalikwas ako ng marinig ko ang mga hikbi ni kayzen. Anong nangyayari?
"Bakit? Kayzen bat ka umiiyak? Anong nangyayari kila mama?" Patuloy pa din siya sa pagiyak. Something's bothering me. Kinakabahan ako.
"M-may mga l-lalaki sa b-baba. T-tinali nila sila m-mama." Hanudaw? Teka! Ano ba talagang nangyayari!
Bumaba ka kaya para malaman mo!
Ay oo nga no! Pisti di ko naisip yun ah? Pababa na sana ako ng kama ng pigilin ako ni Kayzen. Napapoker face na lang ako. Ano bang saltik nitong kapatid ko!
"Ate armado sila! Mga apat siguro sila at lahat sila may mga baril. Wag muna tayong magpadalosdalos. We need to plan." Napatango ako. May point naman siya dun.
"Sisilip muna tayo sa may hagdanan ate tapos siguro magtatago na lang tayo dun sa secret room ng kwarto ko." Hala! May secret room siya tapos ako wala! Andaya talaga ni daddy. Pero hindi ko muna iisipin yun!
"Lets go. Hubarin mo ate yung tsinelas mo para di maingay mahirap na."
"Tara!"
Dahan dahan kaming naglalakad patungo ng hagdan. Nang makasilip kami ay agad akong nagulat sa pangyayari.
"Please para na ninyong awa kami na lang wag niyo ng idamay ang mga anak namin." Naiiyak na sabi ni mommy. Patuloy na nagmamakaawa sa mga dimonyo.
"Misis alam mo matagal na kaming naniningil diba? Pero wala kayong ibinabayad. Wag kang mag-alala pag tapos namin sayo yung panganay mo naman." Napantig ang tenga ko dun. Gusto ko silang babain at pagsusuntukin lahat! Mga wala silang puso!
"Maawa naman kayo oh. Kahit kami na lang wag na ang mga anak namin." Napalingon naman ako kay daddy na kahit nahihirapan na dahil sa mga tinamong suntok at tadyak.
Agad namang nagtinginan yung apat tsaka nagtawanan. Bwisit sila!
"Ate tara!" Sinundan ko si Kayzen papunta ng kwarto niya.
Naghanap alo ng mga magagamit kung sakaling kailanganing lumaban. Pero pag kakita ko kay kayzen abat! Nagce-cellphone lang. Irita ko siyang tinignan at ibinato sa kanya yung notebook na nasa lamesa niya.
"Shh ate. Wait inoopen ko yung pinto gamit ang cellphone ko." May kinalikot siya sa cellphone niya at biglang bumukas yung pinto. Woah! Ang cool.
Pumasok ako dun sa secret room niya at grabe ang laki!
"Tonyo! Pilandok! Hanapin niyo na yung dalawa sa taas at dalhin sakin ng buhay pero pag lumaban patayin niyo na agad!" Sigaw nung isa sa mga dimonyo na mukhang pinariringgan kami.
"Tara dun sa kwarto ng lalaki! May secret room dun pre!" Nagkatinginan kami ni kayzen at agad na napalunok.
"Ate tara! Lumipat tayo sa kwarto mo!" Sabi ni kayzen at umakyat sa may kisame. Tsaka ibinaba yung lubid sakin. Kinuha ko muna yung baril na nasa table ni kayzen tsaka inilagay sa bulsa ko.
"Ate bilis!" Mahigpit akong kumapit sa lubid at dahan dahang umakyat. Ang hirap!
Malapit na akong makaakyat ng may biglang humila ng paa ko pababa.
"Ate."
"Mauna ka na. Susunod si ate." Sabi ko pero umiling iling siya.
"Good girl! Di mo na ko pinahirapan."
