Walang Label

12 1 0
                                    

Ceith POV
Alam mo yung feeling na parang kayo pero hindi naman talaga? Alam mo yung feeling na pareho niyong mahal ang isa't isa pero mas pinili niyo munang maging magkaibigan? Maghihintay hanggang sa pwede na.

Mahirap pag wala kayong label. Oo, pwedeng magselos pero di pwedeng magdemand. Kasi wala namang kayo.

"Ceith tara!" Napatingin agad ako kay Marcus. Grabe, ang pogi niya talaga tas mabait pa. Kaya mahal na mahal ko 'to e.

Kaso aantayin niya pa kong mag 18 hanggang pwede na. 15 pa lang kasi ako ngayon, so tatlong taon pa ang iintayin namin.

Kung sakin lang naman okay lang kahit apat na taon ang agwat namin sa isa't isa. Age doesn't matter naman diba? Kaso siya lang naman talaga e.

Ayun kada may lalapit sa kanyang babae tatahimik lang ako. Bat sino ba ako para magselos? Wala namang kami diba. Tatahimik na lang talaga ang magagawa ko.

One time, nakasalubong namin yung kababata niyang babae. Wala naman akong magawa. Ayun, nagmukhang third wheel ang lola niyo. Gustong gusto ko ng yayaing umuwi si Marcus nun. So sympre sinabi ko kay Marcus yun.

"Sige hatid ka na namin sa terminal." Ang saya diba? Dapat kasi kami yun! Dapat kami lang dalawa ni Marcus yung magkasama! Tas hanggang sa terminal lang ako ihahatid! Nangako si Marcus na hahatid niya ako hanggang bahay!

Di na lang ako nagsalita nun. Ano nga ba namang laban ko? Kaibigan lang ako, childhood friend pa yung isa. Walang wala tong mukha ko kumpara sa kanya, di ako maganda pero siya oo, Di ako maputi pero siya kutis mayaman, di ako katangkaran pero siya pwede na pang miss world.

Wala ka naman talaga Ceith e. Kahit pagbali-baliktarin yung mundo wala kang binatbat dun sa babaeng yun.

Dumiretso ako nun sa bahay ng isa ko pang kaibigan. Ansakit e. Wala naman kasi akong magawa kundi iiyak na lang to.

"Be bat umiiyak ka? Baliw ka ba? E wala namang kayo ah? Wag kasing masyadong assuming." Down na nga ako tas lalo pa akong dinadown. Akala ko pa naman macocomfort ako dito.

"Sorry be ah? Si Kc ba naman? First love ni Marcus yun. Diba nga? First love never dies? Tas ikaw I mean kayo? Wala as in wala kayong label! Bakit? Kasi age matter para sa kanya! Sa tingin mo? Kanino siya lalagay? Kay Kc na first love niya tapos maganda, maputi, matangkad pa or sayo na parang nangchild abuse siya." Iniyak ko na lang lahat ng sama ng loob ko. Wala naman kasi talaga akong laban dun sa Kc na yun. First love pa pala ni Marcus yun.

Ilang buwan ko ng hindi nakikita si Marcus. Di niya na ko hinahatid sundo. Ni tawag at text wala. Ayoko naman siyang puntahan sa bahay nila. Nakakahiya kasi. Pero miss na miss ko na siya. Sobrang miss ko na.

"Ceith!!!!! Si Marcus ikakasal na!" Ano? Teka? Bakit ganto? Bakit parang pinipiga ang puso ko. Ang sakit sobra.

"Eto oh. Invitation pinapabigay niya." Marcus & KC's wedding. Wow, invited pala ako? Grabe ha? Kulang pa ba yung sakit na dulot niya nitong mga nakaraan? Dadagdagan niya pa talaga.

Next week na pala yung kasal e. At ang masaklap dun maid of honor pa talaga ako. Ansakit naman po nito. Pero wala akong balak pumunta. Lalo ko lang sasaktan ang sarili ko kung pupunta pa ko dun.

Dear Marcus ,
Sorry kung hindi ako makakapunta. Masyado na kasing masakit kung masasaksihan ko pang ikinakasal sa iba yung mahal ko. Sana maging masaya kayo ah? Best wishes sa inyo.

                                        - Ceith

Sana maging masaya na sila. Sana makamove on ako kaagad para di na ko ganito.

                         The End

HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon