Ang Dyip

934 24 2
                                    

Chapter 1

Gabi na ng matapos ang praktis namin. Masakit na ang paa ko kakasayaw pero para naman to sa ikakabuti ko at ng mga grades ko.

"Ok guys! Tapos na ang praktis bukas naman na ulit. Matatapos na natin to konting tiis nalang." Sabi ni Janille ang choreographer namin at ang ahemm... girlfriend ko.

"Haaayy... pagod na pagod na ako matutulog na ko agad na agad pagkarating ko sa bahay!" sabi naman ni Windyll.

"Uwi na tayo Melbert" sabi ni Janille sa akin

"Geh uwi na tayo. Grabe ang sakit na ng paa ko kanina pa."

"Paanong hindi sasakit yan e kanina ka pa lakad ng lakad?"

" he-he napansin mo pala yun?"

"siyempre ako pa"

Nakalabas na kami ng school premises. Kahit gabi na ang rami pa ring mga estudyante naghihintay ng masasakyan.

"uy! Kain muna tayo" sabi ni Janille sa akin

"ano bang gusto mo?"

"gusto ko yung ice cream dun"

"gabi na mag i-ice cream ka pa?"

"bakit bawal ba?"

"hindi naman, hindi ka naman mabubusog diyan"

"appetizer lang tas para naman may ginagawa bibig ko habang naghihintay"

"sige na nga para matahimik ka na diyan"

Bumili ako ng ice cream para sa aming dalawa. Kinakain namin ito habang naghihintay kami ng sasakyan. Punuan na lahat ng mga sasakyan. Di nagtagal may nakita ako na dyip na maluwag pa. pero ang pinagtaka ko ay bat ang tumal ng pagmamaneho nito. Mukha namang patok to pero bat ang bagal ng pagmamaneho? siguro nahuli to kanina sabi ko sa isip ko. Sa kabagal ng pagmamaneho nito ay nakailang segundo ito bago makarating sa tapat namin. Pinara ko ito.

"Janille halika na sakay na tayo"

"ha saan?"

"andito na sa harap yung sasakyan natin o"

"ha? Anong andito sa hara- AY! Oo nga no. pero kanina wala ito ha?"

"anong wala? Namamalik mata ka lang e"

"Whatever halika na nga"

Bago ako makapasok napansin ko yung design sa gilid ng dyip- kulay itim, blangko wala man lang nakasulat. Patok ba talaga to? Diba ang patok maraming design?

"HOY! Melbert dalian mo nga diyan baka maiwan ka ng dyip. Ano bang tinitignan mo diyan ha? Dali na sinave kita ng upuan dito o"

"ah- oo papasok na"

Nang nakapasok na ako napansin ko na ang raming mga nakasulat sa dingding ng dyip. Sinubukan kong basahin kaso hindi ko maintindihan kaya linibot ko nalang yung mata ko sa mga pasahero. May mga estudyante, may mga nagtratrabaho na rin. Natawa nalang ako dun sa nakita kong natutulog sa sulok nakabuka ang bibig.

"Janille, tignan mo iyon o nakabuka ang bibig hehe"

"HAHAHAHA oo nga no"

"tumahimik ka nga diyan baka magising"

Pero ang loko mukhang nagtitigil pa ng tawa. Kumuha na ako ng pera sa pitaka ko. Bago ko tawagin yung manong ay napansin ko yung karatula na nakasabit

Once you enter, you cannot go back

Bigla akong kinilabutan. At tumingin ako kay Janille, ang ganda pa rin niya talaga at cute pa. ang suwerte ko sa kanya.

Ang DyipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon