Chapter 8

3.6K 81 0
                                    

Yuri's PoV

"I want you to date me."

"What! Are you crazy?" napahinto ako sa paglalakad at ganon din sya. "Kung sa palagay mo maibabalik mo pa ang dati, pwes nagkakamali ka." I said.

"I don't care, basta gawin mo ang punishment mo. Kung gusto mo wag mong lagyan ng meaning. 7:00 pm susunduin kita sa inyo, tutal day off mo naman." pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya.

"Damn you, Bastard!" napatigil naman siya at hinarap ako.

"Another punishment, But don't worry hindi ko pa muna sasabihin sayo kung ano ang pangalawang punishment mo." sabi niya na nagpainit pa lalo ng ulo ko.

Argh! Malapit na talaga kitang gilitan ng buhay.

"Anong bang trip mo Draze, huh?" inilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang bewang habang masamang tinitignan siya.

"Wala." nagkibit balikat lang ito bago ngumisi sa akin.

"Naiinis ako sa iyo Draze, ah. Huwag mo akong ngisian diyan tinatanong kita." masungit na sambit ko. This time tumatawa na siya. Lalo akong naiinis.

"Wala nga." sagot nito habang tumatawa parin. "Ang cute mo, huwag ka nang magalit."

***

8:00 na ako nakauwi sa bahay. Nakakahiya tuloy kina Kuya Emman at Kuya Emmerson, pinaghintay ko kasi sila ng matagal doon sa labas e malamok pa.

"Mga Kuya, ayos lang po ba talaga kayo?"alalang tanong ko habang pumapasok ng bahay.

"Ok lang po talaga kami Ms. Yuri, sanay na po kami don" natatawang sabi nito.

"Baby Yuri? Nandyan ka na pala." si Mama. Lumapit ako sa kanya at yumakap.

"Nandyan na po ba sila Dad at Kuya?" tanong ko. Pansin ko kasi na nagiisa lang si Mommy dito.

"Wala pa nga sila e. Hindi ko alam kung bakit." kaya pala nasa labas si Mama.

"Tawagan nyo na po kasi si Daddy?" suggestion ko.

"Kuya mo nalang ang tatawagan ko hehehe" si Mama talaga oh.

"Hello anak?..Nasaan na kayo? Bakit hindi pa kayo umuuwi?... Alright. Take care."

Tinignan ako ni Mama. "Madami daw inaasikaso sa company kaya gagabihin sila. Halika na kain na tayo." matamlay na sabi nito sa akin.

I know my Mom, based on her acting now, she's sad. Dahil hindi namin sila makakasamang kumain ngayon.

"Mom, are you okay?" I asked. Para kasing walang ganang kumain si Mommy ngayon. "Mom, gusto mo tawagan ko na sila?" tanong ko na agad naman umiling si Mama.

"Wag na Baby Yuri. Ayos lang ako, siguro kailangan ko lang na masanay na" nakangiting sabi nito sa akin.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong pumuntang kwarto para magpahinga.

Agad akong nahiga sa kama ko. "Hay, nakakapagod!"

"I want you to date me."

Napasabunot ako bigla. Argh! Anong gagawin ko? Siguro ay magkukulong nalang ako dito bukas para hindi matuloy.

Or pwede ring may sakit ako? Haha!

***

Savannah's PoV

"Sav, Where na you?" rinig kong sigaw ni Yuri sa labas. Breakfast namin ngayon.

Bakit ang aga ng babaeng ito?

"Hi, Tita at Tito" bati ni Yuri kila Mom and Dad. Anyways wala dito si Kuya Ethan, maaga kasi ang pasok niya ngayon.

"Hi, Iha. Have a sit" umupo naman si Yuri. "What are you doing here?" tanong ni Mom

"Tita, ayaw nyo ba akong nandito?" naka pout na sabi ni Yuri.

"Haha! Wag ka ngang gumanyan. Mukha kang bibe" natatawang sabi ko sa kanya

"Tsk." napairap nalang si Yuri

Pagkatapos ng breakfast namin kasama si Yuri ay inaya ko siya sa garden.

"So, what are you doing here?" I started.

"Wala na-miss ko lang ang bestfriend ko."natatawang sabi nya.

"Tss. Kamusta yung ojt mo?"tanong ko sa kanya. " And kayo ni Draze?" dugtong ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

Ilang saglit lang ay natahimik kami.

"Inaaya akong makipagdate ni Draze." nagulat ako sa sinabi nya. "Sav anong gagawin ko?"

Tsk. Tsk. Yan na nga ba ang sinasabi ko e. Mahirap talagang magsama sa isang trabaho ang mag ex—oh wait.. Hindi nga pala naging sila, never mind.

"Ikaw? Anong gagawin mo?" balik na tanong ko sa kanya.

"Tinatanong nga kita e."

"Bakit sa akin mo tinatanong eh ikaw ang inaaya" sabi ko sa kanya. "Sasagutin ko yan kung ako ang inaya" biro ko.

"Sav, Im serious"

"Im serious too" napasabunot nalang siya. "Ikaw gusto mo bang makipagdate sa kanya?" I asked her seriously naikinatahimik niya. "Patay tayo dyan."

"Sav, sinasabi ng isip ko na ayoko. Pero ang puso ko gusto." seryosong sabi niya. "Pero Sav, nananaig parin ang galit ko sa kanya" kinuha niya ang isang maliit na bato at inihagis ito.

I hold her hand. "Yuri, hindi sa lahat ng oras mananaig yang galit mo, kailangan mo ring magpatawad" napatingin siya sa akin.

"But it's not easy to forgive, especially the pain he did to me." nararamdaman ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Yuri, hindi mawawala iyang sakit na nararamdaman mo kung hindi ka magpapatawad." I said, siguradong pagnanaig ang galit niya ay baka hindi na siya matutong magpatawad.

"I know na masakit ang ginawa niya sayo, pero 3 years na ang lumilipas. Yuri wake up, Akala ko ba naka move-on kana sa ginawa niya sayo?" hindi siya nagsalita dahil bigla niya akong niyakap.

"Sav, I really don't know what to do." umiiyak na sabi niya sa akin. "Sobrang sakit kasi ng ginawa niya hindi ko kaya" humagulgol siya. "Akala ko nung una kaya ko kaya ako bumalik dito. Pero hindi pala Sav. Kaya nung una ko siyang nakita hindi ko napigilan ang sarili ko na sampalin siya. Kasi Sav ang sakit" iyak lang siya ng iyak.

"It's okay Yuri, Everything will be okay" I know na mapapatawad mo siya balang araw.

Minutes past ng matapos siyang umiyak. "Okay kana?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti.

"Thanks Sav, siguro hindi ko pa talaga siya kayang patawarin. Pero mawawala rin itong sakit at mapapatawad ko rin sya. " Yeah, someday.

"So, anong gagawin mo? Makikipag-date ka ba?" tanong ko. Tumayo siya.

"Wala naman akong choice e. Punishment ko iyon e. Bye" sabi niya at umalis na.

What? Bakit pa siya nagtanong sa akin.

Nasayang tuloy ang word of wisdom ko.

*****************************************

Written by: Namia_04

I'm Totally Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon