Yuri's PoV
*ring* ring* ring*
"Argh! Ang agaaga nambubulabog na agad!" inis kong kinuha ang phone ko at sinagot ang tawag.
"Hello. Sino ba ito? Do you know what time is it?" inis kong bungad.
"[Yeah, I know and it's already 4:30 in the morning. Gosh! Yuri dapat sinabi mo sa akin ng maaga na wala ka palang balak sumama. Ikaw pa naman ang nagpumilit na sumama ako]" tanong niya sa akin.
Ngayon nga pala ang alis namin.
"Im sorry okay. Papunta na ako dyan" binaba ko na ang tawag at nagmadaling nagayos ng gamit naligo narin ako.
Bago ako umalis ng bahay ay nagiwan muna ako ng note para kila mommy.
Pagdating ko doon ay naabutan ko silang mga nakatayo sa labas ng van.
Agad akong lumapit sa kanila.
"Im sorry guys." hingi ko ng tawad sa kanila.
"You're 1 hour late" sabi ni Draze sa akin at pumasok na sa loob ng van. Napairap nalang ako. Edi sana hindi ka na sumama.
Kami ni Sav ang magkatabi. Habang si Lorenz naman ang driver katabi niya si Draze doon.
"Hey!" kinalabit ako ni Sav. "Akala ko talaga hindi ka sasama e." she said while pouting.
"Tsk. Pwede ba yon. May mission pa tayo" sabi ko na ipinagtaka niya.
"Mission?" tumango ako.
"Yes. Yung pag amin mo kay Jirus." natatawang sabi ko naikinapula ng pisngi niya.
"Shh! Wag ka ngang maingay." nahihiyang sabi niya sa akin. "Baka may makarinig sayo."
"Bakit hindi mo tinabihan si Jirus. Nagiisa lang siya oh" sabi ko sa kanya. Si Jirus kasi ay magiisa lang sa likod habang naka headphone. Nakikinig yata ng music.
"Ayoko nga."
"Yuri? Paano kung ni-reject nya ako?" malungkot na sabi niya sa akin.
"Kahit masakit para sa iyo. Tanggapin mo nalang, kung may iba siyang gusto, then let him. Hindi ka kawalan Sav" paliwanag ko sa kanya. Malungkot naman siyang ngumiti.
"Yeah, I know"
Pagkatapos ng paguusap namin ay natulog muna ako dahil kulang pa ako sa tulog.
"Hey, Yuri wake up. Were here." nagising ako nang may malakas na yumuyugyog sa akin at dahil narin sa malakas na boses ni Sav.
"Stop doing what you do. I am awake." itinigil na ni Sav ang pag-yugyog niya sa akin.
Pagkalabas namin ng van ay hindi ko maiwasang mamangha ganon din si Sav. Kahit na gabi na ay maganda parin dito. Ganito pala kaganda ang Puerto Galera.
****Nandito na kami sa magiging room namin ni Sav. Yung mga boys naman ay katabi lang ng room namin.
Inayos namin ni Sav ang mga gamit namin bago kami lumabas. Excited na daw kasi si Sav na mag swimming. Well actually ako rin. Pero kailangan pa namin munang mamahinga dahil kagagaling lang namin sa byahe at medyo may kalamigan na.
Ang daming tao dito ngayon. Marami ring mga turista dito. Kaya pala dinadayo ito ng marami dahil sobra itong ganda.
"Yuri, tignan mo iyon. Ang gwapo hindi ba?" natatawang itinuro ni Sav ang lalaking americano.
"Oo ang gwapo nya." gwapo naman talaga.
"Teka nga, ipinagpapalit mo na ba si Jirus dyan?" kunot noong tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm Totally Yours (Completed)
Teen Fiction[YMP book 2] =Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya, maybe it'll remind him what he did... Now that I'm back, sisiguraduhin kong matatapos na dito ang lahat.= 11/10/18