Stephen's PoV
"Hello kuya, I miss you.." Yuri? Si Yuri ang kapatid ko? But how?
Lumapit sa akin si Yuri and she hug me tight. Totoo ba ito? Nananaginip ba ako.
Bumitaw ako sa yakap naming dalawa.
"Totoo ba ito o nananaginip ako?" hindi makapaniwalang tanong ko.
I heard Yuri's chuckles.
"Yes, Kuya. Totoo ito hindi ka nananaginip. Haha"
"You changed...a lot" I said. Hindi sya yung Yuri nakilala ko. But Im happy that she's my long lost sister.
Finally.
"Ano ka ba Kuya. Ako parin ito. Haha" I guess.
"Son?" nilingon ko ang tumawag sa akin.
"Mom?" tumango siya at nginitian ako.
I can't believe na nangyayari ito ngayon. Lumapit ako kay Mom at niyakap siya ng mahigpit.
"I miss you Mom.." I said after a long hug we shared.
"I miss you too." she replied.
"Si Kuya talaga ang daya!" napalingon ako kay Yuri, dahil bigla niya akong pinalo.
"What?" tanong ko.
"Hindi mo ba ako namiss? Si Mama sinabihan mo ng 'I miss you' pero ako hindi." natawa nalang kami ng mahina. Hindi nga siya nagbago, nandyan parin ang Yuri na kilala ko. Lumapit ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok.
"Nagtampo agad si Baby Yuri, syempre namiss ka ni Kuya" lumiwanag naman ang kanyang mukha.
"Talaga!?" tumango ako at niyakap naman niya ako ulit "Kala ko hindi mo ako namiss e"
"Pwede bang hindi kita mamiss."
"Tama na yan. Dinner is ready" sabi ni Dad sa amin.
Ngayong bumalik na kayo sa amin. Sisiguraduhin kong hindi na kayo mawawala pa sa aming muli ni Dad. Ibabalik natin ang masayang pamilya natin. Poprotektahan ko kayo. Lalo kana.....Yuri
****
Yuri's PoV
Pagkatapos ng dinner namin ay nagpaalam na ako napupunta muna ako sa kwarto ko para magpahinga. Gusto pa sana ni kuyang mag movie marathon kami but I rejected it, pagod narin kasi si kuya at kailangan niya naring magpahinga.
Napatigil ako sa pag aayos ng may narinig akong kumatok sa pintuam. Inayos ko ang natitirang gamit dito sa bed side ko bago ko ito buksan.
Ngumiti ako ng makita ko si Mama sa labas nito.
"Ma, anong ginagawa nyo rito? Hindi pa po ba kayo matutulog?" tanong ko, pero nginitian niya lang ako. Sinundan ko siya ng tingin ng naglakad siya papuntang dresser ko at kinuha ang isang suklay.
"Can I?" tanong ni Mama sa akin. Ang ibig sabihin nya ay pwede nya bang suklayin ang buhok ko gaya ng ginagawa nya sa akin dati.
"Opo naman po. Bakit hindi." sagot ko.
Just like before marahan niyang hinawakan ang buhok saka ito sinuklay. Nung una tahimik lang niyang sinusuklay ang buhok pero di kalaunay nagsalita rin si Mama.
"Sigurado ka bang dito mo gustong magtrabaho? Bakit hindi mo tinaggap ang offer na ibinibigay nila sayo?" sunod sunod na tanong sa akin ni Mama.
"Ma, ayoko namang iwan kayo dito. Saka gusto ko pa pong makasama ng matagal sila Daddy at Kuya." sagot ko. "Ayoko na po ulit mawala sila sa akin" dagdag ko na nagpatahimik kay Mama.
BINABASA MO ANG
I'm Totally Yours (Completed)
Ficção Adolescente[YMP book 2] =Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya, maybe it'll remind him what he did... Now that I'm back, sisiguraduhin kong matatapos na dito ang lahat.= 11/10/18